Mico Gomez:
"Bro! Ano handa na ba ang lahat?? Okay na ba? Malapit ko na sunduin si Kaith. Ayokong may palpak jan." Hay naku, natataranta na naman ang mokong. Kung sa bagay... Ngayon lang siya mag-eeffort ng ganito sa babae. Magpo-propose na yata ang mokong kay Kaith... Ayaw niya na kasi magsayang ng panahon... Madalas na kasing nasusugod si Kaith sa hospital, and obviously, lalo nang lumalala yung kundisyon niya. Habang tumatagal, lalo siya nanghihina... Ang dami niya nang hindi pwedeng gawin na dati nagagawa niya.
"Oo... Okay na ang lahat. Kayong dalawa na lang yung kulang. Wag ka na mag-alala. Sunduin mo na siya." Sana mapasaya ni Nick si Kaith. Nakwento sa akin ni Dara na nasabi daw ni Kaith sa kanya na if ever daw magyaya si Nick na magpakasal, baka daw tanggihan niya na kasi daw hindi na siya healthy, na baka daw masira yung moment at bigla niya na lang maiwan si Nick sa ganung lagay.
Di nagtagal...
"Hun, nandiyan na sila. Ready na tayo." Nag-nod ako kay Dara. Nandito kami ngayon sa backstage ng sinehan. Oo, dito niya gusto mangyari ang lahat ng kacornyhan niya... Para daw madilim. Baliw lang yun eh. Inarkila niya yung buong sinehan para sa event na gagawin niya. Nang binigay na niya yung cue niya... Ayun, hinanda na namin yung mic at iniabot na sa kanya.
"Goodluck bro!" Tinapik ko siya sa likod.
"Salamat." Tapos nun umakyat na siya. Sila Marco at Vince yung nakatoka dun sa spotlight para makita yung mokong sa harapan. Kami ni Dara sa sounds habang si Sam naman sa video na ipapalabas maya maya lang.
Kaith Torres:
Hay naku... Magde-date daw kami... Pero wala pa siya hanggang ngayon. Sabi niya kasi mag-ccr lang daw siya. Pero mukhang mags-start na yung movie pero wala pa rin. Tapos mukhang kami lang dalawa dito sa loob. Kinakabahan ako.
(Now playing: Falling in Love by six part invention-lower tune)
Tapos nagulat ako nang may magplay na music. Napaka-familiar niya. Yun yung song na ginawa ko para sa kanya. Teka... Bakit pinapatugtog dito yun? Wala namang namili ng copyrights nun eh. (Joke) tapos biglang nagbukas yung ilaw... Nakita ko si Nick, nakatayo sa stage at may hawak na mic.
"Sorry bebs. Diba nag-promise tayo sa isa't isa na wala nang secrets... I broke our promise... Kasi dahil dito. Sana magustuhan mo." Napatakip ako sa bibig ko. I want to cry. I really want to cry... Oh my gosh.
Nagsimula na siya kumanta... Male version nung kanta ko. Ang ganda. Sobra!
Habang kumakanta siya, nilapitan niya ako at inayang tumayo. Yakap yakap niya ako habang kumakanta siya. Tapos tinitingnan niya ako kapag nasa part na siya ng "falling in love with you". Sobrang overwhelm ako sa ginagawa niyang ito. Ang saya saya ko. Sobra! Sana hindi pa ito yung end please.
"Are you surprised?" I nodded. Pinunasan niya yung mga mata ko na may luha na pala.
"Tingin ka sa screen..." Sabay namin tiningnan yung screen. Video presentation... Lahat ng friends namin nasa video at nagsasabi ng message nila for us. Natuwa ako nung pati si Ethan nasa video.
"I'm now sad, Kaith. (His mom corrected him to say Auntie Kaith not Kaith) yeah, auntie Kaith... You promised me that you will marry me first right? But you are about to marry uncle. Still, when I grow up, you will marry me too ha? Promise me that! Anyway, uncle Nick said he will give me cupcakes that you baked if I give you message, and I agreed. My message for you is... Let's make uncle more jealous okay? You told me that you love him more when he's jealous eh. But you also told me that you also love me right? That's why i'm jealous too. But i love you... I love you auntie Kaith! Mwuah mwuah mwuah!" Lalo ako natawa nung part na kumikiss na siya... Halos kasi matumba yung camera dahil dinidikit niya yung lips niya sa lens.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Novela JuvenilSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...