Thank You

17 0 0
                                    

"OMG! OMG! Andito siya! OMG!" sabi ng kinikilig kong utak!!! Andito ako ngayon sa corridor at papunta na sa classroom nang makasalubong ko ang MAN OF MY DREAMS. HAHAHAHAHA <3

Nalagpasan namin ang isa't isa ng hindi nahahalata na kinikilig ako. Aba! Expert na ata ako pagdating sa ganitong sitwasyon. Hahaha. So ayun nga, pagdating ko sa classroom lahat sila nakatingin sakin.

"Bakit?" tanong ko

Nagbalikan naman silang lahat sa kanilang ginagawa at pumunta na ko sa pwesto ko.

"Hoy Nicole! Ano na naman nangyari sayo?" bungad sakin ni Kathleen.

"Ha? Ano ibig mong sabihin?"

"Bakit parang ang saya saya mo ha? Magkwento ka nga!" sabi nito habang nakangiti ng nakakaloko. Sir@ulo talaga to. HAHAHAHAHA!

" Eh kasi..." at ikinwento ko na sa kanya ang nangyari kanina sa corridor. :">

 ~ RECESS ~

Nagaayos ako ng gamit nang tinawag ako ng isa kong kaklase na lalaki na si Michael.

"Nicole may naghahanap sayo sa labas!"

"Ha? Ah sabihin mo saglit lang!"

Sinabi naman siguro ni Michael yun. Nung natapos na ko, palabas na ko ng room ng nakita ko yung naghahanap sakin... isang lalaki.

"H-hi Ni-Nicole" sabi nito na halatang kinakabahan.

"Ah hello. Bakit mo ko hinahanap?" sabi ko.

" Ah w-wwala lang na-naman. M-may gu-gusto lang sana a-akong sa-sabihin at i-ibigay sa-sayo." sagot nito.

"Ah ano yun?" pagtataka ko.

"Nicole alam mo kasi.."

"Kasi ano??"

"teka lang naman!" sabi nito.

"Ay! Sorry naman. Ang tagal mo kas eh. Nagugutom na ko." sagot ko.

"Ah sorry. Eto na. Nicole matagal na akong may gusto sayo. Matagal ko nang gusto sabiin sayo kaso lagi akong nauunahan ng hiya. Gusto kitang lapitan kaso baka layuan mo lang ako. Kaya ako naglakas loob na lumapit sayo ay para maibigay ko to sayo. Hindi ko kasi to maibibigay sayo sa Valentine's kaya ngayon ko na lang binigay. Sana magustuhan mo."

"HA? Ahhh salamat." sabi ko.

"Sige una na ko ha? Nagugutom na kasi ako eh. Ikaw din kumain ka na din. Masama ang nagpapalipas ng gutom. Salamat ulit dito. Ingat!" sabi ko tapos nagsimula ng maglakad palayo.

"NICOLE!"

tawag niya ulit sakin kaya nilingon ko siya.

"Bakit?"

"I-i-i love you. I love you Nicole!"

.

.

.

.

"Thank you." sabi ko ng nakangiti at diretso na sa canteen.

- - -

Magpapakilala na ko ng maayos ng hindi na kayo maguluhan, :)) Ako si Nicole Dominguez. Simple lang akong babe kaya hindi ko talaga naiintindihan kung bakit ang dami-daming nagkakagusto sakin. Nakakairita na nga minsan eh. Ang kukulit kasi ng iba! Di bale ba sana kung sila si Chad eh. Hahahaha. Si Chad, siya yung sinasabi kong man of my dreams. Gwapo, matalino, maputi, chinito, matangos ilong and almost perfect na talaga siya! Matagal na kong may gusto sa kanya pero siyempre hindi niya alam. Tsaka ko na lang ipapaalam pag time na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thank YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon