50735 (one shot)
Ysabel's POV
Hay... Umagang umaga iinisin ka netong crush mo! At shempre kahit crush mo sya maiinis ka parin sa kanya! Paano ba naman crush mo mas close pa sa bestfriend mo!
"Hoy Ysabel De jesus! Tulala ka nanaman jan!!!" Sigaw ng bestfrind kong si Jeanina Dizon
"tse! Wag ka lalapit sakin!" Sigaw ko sa kanya!!! Kasi naman hello!? Ikaw yung dapat mapaclose sa crush mo pero sya
pang bestfriend mo ang malapit! GRR LANG.
"Ysa!" Sigaw ni Jaztyn ang bestfriend kong lalaki.
"Ohh? Bakit nanaman!?" Sigaw ko sa kanya huhu, sorry bes medyo nagseselos lang ako..
"Bakit nanaman? Bakit nanaman masungit ka ha? Selos ka kala jeanina at luis no?" Sabi nya sakin sabay kiliti hahaha alam naman nya yun yung weakness ko!
"Hahahahahha jaztyn awat na hahahahah"
"he! Nakasimangot ka pa ha! Masungit ka pa ha! Ngayon tatawa ka ng ta-"
"50735..." Yan lang ang tangin narinig kong sabi ni Luis nung napadaan samin. Huh? Alien ba yun?
"anyare dun?" Tanong ni jaztyn sakin at napakamot nalang ng ulo.
"Malay ko dun.."
Ako nga pala si ysabel de jesus, at oo ako lang naman ay patay na patay sa lalaking si Luis. Di kasi tulas ng ibang lalaki, hindi sya maporma pero di rin sya nerd yung tama lang. Nakabrace sya at ang cute nya dun, ung nose nga ang tangos, maputi sya at di gaya ng mga lalaki NAKABABA ANG BUHOK NYA NO!
**
Natapos ang araw na puro lecture at this time buti nalang at uwian na hay nako.
"Ysa!!" Sigaw ni jaztyn habang papalapit sakin
"Oh problema mo?" Sabi ko naman habang inaayos gamit ko sa locker.
"Sabay na tayo umuwi! Tutal magkalap-"
"50735" sabi nanaman ni luis habang nilolock na ang locker nya. Nasa tabi ko pala sya? Hehe. Bigla bigla sumusulpot.
"Ano ba luis di kita gets!" Sabi ko ng pabulong sa kanya
"50735 ako" wow ah, ang weird nyeta.
"ANO!? NUMBER KA!?" Sabi ko sa kanya.
"Wala sabi ko umuwi ka na at yang boyfriend mo inaantay ka na" sabi nya sabay talikod.
ANO BA PROBLEMA NYA. HAHABULIN KO SANA SYA KASO BIGLA NAMAN NYA TINAWAG BESTFRIEND KO.
"JEANINA!" Sigaw nya habang kumakaway
"Oh? Ano tara na!" Sigaw naman ng bestfriend ko! Grr!!! Bestfriend ko ba talaga to?
**
KWARTO
"ANO BA ANO BA ANO BA ANO BA HUHU." Nakahiga ako sa kama ko habang sinasabi yan. Di ko kasi alam kung ano meron kay jeanina at luis! Kasi naman.. At iniisip ko rin kung ano ang 50735!! Di ko naman maintindihan kasi! Ginoogle translate ko na pero wala tlaga. Nagdictionary ako pero wala! Huhuhu. Teka baka si jeanina alam? Matawagan nga.
"The number you dial is busy at moment please try your call later"
Grrr. Sino naman kaya kausap neto si luis? Hays! Di ako papayag tatawagan ko ng taatwagan
After 1 year. Dejke! After 30 mins.
HUHUHUHUHU, BUSY TALAGA. LAST NA LAST NA TALAGA PAG DI PA SUMAGOT DI KO NA SYA TATAWAGAN