Nick Alvarez
"Nick... Let's ditch?" nagulat ako sa sinabi niya... Ano daw??
"Ha? Mag-cut tayo ng klase?" inulit ko... baka mali lang ako ng dinig eeeh...
"Oo... tara?" Si Kaitherine Yancel Torres nag-aaya mag-cut ng klase? Totoo ba ito??
"Seryoso ka ba diya??" hindi ako makapaniwala eh... siya pa talaga nagyaya diba??
"Oo nga... Ayaw mo ba? Sige, okay lang..." tumalikod siya nang malungkot yung mukha... sus! Dinadaan na naman po ako sa pag-emote... Hinabol ko na at pinigilan... baka magtampo at di pa ako pansinin eh
"Okay... sige na payag na ako... wag ka na magtampo." humarap siya sa akin na naggo-glow yung itsura... napangiti ako at napa-iling sa kanya.. Parang batang nabigyan ng laruan yung itsura... Hanep ito! Ano kayang naisipan nitong babaeng ito at nagyayayang mag-cut??
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngayon... Una, nagyaya siya sa isawan... gusto niya daw kumain nun, tapos nagyayaya dun sa kinainan namin dating canteen at nag-order ng sizzling sisig tulad ng dati... tapos after kumain, nagyayayang mamili ng ice cream... Yung totoo, hindi ba pinapakain itong girlfriend ko sa kanila? Wagas makakain aaah... este lamon pala!
"Nick... punta tayo sa park aah?" ngayon sa park naman siya nagyayaya
"Sige, kunin ko lang sasakyan..." aalis na sana ako pero pinigilan niya ako
"Wag na, commute na lang tayo..." nanlaki mata ko... totoo ba naririnig ko?
"Bebs... ayaw mo nagko-commute diba?" umiling-iling siya habang hawak yung kamay ko
"I never said that I hate commuting... I only said, I'm afraid of it..." Haaay,,, ano bang meron sa kanya ngayon?? Nagugulat ako eeeh
Pagdating namin sa park nagpunta agad kami dun sa mga bilihan... pero buti na lang hindi bilihan ng pagkain yung pinagkainteresan niya... namili siya ng mga kung anong mahirap sabayan ng trip...
"Nick,,, try this!" tulad nitong t-shirt na pinapasukat sa amin... ito yung tinatawag nilang couple shirt? basta yung parehas kami...
"WOW! Bagay!! Ate, bibilin na po namin..."
"Ha? Ah, bebs, ano... diba parang hindi bagay?" sinabi ko habang napapakamot ng ulo
"Bagay! Trust me! Ang cute mo nga eeh.. ALways wear it ha?!" naku po! ano bang meron sa kanya ngayon???!!
"Nick punta tayo dun!" hinatak niya ako dun malapit sa may fountain tapos kinalabit yung photographer... magpa-picture daw kami... after mapadevelop yung picture magpahinga muna kami sa may tapat nung fountain... haaay. Buti naman at napagod rin.
"Nick... Pahiram ng wallet mo dali..."
"Bakit?" tanong ko...
"Basta!" haaay! okay na pwesto ko eeeh,,, naka-ulo ako ngayon sa lap niya, ang kumportable na sana ng pwesto ko kaso may naisip na naman... Binigay ko na yung hinihiram niya tapos ibinalik ko ulit yung dati kong pwesto...
Di naman nagtagal binalik niya kaagad yung wallet ko... may nilagay siya eeh.
"Nick... itabi mo yan aah.. dapat sa tuwing titingnan ko wallet mo nanjan yan.." ano ba nilagay niya? binuksan ko yung wallet ko... picture pala naming dalawa yung nilagay niya. napangiti ako nung nakita ko... ngayon lang kasi ako nagkaroon ng picture sa wallet...
"Ngayon lang ako nagkaroon ng picture ng taong mahal ko,,," nanlaki mata niya... mukhang kinagulat yung sinabi ko
"Bakit? Wala ka ring picture ni Sandra dati?" umiling ako... ewan ko... mas gusto ko kasing nakikita ng personal... ayokong sa picture, emo lang yung mga ganun...
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Novela JuvenilSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...