“Hindi pa kasi ako handa, Cloi. Alam mo naman na ni kahit minsan ay wala pa akong naging kasintahan. Wala akong alam sa pag-iibigan. Ayaw kong makasakit ng tao, at higit sa lahat ayaw kong magsinungaling sa iyo Cloi. Hindi pa talaga ako handang pumasok sa ganito. Sana maintindihan mo ko.”
-- Ito ang mga salitang binitawan ko sa kalaro ko. Masakit man isipin, ginusto ko rin na siya ay maging akin. Kaso nga lang, pinangungunahan ako sa takot na baka maging kagaya ako ng ibang babae na iiwan din ng mga lalaki sa huli.
“Cham, handa akong maghintay kung kinakailangan. Lalo na’t ngayon alam kong tayo rin ang magkakatuluyan. Nirerespeto ko ang desisyon mo, iniibig kita kaya naiintindihan ko.” Ayon naman ni Cloi-cloi.
Kaklase ko siya noong kinder pa kami. Hindi lang kami sa silid aralan nagkikita-kita. Pati narin sa mga araw na walang pasok. Anak siya ng katrabaho ng aking kapatid. Kaya hindi maiiwasan na kaming dalawa ay magkita doon.
Ako’y kinaibigan niya, at ako’y nabigla sa alok niya. Korni man ito pakinggan, pero sa batang puso kong ito. Akoy nagkagusto sa kaklase ko. Apat na taong gulang pa ako noon, samantalang siya naman ay limang taon.
Ang tawag ko sa kanya ay Cloi-cloi, dahil ayaw niyang itawag ko sa kanya ang tunay niyang pangalan kasi pambabae raw ito.
Siya ang nagmistulang hero ko sa panahong iyon. Kapag inaaway ako nina John Paul at ako’y umiiyak, isinusumbong niya kaagad sa ate ko ang nagyare. magkasundo kami sa lahat ng bagay. Bagay na ikinasasaya sa murang edad namin.
Dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, tinutukso kami sa mga sa mga kaibigan ng mama niya. Ako naman itong nahihiya ay dalidaling nagtatago sa ilalim ng mesa, upang matakpan lamang ang namumula kong mukha.
Samantalang si Cloi-cloi naman ay balewala lamang ang mga panunukso sa amin.
Para bang siya’y nandidiri sa akin at ako’y binaliwala niya. :(
Makalipas ang ilang buwan ay nagtapos kaming dalawa sa kinder. Masaya ako noon dahil ang kalaro ko na si Cloi-cloi ay nangunguna sa klase namin. (Siguro dahil wala pang Algebra sa panahong iyon). Ako naman ay panglima kaya naiingit ako sa kanya dahil ang medal niya ay mas maganda.
Hindi ko inaakala na iyon ang huling araw ng pagkikita namin ng kalaro ko. Doon na kasi siya tumuloy ng pag-aaral sa lugar nila at ako naman ay sa amin. Parang ang bilis ang nagyare at hindi ko man lang nagawang sabihin ang lihim na pagtingin sa munting kaibigan.
Makalipas ang ilang buwan , Elementarya na kami. Gustuhin ko mang makita ang kalaro ko, pero hindi na siya nagpupunta pa sa lugar na pinagtatrabahuan ng mama niya.
Namimiss ko na ang pagsasama naming dalawa. Yung mga araw na tumatakas kami para lang makapaglaro, sabay magtakbuhan sa malapad na damuhan, manghuhuli ng mga insekto at iyung paghingi namin ng piso sa matandang lalaki.
Maaliwalas ang mukha ko kapag siya ay kasama. Pero ito ay nagbago simula nung mawala siya sa tabi ko.
Hanggang magtapos na kami sa elementarya, wala parin akong balita sa kanya. Minsan napaisip ko, baka nakalimutan na ako ng kalaro ko. Ilang taon na ang lumipas. Posibleng nakahanap na siya ng bagong kalaro.
Yung kalaro na hihigit pa sa akin: kalaro na hindi niya babalewain kapag sila ay tinutukso, kalaro na mas maganda pa keysa sa akin at kalaro na makakasama niya sa panghabambuhay.
Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko ang mga to. Siguro ito na ba ang tamang oras na siya ay mabura na sa aking isipan?
Dalaga na ako sa panahong iyon, siya naman ay binata na. Sa edad namin hindi na namin kailangan pa ng kalaro. Kundi isang tao na makapagpapasaya sa amin.
BINABASA MO ANG
My Playmate turns to be My Soulmate
Teen FictionIto ay tunay na istorya tungkol sa magkalaro na sina Cham2x at Cloi2x. Sila ay matalik kaibigan simula nung bata pa sila. sa mura nilang edad, si Cham2x ay lihim na umiibig sa kaibigan. Hindi inaasahan sila ay paglayuin ng ng tadhana. Sa mahabang pa...