JIO

370 17 1
                                    

________"Jio"______

"Kuya laro naman tayo."

Nangungulit na naman ang nag-iisang kapatid ko.

"Busy ako. Umalis ka dito sa kwarto ko kung ayaw mong masapak. Mainit ang ulo ko Jio." Kasalukuyan akong nagtatahi ng sirang jersey dahil may game kami mamaya.

Tumingin ako sa kapatid kong pitong taong gulang. Nakangiti itong nakahawak ng baseball bat.

"Bakit?"tanong ko.

"Ako na lang po magtatahi niyan para payagan mo na akong maglaro kasama ka."

Naasar ako bigla sa ngiti niya. Iminuwestra ko ang pintuan ng silid. "Alis ka dito kung ayaw mong kaladkarin kita palabas."

Napayuko ito ng bahagya. "G-Gusto ko lang naman kalaro ka e. Wala kasi akong kalaro,"mahinang saad niya. Nakaramdam ako ng awa pero nangibabaw ang aking galit.

"Hindi ka pwede. Ako na naman mapapagalitan. Mahina ka at hindi pwedeng mapagod," malamig kong usal.

"Kuya, namimis na kita."

Napahilamos ako sa aking mukha saka galit akong bumaling sa kanya. "Pwede ba umalis ka na!" Hindi ko na napigilang sumigaw. Nakita ko pa ang bahagyang pagtaas ng kanyang balikat dahil sa gulat.

"Sorry po. Mamaya na lang," mahinang sambit nito at naglakad palabas.

Napayuko ako dahil sa konsensya at pagkainis.

Sobrang lapit noon namin sa isa't isa ng kapatid ko. Ako ang nagbubuhat sa kanya noong baby pa siya. Ngunit ngayong nasa panghuling taon ko na sa hayskul, unti-unting nagbabago ang lahat.

Isang hiling lang naman ang hinihingi ko sa magulang ko, pero hindi pa nila maibigay pero kapag si Jio, bigay agad. Kapag maglalaro kami at masasaktan si Jio, ako ang laging masisisi. Noong humiling ang kapatid ko ng bike, binigay agad nila, samantalang ang jersey at sapatos na matagal ko nang pinabibili, ayaw nila. Nawawalan na tuloy akong maglaro ng basketball para sa national athletic meet.

"Jasper!"

Napatingin ako sa pinto at kita ko ang galit sa mukha ni mama. "Bakit po?"

"Ano na namang ginawa mo sa kapatid mo?!"

"Wala."

"Jasper isa!"

"Wala nga po akong ginawa."

Mahigpit na hinawakan ni mama ang habla ng pintuan dahil sa galit. "Eh bakit umiiyak 'yon?"

"Aba malay ko,"walang ganang sagot ko.

"Ilang beses ko bang sinabing huwag mo siyang paiiyakin ha? Dahil na naman ba 'yan sa pinabibili mo kaya ka nagkakaganyan?!" Galit na galit na ito na para bang ako na naman ang may kasalanan. Bwisit!

Hindi na lang ako sumagot. Kahit ano namang sabihin ko, mali para sa kanila. "Jasper, alam mo naman na kulang ang sweldo ng papa mo diba? Kuryente at tubig pa. Kaya pa namang remedyuhan ang sapatos mo diba?"

Kaya pa? Halos hindi ko na nga maihakbang ang paa ko sa sobrang sira ng sapatos!

"Kailangan din ng kapatid mo ang gamot araw-araw."

Bwisit! Kasalanan ko bang may sakit siya? Kasalanan ko bang mahina siya kaya ayaw kong makipaglaro kasi ako lang din mapapagalitan?!

Hindi na lang ako nagsalita. Nakita kong nakadungaw pala si Jio sa pintuan. Matalim ko siyang tinignan. Umalis si mama kasama si Jio sabay balibag ng pintuan.

******
"Kuya, bakit hindi ka na nakikipraktis?"

"Wala kang pakialam."

Ginagawa ko ang problem set namin sa math nang magsimula na namang mameste ang kapatid ko.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon