Ako nga pala si Bae Yeon Jung, pero karamihan ang tawag sa akin "YeonJi". Ayaw ko kasi ng tunay kong pangalan, parang panlalaki.
Nasa fourth year highschool na ako at isa nga pala ako sa miyembro ng 3-D. Ano yun? Kilalang-kilala lang naman ang grupong ito bilang pinakamagaling sumayaw. Sumasali kami sa mga dance contest. 'Di naman sa pagmamayabang pero kami palagi ang champion. Talagang nagpupursige kaming manalo, lalo na 'pag may cash prize. Kailangan kasi namin ng pera para makapag-college.
Oo nga pala, ang ibig sabihin ng 3-D ay 3 dancers (ganoon lang kasimple) at may tatlong miyembro ito: ako, si Lulu.......... Ah! Teka lang!.....
"Lulu!!!!!" Grabe nanaginip lang pala ako.... (>.>) ....(<.<)...... Napatingin ako sa paligid ko, nandito ako sa isang abandoned factory, yung laging pinupuntahan ng 3-D. Ibig sabihin hindi panaginip ang lahat. "Siguro imahinasyon ko lang yun. Imposible namang mapadpad dito si Lulu, e grounded siya." Grabe ang sakit ng ulo ko. Lokong mga lalaking yun, hinampas ata ako kaya ako nakatulog.
"YeonJi....." may pabulong na nagsabi.
"Naririnig ko na naman ang boses niya. Masyado atang napalakas ang hampas sakin ng mga yun."
"Yeon Jung-ah....... " may pabulong ulit akong narinig. Hindi kaya....... may multo na dito. Magtutulog-tulogan na lang ako, baka sakaling umalis 'pag hindi ko pinansin.
"Yeon Jung, okay ka lang ba?" muling may nagsabi sabay sinundot ang pisngi ko. Napadilat ako at isang lalaki ang nakita ko.
Siya si Xi LuHan. Oo may lahi siyang Chinese (sa pangalan pa lang halata naman). Fourth year na din siya. Sabay kaming lumaki nito.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit naging kaibigan ko ito e. Parang..... langit sya at lupa naman ako. Bakit? Unang-una, 'pag magkakasama kasi kami, palagi ako inaaway ng mga babae. Hindi daw magandang kasama ko sina Luhan. Ang pangit ko daw kasi (For Their Information: 'Di naman talaga ako pangit, 'di lang ako marunong mag-ayos ng sarili). Kung minsan pa nga pinagkakamalan nila akong yaya nila Luhan.
Kahit ganoon, 'di ko naman sila masisisi. Napakgwapo kasi nitong si Luhan, cute pa (Yung tipong lahat ng babaeng makakakita sa kanya ay ma-iinlove na agad). Nakakapagdagdag pogi points pa ang galing niya sa pagkanta, lalo na sa pagsayaw. Umm.... bago makalimutan miyembro pala siya ng 3-D.
Siya nga pala yung tinatawag kong Lulu (parang pambabae?). Eto kasi yung pang-asar ko sa kanya, minsan kasi mukha siyang babae. Masmaganda pa nga sa akin ang loko!
Ang pangalawang dahilan naman kaya di ako makapaniwalang kaibigan ko to ay.... "Yah!!!!! YeonJi, kanina ka pa tulala!!! Okay ka lang ba?" medyo pasigaw na sabi ni Luhan.
"Hoy Yeon Jung-ah!!!!!" panira naman ng moment to. Tawagin ba naman ako sa tunay kong pangalan. "Yeon Jung, ano ba?!?" sigaw niya.
"Alam mo namang ayokong tinatawag sa tunay kong pangalan di ba?!?" pagalit kong sinabi sa kanya.
"Sorry na...... Eh bakit ba kasi kanina ka pa tulala diyan? May dinaramdam ka ba? Gusto mo dalin na kita sa Ospital?" Ang sweet naman ni Luhan. Grabe ang cute talaga niya lalo na sa malapitan. Siguro kahit sinong babae gugustuhin sa pwesto ko ngayon (mga 3 inches lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa). "O baka naman, unti-unti ka nang naiinlove sa napakagwapong nilalang in front of you? " Nilapit pa niya lalo ang mukha niya sabay hawak sa chin ko. Grabe na talaga ang gwapo nito. Bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Waaaahhh,....hindi pwede 'to!!!!!
"Ang kapal naman ng mukha mo!!!!!" sigaw ko sa kanya. He just smirked. "Natulala kasi ako sa kagandahan mo LULU, ang ganda ganda mo talaga!!!!" asar ko sa kanya. Makikita mo sa muhka niya ang pagkawala ng ngiti niya at napalitan ng tampo.
"Lulu!" tawag ko. Nag-pout siya na lalong nagpacute sa kanya. "Minsan napapaisip ako kung lalaki ka talaga e. Walang sinabi ang beauty ko sa ma-ala Goddess mong beauty!!!" 'Di na niya ako pinapansin, parang wala akong kausap. Sa ganitong paraan ko lang talaga siya naaasar. Ayaw na ayaw kasi niya tuwing pinagkakamalan siyang babae.
"'Di mo ba talaga ako papansinin?? Lulu???"
..............
"Sige ka, mayayari ka sakin 'pag hindi mo ako pinansin"
................
Ayaw talaga niya akong pansinin. Wala na akong choice kundi gamitin ang kahinaan ng mga lalaking kagaya ni Luhan.
BINABASA MO ANG
Back Away from Her! (엑소)
FanficIto pong storya na ito ay medyo hango sa mga vcr, performance, at drama version na ginawa ng EXO. First time ko lang po magsulat ng storya pero sana magustuhan niyo. V(^-^). At isa pa pala: Please always support EXO!!!!! V(^-^). [Story is stopped. N...