Chapter Fourteen: What Came After

127 3 1
                                    

Napadilat si Pauline sa pagkakatulog. Nakayakap pa rin sa kanya si Julian. Nakadantay ang mga hita nito sa kanya. Para atang ayaw na siya nitong pakawalan pa. They really did made love at hindi iyon isang panaginip lamang. Buong puso niyang binigay ang sarili sa lalaki kahit nga ba alam niyang ito lang ang gusto nito sa kanya.

How can something so beautiful can also be sad at the same time? Nababadya na naman ang mga luha niya sa mata.

Sinipat niya ang orasan. Ala-una na ng madaling-araw. Alas-sais y medya ang kanyang flight papuntang France. . Marami pa siyang oras upang umuwi sa kanila at mag-ayos. Handa na rin naman ang kanyang bagahe.

Tumayo siya at nagbihis. Tumuloy na rin siya sa banyo upang maghilamos. Nakita niya ang repleksyon nang kanyang mukha sa salamin.

I’m no longer a virgin, aniya sa sarili.

Nang makapagbihis ay muli siyang lumapit sa kama kung saan mahimbing pa ring natutulog si Julian. Hinalikan niya ang mga labi nito sa huling pagkakataon.

Sa isip-isip niya ay parang hindi na niya kayang magmahal pa tulad nang naramdaman niya at patuloy pa ring nararamdaman para sa lalaking ito. Naramdaman niyang tumulo ang luha niya sa pisngi kaya naman dali-dali siyang lumayo sa kama. Takot na magising ang lalaki. Takot na maiba ang kanyang plano.

Sa totoo lang ay gusto niyang marinig pa ang mga sasabihin nang binata tulad nang sinabi nito kanina matapos ang nangyari sa kanila pero paano kung iba ang sa ina-assume niya ang sasabihin nito? Ayaw niyang mapahiya  sa harap mismo nito. Dati ay walang palya ang effort niya para magpapansin dito pero ang nangyaring ngayon ay iba sa lahat. Nanliliit nga siya tuwing naaalala niya ang mga nangyari bago ang mga maiinit na tagpo: she seduced Julian. Lalaki ito at sino ba naman ang tangang palalagpasin ang bagay na nakahanda na rito?

Naiiyak na naman siya. Hindi dahil sa nangyari dahil kailanman ay hindi siya magsisisi doon kundi dahil nalulungkot siya dahil kailangan niyang iwan si Julian. Muli ay hinagod niya nang tingin ang lalaki at saka lumabas na nang pad nito.

***

Where is she? tanong ni Julian sa kanyang sarili. Ngayon ay binabagtas niya ang daan patungo sa mansyon nila Pauline.

He just had woken up from a wonderful sleep at ngayon na lang ulit sa kanya nangyari iyon. Last night was one of the moment he won’t forget. Pinlano niyang kakausapin niya nang masinsinan ang dalaga. Yayayain niya itong magtanan. O kaya ay pakakasalan niya ito. Sasabihin niyang mahal na mahal niya ito...

Ngunit ang problema, wala na si Pauline sa pad niya. Ilang beses niyang chineck ang banyo, ang sala at kusina na parang tanga. Pero hindi pa rin niya nakita roon si Pauline.

Bumaba siya nang motor at nagdoor-bell. Handa na siya sa kung anumang mangyayari. Haharapin niya ang mga magulang nito.

Nakatayo lang siya roon at ilang ulit nang nag-doorbell nang may isang magarang sasakyan ang dumating at huminto sa harapan niya.  Lumabas ang lulan niyon sa passenger seat. Ngayon lang niya nakita ang senador sa personal. Gwapo ito ngunit mababanaag sa mukha nito ang katandaan.

“Anong kailangan mo, hijo?”sabi nito.

“I want to see Pauline.”

“Ikaw ba si Julian?”

“Opo.”

“Sumakay ka sa kotse. Mag-uusap tayo nang masinsinan sa loob ng bahay.”

Iyon lang ay nagpatiuna siya. Kailangang-kailangan niyang makita si Pauline.

***

Ngayon lang siya nakaramdam nang kaba. Nasa loob siya ng office ni Sen. Macario Reyes, ang ama ni Pauline. Ito ang unang pagkakataong nakaharap niya ang kilalang senador. Nakatitig lang ang matanda sa kanya. Lumaban siya dito nang titigan. Dapat ay mabahag ang kanyang buntot pero wala sa kanyang isip ang tumakbo. Kailangan niyang makita si Pauline at nang malaman nitong hindi lang ito ang nagmamahal kundi maging siya. Mahal niya ito. Mahal na mahal.

Pero nasaan nga ba ang dalaga? Kahit aircon ang silid ay pinagpawisan siya kasabay niyon ay ang pabawas na pabawas niyang pag-asa. Kinuyom niya ang mga palad at nagsalita muli,

“Where is she? Tell me, sir. I really want to see her.”

“What makes you believe that I will let my daughter be with you?”seryosong sabi nang senador.

“I love her. I will do anything just to be with her, sir,” sabi niya nang buong tapang. Desidido siya sa sinabi niyang iyon. Matagal na panahon niyang pinag-isipan ang ganoong bagay. Noong mga panahong wala na sa piling niya si Pauline. Noong panahong nangulila siya dito at na-realize niya na mahal na pala niya ang dalaga.

“I’ve searched your background, hijo and I am not glad of what I found.  To be honest, I didn’t like it at all. I want my daughter to have a good life and free of burden, para san pa at pinalaki ko siya kung hahayaan ko lang siya sa isang taong galing sa pamilyang, sabihin nating, hindi maayos ang reputasyon?

You see, selfish as it may sound pero napakahalaga nang reputasyon sa’kin. I am a known senator at sa mundong ito, kahit gaano man kaliit ang mantsa ay matuturing pa ring dungis. Paano ko makakatulong sa kapwa kung hindi na ako iboboto nang masa nang dahil lang doon? “

Lumapit ang matanda kay Julian at hinawakan nito ang kanyang magkabilang braso.

“I will run again for government and will retire after that. Gusto kong tumakbo sa halalan nang walang problema. But I will give you a chance to prove yourself. I saw your potentials dahil nakita ko ang mgarecords mo. Kung talagang mahal mo ang anak ko, kailangan mong maghintay nang pitong taon. Papayagan kitang makasama ang aking anak kung may napatunayan ka na sa akin. It may sound domineering but I don’t want my daughter to end up with a lowlife. “ Lumayo ito sa kanya at lumapit sa bintana.

“Sana maintindihan mo, hijo. Para sa kapakanan niya ang lahat ng ito. Makakaalis ka na.”

Naiintindihan niya ang senador. Ano ba naman kung maghintay siya? Tama ito. Marami siyang kailangan ayusin at kailangang patunayan hindi lamang dito kundi sa sarili niya. Gagawin niya iyon sa ngalan nang pag-ibig niya kay Pauline.

Nakatingin pa rin ang senador sa kanya. Tumango siya bilang pag-sang ayon sa gusto nito at pangako na gagawin niya ang lahat just to be with the one he loves. Tumalikod na siya paalis nang mansyon.

Hindi na niya nakita ang masiglang ngiti nang senador dahil sa pangakong iyon. Sabay sabi nang sariling isip, I hope he won’t give up on my daughter.

***

Agad na nakita ni Pauline ang kanyang tiyahin dahil na rin sa hawak nitong malaking placard na may pangalan niya. Agad siyang niyakap nito nang mahigpit.

“Hija, ang laki-laki mo na. I’m so happy na napagdesisyunan mong dito muna mag-stay.”

Ngumiti siya dito ngunit hindi abot sa kanyang mga mata. Wari namang nakita at naramdaman iyon nang kanyang tiyahin kaya inakbayan na siya nito palabas nang airport papunta sa magara nitong kotse. Nang makasakay ay ginagap nito ang kanyang mga kamay.  Hindi na niya kinaya ang pagpipigil nang kanyang luha dala nang matinding emosyon.

Pinangako niya sa sariing bukas ay hindi na siya iiyak. Pero ganoon lang ba kadali iyon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until You're Mine [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon