My Dream Girl (One-shot)

756 23 7
                                    

Warning. Corny, cliché, corny. Dalawang beses kong inulit ang corny, kasi corny talaga. ꒰'•௰•' ꒱ Proceed with caution.

You have been warned.

My Dream Girl
by EiiBiiWizard

☽ ☽ R E N ☾ ☾

. . .

Malapit nang lumubog ang araw, pero nandito pa rin ako sa bakuran namin. Kung kaninang tanghali ay panay tawanan ng mga bata at tunog ng nagdaraanang sasakyan ang maririnig mo, ngayo'y mga kabataang naglalakad pauwi na lamang ang makikita mo.

Kanina pa ako tahimik habang naghahanap ng inspirasyong maaaring i-pinta. (Pwede naman yung palubog na araw, kaso ilang beses ko na ring nai-pinita 'yon) Tahimik ang paligid. Well, hanggang sa naisipan na namang mambulabog ng kapitbahay namin.

"Ren! Ang gwapo mo ngayon." At ito na po ang kapitbahay na tinutukoy ko.

"Alam ko."

"Hindi, seryoso Ren. Ang gwapo mo talaga ngayon." Nagsimulang kumunot ang noo ko. Alam ko naman. Oo, aware ako. Hindi ko lang alam bakit niya kailangan pang ulitin. (Hindi sa ayaw ko, nawiwirduhan lang talaga ako)

Nang masilayan muli ang kanyang nangingiting mukha ay sinamaan ko na siya ng tingin. (Alam kong may gusto lang 'to, panigurado)

"May kailangan ka ba Aiko?" Tanong ko.

"Ito naman! Kapag ba kino-compliment ka, may kailangan agad?" Depensa niya.

"Oo."

"Aww. Kilala mo na talaga ako, Ren!" She exclaimed.

"Malamang. Sa apat na taong pambubulabog mo sa buhay ko, hindi pa rin ba kita kilala?"

"I wouldn't call it 'pambubulabog'."

"Panga-alaska, pwede na?" Sumilay ang isang nakalolokong ngiti mula sa kanyang mukha.

"Pwede na."

"Ayt, tsk. Ano ba kasi'ng kailangan mo?" Tinaasan niya ako ng kilay. (Hindi ko talaga alam kung paano niya 'yun nagagawa)

"Ay!" She snapped her fingers, "Oo nga pala. Pwede makihiram ng pencil?"

"Ano nga ulit 'yun?"

"Pencil, sabi ko. Pahiram pencil."

"Pencil?" Muling kumunot ang noo ko. Pumunta siya dito para lang sa lapis? Anong klaseng trip 'yun?! (Trip papuntang bahay mo, apparently)

"Oo nga. Puro ballpen meron sa bahay. You know? Pencil, lapis, yung tinatasahan ng mga bata maliban sa color pencils. Ay, teka. Pencil rin naman 'yu—"

"Lapis lang ang kailangan mo? Kailangan mo pa talagang pumunta sa bahay namin?! Para sa lapis? May kuya ka naman! Ano? Wala siyang lapis?! Aiko, ha. Natatakot na ako sa mga trip mo! Ang yaman yaman niyo, tapos wala kang lapis? Cellphone meron ka, pero lapis? Wala?!" Bulalas ko.

Napansin ko ang pag-layo niya sa'kin habang naka-hawak sa dibdib niya.

"Whoo, speech! Grabe, dre. Pwede naman sabihin, 'Pasensya na, wala akong lapis.'" Binabaan niya pa ang kanyang boses, "With matching ngiti pa! Nahiya naman kasi ako sa monologue mo."

My Dream Girl (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon