Andrea's Pov
Nagising ako ng wala ng katabi sa higaan. Hays, ansakit nang katawan ko gago lalaki yun hindi ako tinigilan kagabi. Pero sobrang saya ko ng alukin nya ako ng kasal. Sobrang saya ko lang dahil kahit ano pang nangyari sa nakaraan namin ay kami pa rin ang itinadhana para sa isa't isa. Oh crap! I sounds so corny.
Napabalik ako sa realidad ng biglang bumukas ang pintuan at Iniluwa ang taong laman ng isip ko.
"Hey sweetheart breakfast in bed" nakangiting saad nito at ipinatong nya sa side table ang dala nyang pagkain.
"Hot naman ng chief ko" nakangiting sabi ko sakanya saka ko sya kinindatan.
"Sus. Binola mo pa ako. Huwag mo kong mabola bola ng ganyan baka ikaw ang kainin ko" nakangising sagot nya. Inirapan ko lang sya. Daming alam ng lokong to. Sapakin ko sya e.
"Huwag ka nga dyan, May pupuntahan pa ako mamaya no!" nakabusangot kong sagot sakanya. Iisa na naman kasi.
"Saan?" naguusisang tanong nya.
"Kay Xands lang" casual na sagot ko.
"Sama ako" nakangusong sabi nito.
"Sapak gusto mo? " sabi ko saka pinakita sakanya ang kamao ko.
"Hindi. Kiss ang gusto ko, pakiss nga" sabi nito saka ngumuso. Tinampal ko lang ang nguso nya. Napaaray naman ang loko.
"Ang sama mo, inaaway mo baby mo." nakangusong sagot nya. Ang cute talaga ng baby ko, pinanggigilan kong kurutin ang pisngi nya.
"Awts! Baby naman e. " nakangusong sagot nya. "Nangungurot ka na ha! Di na tayo bati." parang batang sabi nito. Kaya napangiti na lang ako.
"Talaga di na tayo bati?" nakangiting sabi ko. Umiling iling sya.
"Paano pag kiniss kita?" nakangising tanong ko. Umiling iling sya.
"Paano pag eto?" Sabi ko saka binaba ang kumot kong nakatakip sa katawan ko. Agad naman nya akong sinunggaban ng halik at alam nyo na ang sunod na nangyare.
I'm at the shop today, hinihintay ko si Xands. May ibabalita daw ang bruha. Sampung minuto nang late ang babaeng yun ah.
😒
Oh speaking of the bitch, she's walking like a victoria secret model. Parang di late ang bruha.
"Hi friend! Kanina ka pa?" nakangiting sabi nito."Yeah bitch" bored na sagot ko. Napasimangot naman siya. Ganyan kasi talaga ako kapag pinaghihintay, I'm calling them by names. Yes them, kabilang si Gold, Andy at si Zach.
"I'm getting married!" tuwang tuwang balita nito.
"With?" walang ngiti ngiti kong tanong. Baka kasi sa boyfriend nyang hindi ko gusto para sakanya.
"Ofcourse sa boyfriend ko. Kanino pa ba. " umiirap na sagot nito.
"Okay. Best wishes" sabi ko na lang na nakapagpanguso sakanya.
"You're getting married too, Right? With Zach?" nakangiting sabi nito sakin. Para bang tinutukso nya ako sa mga titig nya. Tumango na lang ako.
"Next month is my wedding, How about ya? What you think double wedding na lang kaya tayo!" nakangiting sabi nito.
"No, baka kasi next year na lang kami" nakangiting sabi ko. Yes, totoo yun masyado pa kasi akong nabibilisan sa nangyare. But whatever it takes, we will still going to get married.
-
500 words
