Paasa!

80 7 0
                                    

Alam mo kung ano yung masakit? Yung paniwalain kang mahal ka niya, at ikaw naman umasa.

***

Nagpapaka-dalubhasa ako ngayon sa pagaaral dahil nalalapit na ang aming preliminaryong pagsusulit. Habang ako ay nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng biglang may tumabi sa akin. "Hi! Goodafternoon Angel." Bati niya sa akin. Pero dahil ako ay nagpapakadalubhasa sa pag-aaral hindi ko siya pinansin. Itinatak ko sa aking isipan na ang aking pag-aaral ang aking prayoridad dahil ayoko namang masayang ang hirap ng mga magulang ko sa pagbabanat ng buto upang ako ay makapagaral. Siyam na buwan na rin pala simula noong niligawan niya ako at hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Kung tutuusin pasok naman siya sa istandard ko sa isang lalaki yung tulad nila Lee Jong Suk, Ian Veneracion, James Reid, Aga Mulach, Daniel Padilla, at Sir Chief. Kaya lang hindi ko alam kung bakit hindi ko makita iyon. Sabi nila malabo lang daw talaga ang mata ko dahil hindi ko makita kung anong meron siya na hinahanap ko pa sa iba. Ako din naman hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung sa tutuusin nasa kanya na ang lahat ng katangian na gusto ko sa lalaki mabait, matalino, gwapo, magalang, matipuno at marami pang iba. Sa siyam na buwan na 'yun hindi siya nagkulang iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Gusto kong suklian kung ano man yung nararamdaman niya ngunit hindi ko alam kung papaano. Dahil pakiramdan ko ay isa siyang langit na di ko kayang abutin kailan man. Ano lang ba naman ako isa lang naman akong hamak na probinsyanang babae na gustong makapagaral sa unibersidad na ito at makapagtapos. Naputol ang aking pagiisip ng hawakan niya ang ang aking mga kamay at hinarap ang aking mukha sa kanya. "Lunch para sa isang magandang dilag na nasa aking harapan ngayon." "Salamat. Hindi ka na sana nag abala pa." Ibinalik ko ang tingin sa kanya upang makita ang buo niyang mukha. "Sino nagsabing isa kang abala sa akin? Hinding hindi mangyayari yun. Maliwanag? Dahil kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat para sa aking sinisinta. Sige na tuloy mo lang ang pag-aaral mo dyan. Dito lang ako babantayan kita pangako hindi kita guguluhin." Wika niya. ngumiti ako sa kanya na sinyales na ok. Kaya ipinagpatuloy ko na ang aking pag-aaral. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng tumunog ang kanyang telepono tumayo siya upang sagutin ito. Ngunit lumipas na ang dalawang oras ay wala parin siya malapit nang magsimula ang huli kong klase. Kung hihintayin ko siya baka malate ako sa klase at 'yun ang pinaka ayaw ko. Paano kung umalis na ako at bumalik siya sigurado akong mag-aalala siya. Pero paano kapag hindi? Pero paano kung oo? Ano ba 'yan kung bakit ba naman kasi ang malas ng araw na ito at wala akong load. Di sana naitext ko na siya kung dadating pa ba siya o hindi na. Napagpasyahan ko na mauna na. Nagiwan na lang ako ng note na nauna na ako dahil may klase pa ako at kapag oras na nabasa niya iyon tumawag siya o kaya magtext man lang. Babalik na lang ako ulit dito mamaya para tignan yung note na iniwan ko. Pagkatapos ng klase namin nagmadali akong tignan ang telepono ko kung may text ba siya doon. Pero bumagsak lang ang saya sa aking mukha dahil ni isang text ay walang dumating. Dati rati naman hindi siya nakalilimot na itext o tawagan ako kahit gaano pa siya ka busy. Nagmadali akong lumabas para pumunta sa bench. Pagkadating ko doon halos mawalan na ako ng hininga dahil sa layo ng tinakbo ko nagbabakasakali na nandito siya na hinintay ako. Ni isang bakas niya wala! Ganito pala kasakit. Kinuha ko ang note na iniwan ko at tinapon. Kinabukasan naisipan kong gawan siya ng pagkain kapalit ng pagkain na ibinigay niya sa akin kahapon. Tinext ko din siya na sa bench ko siya hihintayin. Natapos na ang klase namin at lunch na kaya tinext ko na siya na papunta na ako sa bench. Pagkadating ko doon tinext ko siya na nandoon na ako at hihintayin ko siya. Bawat tunog na manggagaling sa aking telepono inaasahan ko na sa kanya galing pero hindi. Kalahating oras na ang nakalipas hindi parin siya nagpaparamdam. Wala pa namang alas dose kaya naghintay pa ako baka may klase pa siya at hindi niya pa nababasa ang mga text ko.Isang oras. Isa't kalahating oras. Dalawang oras.Dalawa't kalahating oras. Tatlong oras. Namuti na ang aking buhok sa kahihintay pero wala parin siya. Ni isang hi o kaya hello o di naman tuldok, kuwit, padamdam, patanong ay wala! Ganoon na ba siya ka busy para hindi magparamdam? Ganoon na ba kahirap pumindot kaya di niya magawang tawagan o kaya di naman ay itext? Nawalan na ako ng gana kumain at umalis na ako sa bench at umuwi na lang wala di naman akong mapapala doon. Naghintay lang pala ako sa wala! Dumating ang mga araw at tuluyan na nga siyang hindi nagparamdam. Ginugol ko na lang ang oras ko sa pag-aaral imbis na hanapin ang taong ayaw magpakita! Bakit ba hindi patas ang buhay? Ganoon ba talga kung kailan may gusto ka na rin sa kanya at saka naman siya hindi nagpaparamdam! Nagsawa na ba siya? May iba na ba siyang mahal? May iba na bang nagpapasaya sa kanya? May iba na bang kayang pantayan ang pagmamahal niya? Andaming gumugulo sa isip ko. Andaming paano? Ganito ba ang nararamdaman niya noong mga panahong ako naman yung hindi pumapansin sa kanya? Ang sakit pala. Ang sakit pa lang mabaliwala! Napagdesisyunan kong puntahan siya sa kanyang klase nagbabaka sakali na nandoon siya. Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko siyang papaaalis sa room nila kaya nagmadali akong maglakad na halos liparin ko na ang diatansya naming dalawa para mahabulan siya. Bakit ba kasi ang laki ng mga hakbang niya. Malapit ko na siyang maabutan at tatawagin ko na sana siya dahil huminto siya sa paglalakad ng biglang may hinalikan siyang babae. Tila isang matulis na patalim ang sumaksak sa akin dahil sa nakikita ko. Agad akong tumalikod dahil hindi ko kaya ang tanawin na nakikita ko. Masyadong masakit! Bago lang sa akin ang ganito. At ganito pala ang pakiramdam hindi man lang ako napa-alalahan na ganito pala kasakit. Mahal ko na e. Ang sakit lang! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko alam kung saan ako patungo. Umiiyak lang ako dahil gusto kong ilabas lahat ng sakit. Ilang linggo na pala akong ginagawang tanga pero wala man lang akong kaalam alam. Nandito parin ako sa loob ng unibersidad. At nandito ako sa may play ground, Napadpad pa talaga ako dito sa kabilang building. Habang nakaupo ako hindi ko mapigilan ang umiyak. Naalala ko ang mga nangyari noon. Yung mga panahong nililigawan niya ako. Kung gaano kabulaklak ang mga salitang binibigkas niya na nagpatibok ng aking puso. Kinuha ko ang aking telepono at pinakinggan ang mga tula na sinulat niya.
"Nang ika'y makita mga matay nagningning.
Isang Anghel na bumaba
mula sa langit upang
ako ay ibigin at pasayahin.
Oh! Aking minamahal
Aking susungkitin mga bituin,
Aking tatawirin ang karagatan,
Buwan man ang layo natin sa isa't-isa,
Buong mundo man ang humadlang sa ating pagmamahalan.
Hahamakin ang lahat maging akin ka lamang.
Dahil guhit ng palad ay ikaw at ako.
Ikrus sa noo tayo hanggang dulo.
Oh! Aking minamahal pangako ikaw at ako hanggang dulo."
Napakasarap pakinggan sa tainga, pero napakasakit d.d-di..dito sa p..puso ko. Kailan man ay hindi na mangyayari pa. Agad akong sumilong ng maramdaman ko ang mga patak na dumadampi sa aking katawan. Nakisama pa talaga ang panahon sa aking nararamdaman. Iba din e! Pinagmasdan ko lang ang mga tanawin sa paligid ko. Sumasayaw ang mga dahon sa pagihip ng hangin. Buti pa ang panahon nakikisama sa nararamdaman ko.! Nang tumila na ang ulan umuwi na ako para makapagpahinga. Pakiramdam ko lahat ng inerhiya ko ay naubos. Pagkadating ko ay nagayos na ako ng sarili at humiga. Kinabukasan maaga akong pumasok at dumiretso na ako sa klase ko. Mabilis na tapos ang oras naglalakad ako papuntang canteen para ibigay sa kagrupo ko ang project namin. Palabas na ako ng canteen ng makita ko siya na naglakakad. Lalapitan ko ba siya? Kakausapin ko ba siya? Anong mga itatanong ko? Itatanong ko ba kung bakit mahigit isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam? Sino ba yung babaeng hinalikan niya? Nang malapit na siya sa akin hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. Bakit ba ang lambot ng kamay niya nakahihiya tuloy hawakan! "Excuse me miss. Nagmamadali kasi ako hinihintay na ako ng girlfriend ko." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.Gi-- girlfriend niya? Ang alam ko nililigawan niya pa lang ako? " P..pero anong ibig sabihin ng mga pinapakita mong --" naputol ang aking sasabihin ng nagsalita siya. " Yun ba? Pasensya na pala doon. Ginamit lang kita para pagselosin yung girlfriend ko. Pinaglaruan lang kita ganoon kasimple. Parang give and take lang 'yung sa ating dalawa. Binigyan kita ng pagkakataon na makasama ang isang tulad ko at ang nakuha ko naman ay nagkabalikan kami ng girlfriend ko. Sige miss mauna na ako. Pase--" nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. pinutol ko agad ang sasabihin niya at sinampal siya. Pagkatapos umalis na ako. Isa siyang asal hudas! Ang sakit...sakit. sakit! Sana noong una pa lang umiwas na ako para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Bakit ba sa kanya pa ako nahulog? Masaya naman nung una e. Masaya naman! Pero bakit humantong sa ganito? Ningas kugon lang pala lahat ng nangyayari na 'to! Pati ang nararamdaman niya ningas kugon din! May nararamdaman nga ba siya sa akin kahit papaano? Ang saklap naman. Yung kahoy na kinakapitan ko. Na nagsisilbing kapitan ko, naputol na! Nahulog na ako e. Hulog na hulog na! Hindi ko alam kung paano ako aahon sa bangin na pinaghulugan ko! Pakiramdam ko mahihirapan ako... Pwede mo ba akong tulungan... tulungan umahon sa bangin na 'to? Pero naalala ko wala nga pa lang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang din!

****
.
.
.
.
I already told you before pero hindi ka naniwala! Kaya paalala ko sa iba... Ingat!
.
.
.
Babala: mayroong bagong sakit na kumakalat na tila isang epidemya na nakamamatay at wala pang lunas para rito. Kaya lahat ng tao ay binabalaan sa kumakalat na sakit ngayon sa Pilipinas. Kakalat muna sa buo mong pagkatao at unti - unti kang papatayin, habang unti-unti kang pinapatay mararamdaman mo ang sakit na dulot nito sa iyong buong katawan. Unti-Unti nitong babalutin ang iyong pagkatao at hindi ka na makakaramdam pa dahil sa sakit na dulot nito. Kaya habang maaga pa umiwas kana baka mabiktima ka! Dahil sa oras na mabiktima ka wala na akong kasalanan dahil binalaan na kita. PAASA! yan ang sakit na kumakalat ngayon, kaya mag-ingat ka! Binalaan na kita, nasasaiyo na kung magiging isa ka sa mga naging biktima nila! Sa mga taong umasa sa mga taong Paasa!

--- TAPOS!

PAASA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon