The Show

390 5 0
                                    


I

Isa akong biktima.. Biktima ng nakakamatay na maling akala. Nalunod sa sariling Expectations at ngayon nasasaktan.

Nahulog sa bitag na matagal nang naka plano. Larong matagal mo nang pinapanalo.

Nakakahilo, ang sakit sa ulo. Sa sobrang labo. NAKAKA BOBO! Hindi ko na alam kung anong totoo.

Pinasaya, pinakilig--- pinaramdam nang saglit! Ngunit sa bandang huli, hindi ka sasaluhin ni hindi ka lilingunin. Dahil ang plot twist! Siya pala ang nagtulak sa'yo para ikaw ay malunod.

At Boom! Congratulations! Isa na din natatawag na Tanga! Nagpadala sa saglit na ligaya, nagpadala sa maling akala.

Kaya ang payo ko sa'yo 'Huwag mahiyang magtanong' kung ayaw mo sa bandang huli malaman mo na ikaw pala ang talo.

Sa bitag matagal ng naka plano. Larong matagal nang pinapanalo. Ng isang gag*.

Kinuskos ko ang mga braso ko, nanindig ang balahibo ko nang marinig ang piece ng babaeng kalahok sa Spoken Poetry.

"Masasabi kong may pinagdadaan talaga si Ate. Tagos sa kokoro ang hugot." Ani ni Ate Via.

"Hindi ako nagsisisi na nag organize tayo ng ganitong event! Worth it talaga!" Dagdag pa niya at tumango naman ako bilang pag sang ayon kanya.

Olivia Marie Heart, a third year Engineering Student. She's one year a head of me and we're both member of our Student Publication. Photojournalist siya at Artist / Cartoonist naman ako.

"Sadali lang pupunta lang ako dun.. kukuha ng magandang anggulo." Sabi niya habang pinapakita ang kanyang DSLR. Pinang singkitan ko naman siya ng mata.

"Ang sabihin mo maghaharvat ka lang ng lalaki!" Humalakhak lang siya at tinapat ang hintuturo niya sa labi niya. "Huwag kang maingay! Behave ka lang diyan Maude!" Sabi niya habang unting unting umalis. Umiling iling naman ako at nanood ulit ng performance.

Ilang sandali ang nakalipas hindi pa bumabalik si Ate Via. Nalibang na ata sa pag sa sight seeing. Oh well, pupunta muna ako sa rest room.

Madilim ang daan na lalong nagpahirap sakin kasi bukod sa maraming tao, malabo ang mata ko at hindi ko suot ang salamin ko. Kaya pakapa kapa lang ako sa pader... Bakit ba hindi nila binuksan lahat ng ilaw dito?

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makakita ako ng liwanag. Habang naglalakad ako papuntang Rest Room hindi ko inaasahan ang makikita ko.

*PAK* Napabaling ang ulo ng lalaki a lakas ng sampal nh babae sa kanya. Para naman ako nabato sa kibatatayuan ko. Hindi ko ugaling maki usisa pero hindi ako makagalaw.

Tumingin ulit ako dun sa dalawa. Ngayon nakaharap na ulit 'yung lalaki sa kanya at naka ngisi. Nanlaki ang mata ko nang napagtanto ko kung sino 'yung babae. Oh my gosh! Siya 'yung babaeng nagperform sa stage kanina.

"How dare you! Pafall manloloko!"
Singhal nung babae sa kanya.

" I appreciate your effort to wrote me a poem. But let me clarify something. Hindi kita tinulak.. Umasa ka lang talag--" bago pa niya natapos ang sasabihin niya nakatikim ulit siya ng malakas na sampal sa babae.

"Gag* ka talaga! Go to hell!" Singhal niya bago siya tumakbo palayo.

So siya pala 'yung tinutukoy niya sa Piece niya. Napasinghap ako nang bumaling sakin ang malamig na tingin ng lalaking 'yon.

Mariin akong napalunok nang hindi pa rin siya umiiwas ng tingin.  Huwag naman po sana niya akong saktan please! I said to myself and crossed my fingers. "Did you enjoy the show?" Sabi niya bago umalis na parang walang nang yari.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Kasi hindi ko nakita ng malinaw ang mukha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eighty SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon