"Jayca! Tawag ka ni Zino!" Sigaw ng kaklase ko
Hi! Ako nga pala si Jayca Morales, maligayang namumuhay sa planetang Earth. Anyway, maniwala man kayo o sa maniniwala talaga kayo, boypren ko ang heartthrob sa school na ito! At oo, siya si Zino Lazares.
"O sige. Papunta na!" Maligayang tugon ko.
Naglalakad ako papuntang classroom nang makita ko na ang likod ng pinakamamahal kong voyfren.
"Jayca!" Tawag niya sa'kin pagkalingon niya sa direksyon ko.
"Zino!" Tawag ko naman pabalik.
"Kumain ka na muna," sabi niya sabay lahad niya sakin ng banana cue. Sweet nya no?
"Thanks. Ano pala sasabihin mo?" Tanong ko.
"Break na tayo." Seryoso niyang sabi.
"Ay. Si Zino! Nagbibirooo~" sabi ko namay halong pilit na tawa
"Hindi ako nagbibiro Jayca. I'm sorry. Break na tayo." Sabi niya at tuluyan ng tumalikod sakin.
"MS. MORALES! NATUTULOG KA NANAMAN SA KLASE KO!" Sigaw ni Ma'am straight sa ears ko, kaya agad akong napabangon.
Lumingon ako.
---panaginip lang pala.
"Jayca!" Sigaw niya. Ni Zino. Oh no.
"Z-zino..."
"May sakit ka ba? May nagsabi sakin na natulog ka habang nagdi-discuss teacher niyo."
"Z-zino.." Pagtawag ko sa kanya ng hindi pinapansin tanong niya.
"Hmm?"
"I love you." Sabi ko na kinakabahan.
"Adik lang Jayca? San galing yon? I love you too Jaycs!"
-END-