Caught

7 0 0
                                    



Nagising akong masakit ang buo kong katawan. Nakasandal pa rin ako sa puno pero wala na akong katabi. Wala na si Praion.




Madilim pa rin kahit umaga na ang oras. Siguro ganito talaga dito, walang umaga at puro gabi lang.




Nilibot ko ang paningin ko at nagbasakaling makita ko si Praion. Tahimik ang paligid. Sobrang dilim. Pitch black ang nakikita ko at wala nang iba.





Pinakiramdaman ko ang paligid ko at nagitla nang makarinig ng mga tumatakbong mga paa. Tumingin-tingin ako sa paligid at mula sa malayo, nakikita ko na ang apoy na galing sa pulo nila. Nilamon ako ng takot at hindi nakagalaw habang papalapit ng papalapit ang ilaw na galing sa pulo.




Pero hindi lang 'yun..





Naaninag ko ring nasa unahan si Praion habang tumatakbo. May sinasabi siyang hindi ko maintindihan dahil malayo pa siya. Pero kalaunan ay naintindihan ko rin.






"AION TAKBO!!!" Ang sigaw niya.





Imbes na tumakbo, nanatili akong nakatayo dala marahil ng takot at pagkabigla. Namalayan ko nalang na hila-hila na ako sa braso ni Praion habang sabay kaming tumatakbo at tinatakasan ang mga corpse.





Napapagod na ako pero hindi tumitigil ang paa ko kakatakbo. Nasugatan pa ako nang ibato sa amin ng isang corpse ang sibat niya at nagasgasan ako sa kabilang braso pero hindi ko na ininda. Ang mahalaga, makatakas kami.





Lumiko kami at nagtago doon. Nasa unahan si Praion at parang nagsisilbing look out. Nang marinig namin ang takbo ng mga corpse, tumahimik kami at nakitsng nilampasan nila ang pinagtataguan namin. Doon, kahit alam kong hindi pa safe ay nakahinga ako ng maluwag.





"Paano nila tayo nakita?" Tanong ko.



Lost (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon