"Para! " sigaw ng katabi ko, huminto naman ang jeep at sumakay ang mangilangilan na tao. Sumakay narin ako sa jeep dahil madaraan ang pupuntahan ko.
"Wala na ba?! " sigaw ng driver at tumingin sa amin. Umandar namam ang jeep ng wala ng sumakay nito.
Twelve lang kaming pasahero sa jeep kaya hindi masyadong masikip, kulang pa nga ng sampong tao para magkasya kaming lahat.
May mga nag tsitsisimisan, ang iba ay natutulog at nag sasound trip. Gabi narin kasi at lahat ng tao ay kakagaling lang siguro sa tarbaho o di kayay sa skwelahan kaya ang iba ay natutulog.
Nakakabagot talaga pag wala kang kaibigan na kasabay. "Manong bayad ho! " sigaw ng lalaking naka glasses na nasa pinaka huli. "Bayad ho! " sigaw niya pa pero walang ni isa ang kumuha ng pera niya para ibigay kay manong. Kukunin ko na sana ang pera niya may naka unang kumuha nito.
"Salamat" sabi nito.
"Alam mo ba? May bagong biktima nanaman yung lalaking nang rarape at pinapatay pagkatapos gahasain ang babae. " sabi ng babae matanda.
Nagulat naman yung kasama niya "ano!? San naman ngayon?! " sabi nito.
Nakuha naman ang atensyon ko sa pinagsasabi nila "sa skwaters are dun sa may ilog nakita ang bangkay! " sabi nito, bigla naman akong nalungkot dahil sa sinabi ng babaeng matanda, ang ate ko ang biktima na pinagsasabo nila. Nakakalungkot dahil dalawa lang kaming magkapatid.
Bakit pa kasi siya pumunta sa peryahan. Namamasyal ang ate ko ng gabing yun ang sabi niya uuwi agad siya pero ilang oras ng nakalipas ng hindi na macontact ang ate ko. Pinabayaan lang namin nun dahil akala namin ang lowbat siya pero mag uumaga na at hindi parin siya dumarating kaya pumunta na sa police ang mga magulang ko, bente kwatro oras na ng matagpuan ang bangkay niya sa ilog. Iyak ng iyak ang mama ko nun.
"Para ho! " sigaw ko pero parang bingi si kuya kaya kumatok ako sa taas para marinig niya, at huminto naman ito.
Bumaba na ako...
Third person POV
"Sino yung pumara? " inis na sabi ng driver. Nalito naman ang mga pasahero dahil wala ni isa sakanila ang pumara. Binalewala nalang ng driver at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
"Alam mo ba kung ilan ang pinatay? " at pinagpatuloy ng ale ang tsismis.
"Ilan? " tanong ng kasama nito.
"Dalawa, yung bunso at panganay... Diyan oh sa ilog na yan natagpuan ang bangkay nila " at tinuro ang ilog na nadaanan nila.
A/N: hi po, kung gusto niyo ng rom/com may bago po akong story. Hunting Kenshin Lu tanaka, iclick niyo lang po yung profile ko makikita niyo. Salamat po *bow*