Don't call me "Kuya" or else.... (One-Shot)

148 4 0
                                    

--

Ako si Demetria, demi for short. 21 years old. Kakagraduate ko lang nung nakaraang taon sa kursong fine arts. Oo, maarts ako haha. Kaya nga naging cum laude ako. xD Dalawa lang kaming magkapatid ng kuya ko na si Caydie, ahead sya sa akin ng 7 taon. Ang layo ng agwat namin noh? Kaya nga spoiled ako kina mommy, daddy at kuya e. Pero hindi naman nila ako pinalaki ng masama ang ugali tulad ng ibang spoiled brat.  Alam ko rin naman ang mga bad and good. Bukod sa kanila, may isang tao din na sobrang spoiled ako, yun ay ang kaibigan ng kuya ko, ang best buddy nyang si Troy. Tulad ni kuya, 7 taon din ang agwat namin sa isa’t isa. Hay, ang layo! Sa totoo lang matagal ko ng crush si troy. Inamin ko na din sa knya ang feelings ko, pero deadma lang sya. Bukod sa gwapo ito matalino na at syempre ubod masama ang ugali. Yeah! Tama kayo ng pagkakabasa, masama ang ugali ni troy pagdating sa akin. Sa twing pupunta sya sa bahay at ako ang sumasalubong sa kanya sa gate, bubusangot agad ang muka nya. Ewan ko ba sa lalaking to, wala naman akong ginawagawang masama sa kanya. Ang bait ko nga e, kasi nga crush ko sya. One time pumunta sya sa bahay namin at syempre ako ang bumukas ng gate.

“Hi kuya troy!” pacute na bati ko.

“asan ang kuya mo?” as usual busangot na naman ang muka.

Hindi na nya inantay ang sagot ko, sya na ang kusang umakyat sa kwarto ng kuya ko. Grabe sobrang sungit. Dun nagsimula ang lahat nung umamin ako sa kanya na may crush ako sa kanya. Naging masungit na sya sa akin simula nun. Minsan pinagsisisihan ko ang pag-amin ko. Kung hindi siguro ako umamin hindi siguro ganto ang pakikitungo nya sa akin. Nagtataka siguro kayo kung bakit ko sinabing spoiled ako sa kanya. Ganto kasi yun.. nung may pupuntahan silang magbabarkada sa isang business meeting sa batangas….

“kuya! Saan kayo pupunta?” masayang tanong ko dahil nandito din sa bahay ang troy ko.

“business meeting bunso.”

“pwede ba akong sumama?”

“hindi.” Simpleng sagot ni kuya.

“ay, ganon?” napatingin ako kay troy na nakamasid lang sa amin. Pero seryoso ang muka. Nilapitan ko sya.

“kuya troy?” hindi sya sumagot mataman lang na nakatingin sa akin. Tutal muka namang wala syang balak magsalita, nagsalita na ako. “Pengeng pasalubong, ung cassava cake ah.” At ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Hindi sya nagsalita pero lalong kumunot ang noo nya. hmf! Expected ko naman na hindi ako bibilhan neto e. nagpapansin lang ako. Pero no-epek! Bato!

“tama na yan demi. Pinagtitripan mo na naman si troy. Bumili ka na lang sa bakery.”

“ayoko na lng.” Napasimangot ako at sumalampak sa sofa.

“aalis na kami bunso. Simangot ka na naman, sige na ako na ang bibili ng gusto mo.” Kiniss ako ni kuya sa pisnge.

“salamat” disappointed kong sabi. Kay troy ako nagpapabili e.

Umalis na sila ni kuya. Kinagabihan, may kumatok sa pinto ng kwarto ko half sleep na ako nun. Bumangon ako at binuksan ang pinto. Laking gulat ko ng si troy ang napagbuksan ko. Dun ako tuluyang nagising. Tulad nung dati seryoso lang ang muka nya. Bumaba ang tingin nya sa katawan ko. Dun ko napagtanto na isang manipis na pantulog lang pala ang suot ko. Napatakip ako sa dibdib ko.

“a-anong kailangan mo?” nahihiya kong sabi.

May inabot sya sa aking isang supot ng bag.

“ito na ang pinabibili mo, ang mahal. Utang mo sa akin yan ah.” Seryoso nyang sabi.

Napatulala ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na bibilhan nya ako. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya.

“kukuhain mo o ako na lang ang kakain nito?” nakakunot nyang sabi. Lalo syang gumwapo.

Don't call me "Kuya" or else.... (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon