TEXT (Short Story of Bestfriends by JAMICH)

414 9 2
                                    

 Hi guys! This is my first ever story char hahaha. Sana basahin nyo! Vote and Comment ha? Thanks :* 

~~~~~~~~~~~~~~~

(play the song: 'Para lang sayo' by aiza segguera in the right side hanggang sa ending po ha? para ma-feel nyo yung story hahaha ;)) ) (Ibig sabihin po nito '***' end of POV na.)

Princess's POV

Sabi nila masarap magkaroon ng bestfriend...

Merong poprotekta sayo..

May taong magpapasaya sayo..

Pero handa mo bang itaya ang pagkakaibigan, para sa hinahangad mong 'Pagmamahalan'..?

Ako si Princess. Grade school pa lang ako, palagi ko ng kaklase si Ivan.

Magkaibigan kasi mga magulang namin kaya kung nasaan ako nandun din sya..

Mapalungkot man o mapasaya, sa kulitan man o problema, yan si Ivan, ang taong lagi kong kakampi sa buhay.

***

Isang araw.....

"Bakit ka sumali sa fraternity?" - Princess

"Wala lang. Gusto ko lang." - Ivan

"Gusto mo lang? Di mo ba alam na delikado yun?" - Princess

"Alam kong ginagawa ko. Maraming taong sumasali sa fraternities.." - Ivan

Umiling na lamang si Princess bilang sagot.

Matapos ang araw na yon. Hindi na sya nagpaparamdam. , di na sya nagtetext, di nya na rin ito nakikita sa school. Kamusta na kaya sya? Pinuntahan ito ni Princess sa kanilang bahay, pero di nya ito naaabutan. Namimiss nya na ang kanyang bestfriend. Namimiss nya na si Ivan, ang lalaking kanyang lihim na minamahal.   

Hanggang isang araw... Paglabas ni Princess ng room nila, nakita nya si Ivan sa harap niya, kaya dali-dali nya itong nilapitan..

"Anong nangyayari sayo Ivan?" - Princess

"Bakit? Wala." - Ivan

"Meron kang tinatago sakin!" - Princess

"Anong kailangan kong sabihin sayo?" - Ivan

"Bakit di ka na pumapasok sa school? Bakit di mo na ko kinakausap?! Bakit di ka nagrereply sa mga texts ko?!" - Princess

Imbis sumagot si Ivan, iniwan nya lang sya doon pero sinundan pa rin sya ni Princess at iniharap ito sa kanya..

"Ano ba talagang nangyayari sayo Ivan?!" - Princess

"E anong pakialam mo sa buhay ko?! Ano ba kita?!" - Ivan

Natahimik sya sa sinabi nito. 'Ano nya ba ko? Isa lang akong hamak na bestfriend. Hanggang doon na lang yun.' yan ang nasa isip nya.

Umalis si Ivan at hindi na ito nagpakita sa kanya. Hindi nya na rin ito tinetext at hindi na rin ito pumupunta sa bahay nila. 

Makalipas ng dalawang linggo, may natanggap syang balita...

Nasa ospital daw si Ivan..

Agad syang pumunta sa ospital na umiiyak at hinanap ito..

Malubha ang lagay nito..

(Author: Ang totoong nangyari kay Ivan kaya ito na-ospital dahil binugbog ito ng mga kasamahan nya sa fraternity.)

Nang makita nya na ito, patay na ang kanyang bestfriend..

Umiyak sya ng umiyak at sinigaw ng sigaw ang pangalan ng kanyang bestfriend...

Nilapitan nya ito at sinabing.....

"Ivan..Mahal na mahal kita.." 

Binigay sa kanya ng pinsan ni Ivan ang cellphone nito at may pinabasa sa kanyang text dahilan ng kanyang matinding pag iyak..

"Pare wag nyong papakelaman bestfriend ko. Ginawa ko naman sinabi nyo diba? Nilayuan ko na sya. Basta wag nyo lang gagalawin si Princess. Mahal na mahal ko yun.."

THE END.

Thanks po sa mga nagbasa! Sana na-touch kayo..Hehehe.^^ Yun lang! :))

- MAMFSL <3

🎉 Tapos mo nang basahin ang TEXT (Short Story of Bestfriends by JAMICH) 🎉
TEXT (Short Story of Bestfriends by JAMICH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon