Jazrille's POV
Pag gising ko nabigla ako sa nakita ko. Nasaan ako? Bakit puro puti? Patay na ba ako? Lumingon lingon ako at nakita ko si Ivan na nakatungo sa side ng bed ko.
"I-Ivan." Nagulat siya. Ano namang kagulat gulat sa ginawa ko?
"Jaz? Ok ka lang ba? May masakit ba? Teka tatawag ako ng doctor" Aalis na dapat siya pero,
"Dito ka muna, wag mo akong iwan." Bumalik naman siya sa inuupuan niya.
"Ok ka na ba? Anong ginawa nila sayo?" Naalala ko na naman yung nangyari sakin kahapon. Akala ko safe ang school na yun pero hindi pala.
"Wa-wala wag na nating pagusapan." Hindi na din siya nagtanong. Masakit para saakin yung nangyari kahapon. Natrauma na ata ako.
"Nandito nga pala ang kuya mo." Sabi nya na ikinagulat ko.
"Nandito siya?"
"Bumili lang ng pagkain." Maya maya, pumasok na si kuya.
"Baby, ok ka na ba?"
"Yes kuya, gusto ko ng umuwi." Ayokong magstay dito. Okay na naman ako.
"Sige aayusin ko na lang yung bills dito. Ivan, ikaw na muna bahala dito." Umalis na si kuya.
"Jaz, sorry hindi kita nabantayan kahapon. Sorry." tapos nabigla ako sa nakita ko may tumulong luha mula sa mata niya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko syang ganyan.
"Ivan, hindi mo kailangan humingi ng tawad sakin. Ok na ako oh. Andito ako, buhay pa naman." Pinagaan ko ang loob nya sa mga sinabi ko.
"Malalagot talaga sakin yung mga taong may gawa nito sayo."
"Hayaan mo na sila. Wag na lang nating pagusapan dahil tapos na naman." I smiled at him. He smiled me back.
"Jaz, tara na. Ok na yung bills mo." Lumabas na kami ng hospital.
"Wag ka na munang pumasok bukas. Magpahinga ka muna sa bahay."
"Kuya naman, im fine now."
"Sure ka ha? Sige. Teka, hindi ko pa nasasabi sayo na I transfered on your school." WHAAAAAAT?!
"KUYA?!"
"Im already on my 4th year Jaz, pumayag na din naman sila mommy. So wala ka nang magagawa."
"Kuya Van, nasabi ko na kay Ate Vanah yung paglipat mo. Siya na lang daw ang magaayos ng files mo." sabi naman ni Ivan. So alam niya to?
"Jaz, wala ka ng magagawa. My decision is final. So please bear with it." Wala na din siguro akong magagawa kaya pumayag na din ako. Pagkauwi namin sa bahay, dumeretso kaagad ako sa room ko.
Nagpahinga para makapasok ako bukas. Umuwi nadin si Ivan. Susunduin niya daw ako bukas.
Pagbukas ko ng pinto,
"RAIN! OK KA NA BA?!" Nakakabingi naman to sila.
"Wag nga kayong sumigaw."
"Sorry, ok ka na ba? Gago yung gumawa sayo niyan. Humanda talaga sila."
"Tama na, wag na nating pagusapan yan. Mag move on na tayo."
"Sorry Rain." At tuluyan na silang umalis. Haay makakalimutan ko rin ang nangyari saakin kahapon.
Kinabukasan..
Nagising ako ng bandang 5:30am. Pinipilit kong matulog pero hindi ko na magawa. Kinapa ko yung phone ko, magbabasa na muna ako ng text messages.
Unang una yung kay Ivan na messages. I mean, puro messages lang naman na galing kay Ivan ang inbox ko.
From: Ivan Ramirez
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014