Chapter 5: Meet them (Part 2)

1 0 0
                                    

Massie's POV

Seriously?! Mahoholdap kami? Argh! Why am I doing here in the first place? Damn you Tanya! Sumama ka kasi e ayan nakasakay ka tuloy sa isang public vehicle.

Kinakabahan na ko sa totoo lang paano kung saktan nila kami?! Bakit kasi dito pa nila naisipang sumakay! Pwede namang magtaxi!

Palinga linga ako sa paligid ko. Hindi ko alam kung napapraning lang ako o dahil stress. Tinignan ko yung mga kasama kong prenteng prenteng nakaupo at walang pakialam sa nangyayari.

Well, except kay Elle na nagpapanic. Omg! Si chelle hindi pwedeng makakita ng ganitong eksena dahil madali syang magpanic at himatayin.

Nakita kong nakatingin sakin si Xien na parang may sinesenyas. Kahit kabado ginawa ko na lang yung sinesenyas nya. Pinatungo ko si Chelle at nilagyan ng headset saka nilakasan yung volume.

Nagulat naman yung katabi ko dahil hiniklat ko yung headset nya at inilagay kay chelle. Hindi na sya nakaangal dahil pinanlakihan ko na sya ng mata.

Pumikit ako at pasimpleng nagdasal. Diyos ko po bakit po ganito? Ano po bang kasalanan namin? Sana may himalang tumulong sa amin. Napamulat ako ng maramdaman kong natahimik lahat.

Tinignan ko yung mga kasama ko na nagkibit balikat lang. Si Elle ganun pa din nakatakip ang mata. Napatingin ako sa mga holdaper na nakabulagta sa paanan namin.


"A-anong nangyari?" Tanong ko.

"Wala nakatulog. Tara na umalis na tayo" sabi ni Brent.

Pagbaba namin ng jeep nagsialisan na din yung mga pasahero. Gosh! This is so frustrating!

"Hurry up! We need to go!" Naiinip na sabi ni Ace.

Tumingin lang ako sa kanila, Si Chelle hindi kumikibo. Napansin kong masyadong tahimik yung kasama nila Andrew, my gaze locked with Ziel's. He wasn't sitting that far from us and I could clearly see his dangerous eyes eyeing me like he's going to enter my soul. Nagulat ako ng bigla syang lumingon sakin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, nagiwas ako ng tingin at pasimpleng pinakalma ang sarili.

Nakakatakot syang tumingin. Parang... May kakaibang aura siya na mahirap iexplain. Parang ang hirap niyang argh di ko maipalwanag. With those light brown eyes. Next time hindi ko na siya titignan ng ganun.

Archelle's POV

Naweweirduhan ako sa mga tao ngayon. Kanina nung nasa jeep kami tas ngayon naman si Massie. Akala mo nakakita ng multo e.

"Massie okay ka lang?" Takang tanong ko.

"A-ah oo. Tara na tinatawag na nila tayo." Nagkibit balikat na lang ako saka nagsimulat maglakad.

Tahimik kaming lahat sa sasakyan. May sasakyan naman pala bat pa nagjeep? Haays.



"Ahm.. Massie, saan pala tayo pupunta?" Napalingon naman sya sakin na parang nagtataka.

"Huh? Eh sumunod lang kaya kami sa inyo, wag mong sabihing hindi  mo alam kung saan kayo pupunta?" Si Xien naman kasi hila ng hila.


"He-he hindi."

"What?! Sakay kayo ng sakay tapos hindi nyo alam kung saan kayo pupunta? Eh kamuntikan na nga tayong mahold--asgsjskl"


"Tara na, tara na!" Biglang sigaw ni Jam habang tinatakpan ang bibig ni Elle na nagwawala.





Hindi na lang kami kumibo, pumasok na kami sa Mall kaso hinarang kami ng guard. Kapag ganitong kaaga bawal palang magpapasok ng estudyante.


Medjo natagalan pa kami dahil nakipagtalo pa si Elle dun sa guard. Malay ba nung guard na sila pala may ari nitong mall.


Humiwalay kami ni Xien sa kanila. Inaalala ko kasi si Gene, paano na nga pala yun. Ang hirap naman nito huhu, kapag nagdahilan naman ako kay Xien baka mahalata pa nya.



Dumiretso kami sa supermarket. Madami dami ding namimili.


"Bumili ka na ng kakainin mo dun lang ako sa can foods." Tumango na lang ako at umiba ng daan. Nagpunta muna ako sa drinks.


Madami dami na din akong hawak nasan na ba si Xien? Hays ang layo naman ng basket e. Napadaan ako sa cookies.


May nakita akong chips delight. Tumingkayad ako at pilit inaabot yon. Nahulog pa nga yung dala kong mogu mogu. Nagulat ako ng umangat ako. Napagtanto ko na lang na nasa loob ako ng push cart.




"Stay here." Napalingon ako sa nagsalita. Kumuha sya ng 4 na chips delight saka nilagay sa push cart.









Nagulat ako ng kunin nya lahat ng dala ko. Dinampot din nya yung nahulog na mogu mogu saka inilagay sa push cart nya.


Nagsimula na syang maglakad tulak tulak yung push cart. Tekaaaa! Huhu bat ba ko nandito? Mamaya hanapin ako ni Xien lagot ako dun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twelve Olympians: The Beginning (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon