Jazrille's POV
Wala na naman ako sa sarili ko. Ewan, masyado kong inisip yun I love you thing na sinabi ko daw kagabi.
Hindi ako naniniwala dun kasi hindi naman ako nagsasalita habang tulog pero paano kapag totoo? Hiyang hiya ako kay Ivan dahil sa sinabi niyang yun.
Tapos kaninang umaga, nagkasabay lang kami tapos kung ano ano na ang pinagsasasabi ng mga babae dito. Nasigawan tuloy sila ni Ivan.
Sa ngayon, nandito ako sa room. Principles of Tourism 1 namin ngayon at may dinidiscuss yun prof ko.
King and Queen Teen Clash
Beauty contest ito at hindi ako interesado pero
"So ang panlaban na lang natin ay si Ms. Jazrille Ramos. Maghahanap na lang ako sa ibang block or sa ibang course ng makakapartner niya. So Ms. Ramos, ikaw na ang ipanlalaban sa contest na ito na gaganapin Palawan next week, 3days 2nights."
WHAAAAT?! NEXT WEEK KAAGAD?! Hindi naman ako nagreact dahil alam kong wala na akong magagawa. Hindi nasabi nung teacher ko na dalawa ang representative ng school namin.
Tig dalawa, boys and girls. Stress! Nakakainis.
Isang subject na lang at uwian na kami. Manonood nga pala ako ng game ng school vs. Auburn University. Ang school nila Calvin. Hanggang sa matapos ang klase, iniisip ko parin yung about sa contest na pinapasali ako.
Hindi ko pa ito nasasabi kay Ivan pero sigurado akong hindi siya papayag sa pagalis ko. Ngayon, nandito ako naglalakad sa may freedom park. Hindi ko alam kung saan ako pupuntahan ni Ivan para isabay manood ng game nila mamaya. Naghihintay ako dito sa freedom park ng may biglang,
"Ate, sabi po ni kuya Ivan pumunta na daw po kayo sa coaster."
Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan, kaya pumunta ako. Nandun naman sila, at mukhang ako na lang ang hinihintay.
"Jaz, dito ka sa tabi ko umupo." biglang sabi ni Ivan.
"Ah, dapat dun ako uupo kila Jet eh." Napa pout tuloy ako nang hindi oras.
"Wag na, dito na lang." So umupo na ako sa tabi ni Idiot. Papunta kami sa Auburn University dahil dun daw gaganapin ang laban nila.
Nakinig muna ako ng song sa ipod ko. Pinapakinggan ko yun song kasi medyo familiar to. Si kuya kasi ang nagdownload ng mga kanta dito sa ipod ko.
Pero parang narinig ko na tong kanta na to. Bigla bigla naman kinuha ni Idiot yung isang earpod. At nabigla ako nung sinabayan niya yung kanta.
"I dont believe that anybody feels the way I do about you now." tapos tumingin siya saakin. Agad ko namang iniwas yun tingin ko sa kanya.
I feel im blushing again. Naalala ko na, kinanta nga pala nila itong kanta na to nung akala niya galit ako sa kanya. Napapangiti na lang ako tuwing naalala ko yun. Nainis siya kasi hindi niya alam na ayoko ng bulaklak.
"Ngingiti ngiti ka jan, iniisip mo ako no? Hahahahahaha!" Napatingin ako sa kanya ng hindi oras.
"ASA NAMAN!" Oo na ako na defensive.
"Wag kang masyadong pahalata, sayo lang naman ako." Tska pa sya ngumiti ng pamatay. Oo, yung tipong makalaglag panty talaga at kung hindi mo hahawakan eh malalaglag talaga.
Tumahimik na lang ako. Baka sabihin na naman nito ang defensive ko.
"Cause maybe, you're gonna be the one that saves me. And after all, you're my wonderwall." He's singing the lyrics and he's looking at me! Omo! Can he stop staring at me?
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014