Mr. Epal my Loves

91 1 1
                                    

A melancholic sound float in the air.

 Ito na yon, ang araw na pinakahihintay ng bawat kababaihan sa buhay nila at finally ilang sandali na lang ay makakamtam ko na. Itatali ko ang sarili ko sa pamamagitan ng kasal sa isang taong hindi ko akalain mamahalin ko ng dahil sa isang pagkakamali. Heto o sa harapan ko ang isang taong kinaiinisan ko at ngayon naman kinababaliwan ko.

Mapagbiro talaga ang tadhana no? Kung sino yong sa tingin mo ay bagay sa’yo ay hindi pala para sa’yo at yong taong ni sa hinaharap ay hindi mo inakalang ngingitian mo ay papakasalan mo na ngayon.

Naalala ko pa…..

“Gab nandito na si Josh bilis!” barkada ko yon si Rein. Nandiyan a daw yong crush kong si Josh. Naku mas excited pa sila kesa sa akin. Hindi nama daw kasi ako yong tipo ng babae na pag may crush eh wagas makapagpapansin. Ni wala ata yon sa bokabularyo ko. Naku anong akala ng mga lalaking yan sa sarili nila? Diyos. FYI! I only know one God noh?! At hindi sila iyon.

Back to present and out of the muni muni moment. Andiyan na nga si Josh kasama ang sobrang kapal na bestfriend niyang si Tristan. 

Ewan ko ba kung paano naging bestfriend ng crush yong kupal na yan, eh for all I know is super bait ni Josh samantalang si Tristan naman ay nililipad na ng hangin sa kayabangan at ang masama pa eh dinadamay ang nakapaligid sa kanya, buhay nga naman.

“Hoy babae! Sasama ka bag magpapansin oh hindi?” si Rein na mukhang banas na banas na kahihintay sa akin, eh alam naman niyang hindi ako sumasama sa paepal effect nila eh, kung papansinin ako edi salamat kung hindi, eh di hindi may magagawa ba ako?

“Hindi kayo na lang,” sabi ko at itinaboy na sila palayo. Tsaka tahimik na umiling iling

“Loko talaga,” sabi ko at ngumiti.

“Hi babe!” At yan na ang nilalang na kulang na kulang na kulang na kulang na kulang sa pansin and take not kulang pa yang kulang na yan, mga 1M times pa bago makumpleto. At nakakasagap nanaman ang radar ko ng signal 1000 na bagyo. Alam na!

“Babe?” ako sabay tingin sa paligid ko. “Nakuh, wala ditto yong babe mo naitangay na ng hangin na dala dala mo,” sabi ko sabay irap at tinignan na lang si Josh na kasalukuyang naglalaro ng basketball. Ang hot talaga ng crush ko walang sinabi itong katabi ko. Joke lang pero yon. 

Kung pahottan kasi ang labanan di hamak na mas hot si Tristan kaysa kay Josh kaso captain ball si Josh at mas mabait kesa kay Tristan kaya mas patok siya sa kababaihan. Pero take note, masungit talaga yan si Tristan sa mga girls, ewan ko ba kung bakit pagdating sa akin eh peste ang dating niya. Kumbaga ako ang palay at siya yong surot na panira, nakuh kung may available lang na human pesticide matagal na akong bumili eh.

“Naitangay? Hindi kaya, kinakausap ko nga siya ngayon eh,” sabi niya sabay ngiti, tilian naman ang mga babae sa likod ko, ingay tuloy sakit sa tenga. Peste talaga ang lalaking ito kahit kelan sa buhay.

“Umalis ka na nga, nababasag eadrums ko pag nandito ko eh” 

“Tsk.tsk. Di ko alam babe seloso ka pala,” umupo pa sa tabi ko ang mokong at umakbay. Ang kapal talaga ng pagmumukha!

“Ang kapal mo talaga nuh? Close ba tayo para umakbay ka sa kin, tsk.tsk. alam mo kung ikaw siguro yong crush ko matutuwa pa ako, kasi hindi ikaw yon eh, mas hamak na mabait yon at mas desente kaysa sayo” sabi ko at tinabig ang kamay niyang nakaakbay sa kin.

Inaalis niya naman ang kamay niya at biglang sumeryoso.

“Si Josh nanaman” sabi niya sabay simangot at tumayo na. Maya maya’y nakisali na din ito sa paglalaro.

Mr. Epal my LovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon