Dedicated to @modernongmariaclara. One of my favorite Author, Hello Ate Ella. Ang ganda ng mga stories na nabasa ko sa kanya.
Rayver's POV
Hindi ako nakatulog dahil iniisip ko yung nangyari kagabi. Yung hinalikan ako ni Kate sa pisngi. Kagabi, nang hinalikan niya ko bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganun ang naramdaman ko?
in-LOVE na ba ako sa kanya? Hindi ako pwedeng mainlove sa bestfriend ko. Hindi pwede! Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Baka ang halik na yun pasasalamat lang.
*Tok! tok! tok!* may kumakatok sa pinto. Alam kong si Kate ang kumakatok.
"Pasok!" sabi ko. Binuksan ni Kate ang door.
Tumingin siya sa mukha ko. Nakakunot ang noo niya. "Bes, anong nangyari sayo? Parang hindi ka nakatulog?" tanong niya.
Napansin niya ako na hindi ako nakatulog. "Hindi nga ako nakatulog." sabi ko.
"Bakit? Bakit hindi ka nakatulog? May iniisip ka ba? Sabihin mo sa akin ang iniisip mo baka makatulong ako."- Kate.
"Wala akong iniisip." sagot ko. Kate, kung alam mo lang na ikaw ang laman ng utak ko.
"Don't lie to me Rayver, alam kong may iniisip ka. Please sabihin mo na sa akin. I'm your bestfriend Rayver, dapat sinasabi mo sa akin ang problema mo." sabi sa akin ni Kate.
Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo na siya ang iniisip ko kaya hindi ako nakatulog. Sasabihin ko na nga lang para tumahimik na siya pero paano kung iba ang iniisip niya? Na may gusto na ako sa kanya? Sasabihin ko na talaga sa kanya ang totoo, wala ng bawian.
"Yung ginawa mo kagabi." sabi ko.
"Ano yung ginawa ko?" napaisip siya.
"Yung.. yung hinalikan mo ko kagabi sa pisngi." sabi ko.
Bigla siyang natahimik.
"Bakit natahimik ka?" tanong ko.
"Ah.. yun ba? Sorry kung nabigla ako kagabi." Bakit siya nagsosorry sa akin?
"Naku wala yun." sabi ko
Tumango siya. "Matulog ka na, alam kong kulang ka sa tulog eh.Papasok na ako umabsent ka muna." sabi niya.
"Sinong maghahatid sayo at magsusundo sayo mamaya?" tanong ko.
"Wala, kaya ko naman magcomute mag-isa eh."
"Sigurado ka?"
Tumango siya.
"Sige mauna na ako. Papakopyahin na lang kita ng assignment kapag meron." pagkasabi niya umalis na siya.
Nabigla lang pala siya sa ginawa niyang paghalik sa akin kagabi.
Kate's POV
Nandito na ako sa school. Nagcomute lang ako dahil walang maghahatid sa akin. Si Rayver kasi ang nagdadrive ng kotse, ngayon absent siya dahil hindi siya nakatulog kagabi. Iniisip niya yung nangyari kagabi. Yung hinalikan ko siya sa cheeks. Hindi ko nga alam kung bakit ko ginawa yun sa kanya? Nabigla lang ata ako.
"Kate!" may tumawag sa akin. Pamilyar sa akin ang boses niya. Lumingon ako sa likod, si Oliver.
"Oliver, bakit?" tanong ko. Tumakbo siya palapit sa akin.
"Ikaw lang mag-isa?" tanong niya.
"Oo."
"Where's Rayver?"
"Nasa bahay, tulog. Hindi muna siya papasok ngayon kasi kulang siya sa tulog."
"Ah ok." sagot naman niya
BINABASA MO ANG
I Love you, Bestfriend [Ongoing series]
HumorSimula bata magkaibigan na sila. Ngayon, ano kaya ang mangyayari? Magiging sila kaya?