[Andrea's Pov]3 months had passed, naguunder go na rin ako ng treatment ko. And sabi ni Mama may pag-asa na daw akong mabuntis. Pero paano kung wala namang bubuntis sakin?
Me and Zach are still staying at the same roof kaya lang. Parang wala rin akong kasama dahil hindi naman nya ako kinakausap, pag kinakausap ko sya kung di tango ang sagot nya ay wala.
Kakauwi ko lang sa bahay ngayon at nagluluto ako ng dinner nya. Pagkaluto ko, nauna na akong kumain at hindi na sya hinintay saka umakyat ng kwarto para matulog. Bawal kasi sakin ang mastress at dapat laging relax lang.
Pagkahiga ko sa kama ko unti unti na akong hinila ng antok. Naalimpungatan ako ng may nakayakap na sakin, paglingon ko sa taong yumayakap sakin ay walang iba kundi si Zach.
I miss him. Ang gwapo nya talaga. I start touching his brows, eyelids, down to his pointed nose, I gently caress his cheeks then touch his red lips.
"Fantasizing me princess?" sabi nya ng nakapikit. Namula naman ako, gising pala ang lokong to.
"Sorry, did I disturb your sleep?" nahihiyang tanong ko.
"Nope." sagot lang nito. Niyakap nya ako ng mahigpit. "I'm sorry princess" sabi nito saka sumiksik sa leeg ko.
"No, I'm sorry. Sana hindi ko na lang tinago sayo."
"No, You're just scared because you thought I might leave you kapag nalaman ko. Right?" tumango ako. His right ayokong sabihin sakanya dahil baka iwan nya ako.
"Listen, I won't leave you my princess. You are ng baby." nakangiting sabi nito. Saka ako niyakap.
"I love you." masuyong sabi nito.
"I love you too" nakangiting sagot ko saka ko sya hinalikan.
And the rest is history...
-
[Ater how many months]
Zachary's Pov
Naghahanap ako ng bukas na Ice cream parlor, paano ba naman kasi madaling araw na inatake pa rin ng paglilihi ang misis ko. Pagod na pagod kaya ako sa buong araw na pangaalila nya saakin.
[Flashback]
"Tapos ka na bang maglinis? " napairap na lang ako.
"Iniirapan mo na ako ha?" Inis na sabi nito saka ako piningot sa tenga. Napadaing naman ako sa sakit.
"Ano ba naman Andrea!" naiinis na ding sagot. Sino ba namang hindi maiinis? Pinaglaba nya ako eh may taga laba naman kami ng damit. Pinagluto nya ako, muntikan pa ngang masunong ang buong bahay e! Tapos ngayon pinapalinis nya sakin ang buong bahay! Wala pa akong pahinga nyan!
"S-sinisigawan mo na ako?" naiiyak na tanong nito sakin. Napabuntong hininga na lang ako. Hays.
"Hindi po princess, pagod lang ako." nakangiting wika ko at yinakap sya.
"Pagod ka na sakin?" parang batang tanong nito sakin. Umiling ako saka siniksik ang mukha ko sa leeg nya.
"Paano ako mapapagod sayo kung ikaw ang lakas ko." nakangiting sagot ko.
Maingat nyang itinulak ang ulo ko palayo sa leeg nya. "Ganun ba?" nakangiting tanong nito. Tumango ako.
"Sige pagluto mo nga ako" napangiwi naman ako sa sinabi nya, like seriously? Eh muntikan ko na ngang masunong ang buong kusina kanina e. Nagkasira sira pa ang mga gamit.
Nakita naman nya ang reaction ko kaya napanguso na lang sya. "Sige na nga bumili ka na lang"
"Ano bang gusto mo?" nakangiting tanong ko.
"Sinigang na walang sabaw at dapat matamis na matamis" nagniningning pa ang mga mata nito habang sinasabi ang gusto nyang kainin. Hays.
[End of flashback]
Natawa na lang ako sa naalala ko, ibang klase talaga sya maglihi. Pauwi na rin ako ngayon bumili na lang ako ng ice cream sa isang store na 24/7 na bukas.
Wala pa akong tulog. Paano ba naman kasi kapag nakukuha ko na ang tulog ko, gigisingin naman nya ako para magpabili ng kung ano ano.
Pagkauwi ko nakita kong nakabukas ang ilaw sa may sala. Ang kulit naman ng babaeng to sabing hintayin na lang ako sa kwarto e. Pagbukas ko ng pintuan ng bahay, nakita kong mahimbing syang natutulog sa may sofa. Napangiti na lang ako, mukha syang anghel pag tulog pero kapag gising parang dragon. 😂
Bubuhatin ko na sana sya ng magmulat sya ng mata. Tumaas ang kilay nito saka tumayo at namewang.
"Ice cream ko? " mataray na tanong nito sakin.
Napanguso na lang ako, parang mas naeexcite pa sya sa ice cream kaysa sakin ah.
Naglakad ako papuntang kusina, sumunod naman sya. Nilapag ko ang ice cream sa mesa. Kinuha naman nya ito agad.
"Matulog kana" walang lingong sabi nito sakin, busy kasi sya sa pagkain ng ice cream. Hindi man lang ako matignan. 😒
"Mamaya na" sagot ko at nangalumbaba. Tumingin naman sya sakin saka ako nginitian.
"Thank you baby" magiliw na wika nito saka inabot ang pisngi ko para kurutin. Napanguso na lang ako, Ang sakit talaga nito mangurot. Nangangagat din sya, lagi na nga lang ilong ko ang pinagdidiskitahan nya e.
Pag ka ubos nya ng kinakain nya ay. Hinila nya ako agad papuntang kwarto.
"I love you" malambing na wika nito saka ako niyakap.
Hinalikan ko ang noo niya. "I love you too" masuyong sagot ko sakanya at niyakap siya pabalik.
Naalimpungatan ako ng wala na ang princess ko sa tabi ko, tinignan ko ang orasan sa may side table. Napakunot-noo na lang ako ng makita 3:45 am pa lang, Saan naman kaya nagpunta yun. Natigilan ako sa pag-iisip ng pumasok sya na may dala dalang gatas.
"Dapat ginising mo na lang ako, kung may gusto ka. Baka mapano ka pa."
"Gatas lang naman to, saka alam ko namang pagod na ang baby ko e."
"Hindi ako pago--"
"Shhh, Don't deny it." wika nito saka inisang lagok ang gatas nya.
"Dahan-dahan naman!" nag-aalang sigaw ko sakanya. Inirapan na lang nya ako.
"Over-protective naman ni Daddy" nakangiting sabi nito. Inirapan ko na lang din sya, saka hinila pahiga.
Niyakap ko siya at masuyong hinahaplos ang maliit na umbok sa tiyan nya.
Yes, Love is nothing more than a fairytale. This ain't fairytale. You know, when we are in love, we are bound to get hurt, especially by the one we love. All I want to say is there's no perfect relationship. Kung nasaktan ka man ng dahil sa pag-ibig, then go. Since hurting means learning. Kaya kung nasaktan ka man, You should learn from your mistakes and learn to forgive each other and It will make your relationship stronger. Chances are very rare so If you have the chance to make every thing right, Grab it. Because, opportunities happen only once in a life time.
-
1097 words
