Chapter 13
Hindi ako nakatulog buong gabi. Umiiyak at nagiinarte ako sa di ko malamang dahilan. Parang ang babaw naman, Dahil lang sa nararamdaman kong wala akong epekto kay Daryl nagkakaganito na ako.Naiinis ako, Nababanas. Meron akong gustong makuha sa kanya. ATTENSYON. Iyun ang gusto ko. Ni, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako makakaramdam ng ganito. Lahat ng tao kayang-kaya kong mapatitig sakin. Kayang-kaya kong mapamangha sila sa akin. Maliban kay Daryl. Para akong invisible sa kanya. Para akong hangin.
“baka kasi may ibang babaeng gusto si Daryl, kaya cold sya sayo.” Saad ni grace sakin sa telepono. Napasimangot ako.
“Ganun ba ‘yon?” utas ko.
“Shaka, Mali naman kasi talaga ung ginawa mo.” Dagdag ni Grace. Napakagat-labi ako.
Alam ko namang mali iyon. Pero kasi, Naiinis padin ako. Matamang bumalik sakin ung pakikipagsuntukan ni Daryl sa Bar dahil binastos ako ni Rj, eh. Anung ibig sabihin nun? Suminghot ako. Ang bigat ng dibdib ko ngaun. Hindi naman ako ganito dati. Ewan ko ngaun. Anu bang nangyayari sakin?
“oy, umiiyak kaba?” tanung ni Grace.
Pinunas ko ung luha ko. “Hindi. Cge na grace. Ibaba ko na ha?” saad ko. Hindi pa sya nakakapagsalita ay pinutol ko na agad ang linya.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko iyon.
From: Grace
Mahal mo ba ang fiancée mo?
Kulang nalang ay maibato ko ang cellphone ko dahil sa tinext ni Grace. Halos mapudpod ang daliri ko sa reply ko sa kanya.
To: Grace
HINDI OKEY? NABABANAS LANG AKO SA KANYA! YUN LANG YON!
From: Grace
Okey. Chill. Hehe. Good tayo dyan. Wala naman pala eh, edi hayaan mo syang magkagusto sa iba.
Kumurot ang puso ko sa huli nyang sinabi. Kung may gusto syang iba edi okey fine! Basta wag nya lang pinapagulo ng ganito ang utak ko!
“Kila daddy po muna ako manang.” Saad ko habang dala-dala ang iilan sa mga damit ko.
Nanlaki ang mata ni manang tapos lumapit sa akin. “Anu? Aba’y hindi maaari. Alam ba ni Daryl yan?” tanung nya sakin. Yumuko ako. “hindi po.”
Hinawakan nya ang kamay ko. “Nagaway ba kayo kagabi?” tanung nya sakin. Nagkagat-labi ako tapos napaluha. Pinunasan ni manang Lourdes ang luha ko. “Opo. Kaya doon po muna ako kay daddy. Ayoko na dito manang.” Umiiyak na saad ko.
BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
Fiksi Umum“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...