Bakit ang sakit?

244 2 0
                                    

Wala kang puso? Huh? Hindi mo mahanap? Meron kang puso Will. Broken Oo, pero hindi missing.

Ang mga katagang ito ang tanging gumagambala sa utak ko ngayon. Bakit ba sa karami-raming love story na pwedeng panoorin ito pa ang kay Sam Milby at Toni Gonzaga na You Are The One. Di bale, itulog ko na lang ito. Baka kasi sa umaga makaamnesia ako, yung tipong malimutan ko lahat ng masakit at tarantadong nagawa ko sa buhay at ang matitira na lang ay yung mga magaganda. Pero alam ko na kahit anong pagbangga sa ulo ko ay hindi naman ito posible.

Hindi ko naranasan ang maaliwalas na ending ng pelikulang iyon. Hanggang sa linya lang ni Toni ang natanggap ng mga tenga ko. Masaklap ang love story ko. Hindi pampelikula, more of a sad requiem.

Pero sa totoo lang she wasn’t there when I needed her the most. Kung kailan na kailangan ko ang yakap at init niya, doon pa niya napagtanto na hindi ako karapatdapat sa kanya. Eh ano ba ako? Isang hamak na College student, nagpapart time job sa isang movie store. Alam kong hindi ako mayaman pero may itsura naman ako. Gwapo kaya ako, yon lang, hindi makaafford ng date sa mga mamahaling restaurant. Mcdo na lang, love ko to eh’.

Siguro kulang lang ako sa pansin. May padrama drama pa. kahit alam kong bawal, pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya.

Ganoon talaga kapag na-Romeo and Juliet ka. Nagging star-crossed lovers sa gitna ng perpektong pagkakataon.

Biyernes, sa loob ng movie store na nagpapart-time ako. Ito ang araw na hindi ko malilimutan. Binitiwan ni Annabelle ang mga salitang ayaw kong marinig sa maninipis niyang labi.

“I don’t know where to start. I’m sorry. I should have told you earlier. Engaged na pala ako. I didn’t know that my parents have put me into this. I’m sorry Stephen, pero I don’t want to interfere my parents’ decision. I need to go.”

“Annabelle, sandali! Tumakas tayo. Umalis tayo ng Manila. Ako ang bahala sa iyo. Wag kang umalis. I’m begging you.”

“You don’t understand Stephen! It’s for the best. I didn’t love you at all. Now hate me. I just hurt you... wa.. wa.. wag mo akong kausapin.”

Iyon ang huli naming paguusap ni Annabelle. Naniniwala akong missing ang puso ko sa oras na iyon. Binalewala niya ang lahat ng pagmamakaawa ko. Nawala ang tibok ng puso ko ‘non, hindi dahil broken siya o ano man. Nawala ang puso na nagmahal sa kanya. Ang pusong iningatan kong hindi masaktan ‘nino man. Masakit man paniwalaan, minahal ko ang babaeng hindi man lang ako minahal sa simula.

“Rise and shine na pare! Ihanda ang sarili sa pagsampal ng katotohanan!”

Tama siya. Masakit nga ang sampal ng katotohanan.

Nakatulog na pala ako sa kakaisip ng nakaraan. Oras na para sa klase.

“I bet nakatulog kayo nang mahimbing dahil isang love story ang napanood natin kahapon. After class, I want you to turn in your essays. In case you need to make revisions, just pass your essays tomorrow. Are we clear?”

Paano ako nakatulog nang mahimbing kagabi? Napakasarcastic naman ng sinabi mo.

Iniwan ko ang aking assignment at saka lumabas ng silid para maiwasan ang “awkward feeling” na nakapalibot sa loob ng classroom.

Unti unti nang pumupuno ang hallway ng mga estudyanteng kakalabas lang sa kanilang mga klase. Ako naman, unti unting tumatayo sa aking inuupuan para bumili ng coke sa vending machine.

Napakainit ng paligid. Tanging ang lamig lang ng softdrink na ito ang pumapanaw sa sakit na dumadampi sa balat ko. Pero alam ko mas masakit pa ang nadadama ng puso kong nawawalan ng tibok.

Hindi naman ako super manhid or kaya’y super O.A, na hindi makaget over sa babaeng iyon, kay Annabelle. Ang hindi ko lang matanggap ang binuga niyang mga salitang “I didn’t love you at all” Ang sakit kasi eh. Parang natalisod ako bago makaabot ng finish line ng isang marathon. Sa sobrang sakit nito, pinili ko na lang na hindi makipag-socialize sa mga tao.

Magiisang buwan na noong sinabi niyang I shouldn’t talk to her. Well I did my job very well. Maybe it’s time to completely move on. Wala naman ako sa buhay niya, and besides ikakasal na siya sa katapusan ng buwan. Mapait man isipin, pero mahal ko pa rin siya. Oo. Ngayon ko lang napagtanto na tama si Toni Gonzaga. Hindi missing ang pusong nasawi, broken lang. patuloy ko pa ring ginu-glue gun ang pieces ng basag na pusong ito. Sana mahalin ni Annabelle ang lalaking papakasalan niya. At sana, minahal niya ito sa simula.

Hindi gaya ko. Kasalanan ko naman eh, minahal ko siya nang sobra. Babala ko sa inyo… wag kayong magmahal nang sobra, baka masaktan kayo sa huli.

Masaya ako ngayon dahil alam kong masaya si Annabelle sa taong mamahalin niya habambuhay.

3 years pala ang agwat ko kay Annabelle.

 Aaminin ko sa inyong lahat. Ang love story ko ay parang sad requiem, minahal ko ang teacher ko na hindi naman ako pala minahal sa simula. Kaya naman napakasakit kasi araw araw ko siyang nakikita, naririnig. Hindi pwedeng magkarelasyon ang teacher at estudyante dito sa university, buti nga’t magreresign na siya para sa buhay pamilya niya.

Ganoon talaga kapag naRomeo and Juliet ka. Naging star-crossed lovers sa gitna ng perpektong pagkakataon.

Wakas.

Bakit ang sakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon