Kung hindi naman kita kaibigan sa virtual world, huwag ka nang um-effort basahin ito. Mabubuo lang ang isang malaking QUESTION MARK sa iyong mukha kapag pinagpatuloy mo pang basahin ang susunod na mga salita. Binabalaan kita.
Minamahal kong friends. Yes, kayo nga. Marahil nagtaka kayo (kahit konti) kung bakit bigla nalang akong nawala sa sirkulasyon nang pag-iingay sa mundo ng internet. Ako na madalas manggambala sa inyong tahimik na notifictaion button ay biglang na OFF. Well, I'll make the story short and brief. At habang tina-type ko ito, minabuti kong hindi muna buksan ang aking FB dahil baka di ko na ito matapos at doon na ako mag explain.
Huling araw ko sa aking unli internet ay noong December 28, 2013. At magmula noon, hindi na ako nagkaroon ng chance para makapag unli ulit dahil lagi akong striaght sa trabaho. 12 hours ako halos naka duty sa buong holiday season matapos kong makapag three days restday.
December 30. May balak na sana akong mag unli sa net kasi nga magnu-new year at di ko dapat palampasin ang pagkakataong ma-greet ang mga new found friendlalu ko sa mundong ito. Subalit umaga ng araw na iyon, habang namumulaklak pa sa muta ang aking mga mata ay nagising ako sa tindi ng sigaw ni Mama.
"HA? ANO? YAN NA NGA BANG SINASABI KO! NAGHAHANAP NG PROBLEMA! ALAM NAMAN PALANG IINOM AT MAGLALASING, BA'T DINALA PA ANG MOTOR?!"
Akala ko kung sino ang kaaway ng nanay ko, at nung medyo namulat ko na ang aking isang mata ay narealize kong may kausap pala siya sa cellphone.
"O, so paano na ngayon 'yan? Nasa ospital ka na? Hay naku, anak! Ewan ko ba dyan sa asawa mo! Antigas ng ulo!"
Only to find out, ate ko pala ang kausap niya. At base sa pagkaintindi ng utak kong half sleep pa ay naaksidente ang asawa ni ate. Narinig ko pa sa usapan nila na matindi raw ang damage ng bayaw ko at malaki talaga ang gagastusin nun. Nagmaneho ba naman kasi ng lasing na lasing, motorsiklo pa ang ginamit! Naaaksidente nga yang may apat na gulong, yan pang dalawa lang?! Napaisip nalang ako nun kung anong klaseng yearend naman 'to. Ang saklap!
Pero nung papunta na ako sa trabaho, pinilit kong mag chill lang at dalahin na lang ang sitwasyon. AYokong magpa apekto. Kaya habang on duty na ako eh cool na cool pa akong nakikipag-ehos sa mga guest namin. (Sa mga di nakakaalam, dining crew po ako)
6PM ng hapon. Naging busy pa kami, ewan ko ba sa mga taong 'to. Walang ginawa kundi kumain. Busy na busy kami nun pero ako, dinadala pa rin ang pagod. Kinakaya ko pa. Kahit kulang kami sa manpower kasi merong umabsent, go pa rin kami ng go.
Nilinis ko ang isang table at agad pumunta sa may likod para i-abot sa washer ang mga naggamit na mga plato nang mapansin kong lumabas na 'yung guest sa isang table. Napaisip lang ako kung nakapagbayad na ba yun kasi hindi ko naman naabot ang bill nila. Nagbaka sakali akong inabot yun ng mga kasama ko. Kaya tinanong ko si Alex, "Lex, nagbayad na ba 'yung sa table 19?"
Pinuntahan ni Alex saglit yung cashiier para magtanong at bumalik sa akin then sinabing, "Shanii, wala pa." Blangko ang expression niya kaya akala ko nagbibiro lang.
"Seryoso?" akala ko talaga nagbibiro lang siya.
"Sure talaga." Nung sinabi niya 'yun, sobrang kinabahan na ako kaya nilingon ko ulit sa may pinto ng tindahan namin at wala na, hindi ko na makita yung hinayupak na guest.
Napasigaw ako sa dining area at tinawag ang manager namin, "SIR! LEFT CHEAT! Di pa nakapag bayad yung sa table 19!" Agad kaming nagtakbuhan palabas sa pagbabakasakaling mahahanap pa namin yung mga walang hiya at modong kumain sa table 19.
Sa kasamaang palad, hindi ko na maalala ang suot ng mga gago. Basta dalawang babae at isang lalaki. Ang inorder nila ay isang large pizza at isang dessert. Humigit kumulang P600 ang kanilang bill.
Pagbalik ko sa loob ng store lubos na akong nanghina. Parang ang pagod ko sa ilang oras na pagtatrabaho ay nauwi lang sa wala. Hindi ko nga mapakain at malibre ang nanay ko, o ultimo ang sarili ko sa restaurant na pinagtatrabahuan ko mismo tapos ganun ganun lang? Sana dino-nate ko nalang yun sa mga nasalanta ng bagyo. Napaiyak ako sa halo halong emosyon. Galit, pagod, pagkayamot at lahat lahat na ng negatibo sa katawan. Kahit anong sabihin ng mga kasama kong "Ok lang yan, natural lang yan" TANG INA LANG! Nakakapagod magtrabaho ng ilang oras at makipagplastikan sa mga gagong customer tapos ganun lang? Ako kasi magbabayad nun kasi ako ang nag order take. Kumbaga ako ang may resposibility. Buti sana kung nakatunganga lang ako noong oras na yun at nagpe-petiks lang. Kaso halos mabali na yung kamay ko sa pagbuhat ng mabibigat na plato at baso tapos ganun lang? Mga gago sila!! Feeling mayaman pero di naman pala makabayad. Some would say na baka nakalimutan raw. Pero hello? Nakalimutan ang pagbayad pero ang pag-nguya namemorize? Anong klaseng pangga-gago yan?! Buti sana kung mga pulubi nalang yun eh, kaso malamang sa alamang mas malaki pa ang sahod nun sa akin. Tapos ako ang pinagbayad ng kinain nila? Kung nakalimutan man nilang bayaran iyon, pwes pagpasenysahan na rin nila kung isumpa ko sila na maging miserbale sa buong taon ng 2014.
Oo, P600 lang yun, pero para sa akin ang laking halaga na nun. Pwede ko na sanang iabot yun sa ate ko para kahit papano makatulong kahit sa pagkain man lang para sa mga magbabantay sa kanyang asawa sa ospital. O di kaya ay pinandagdag ko nalang yung sa pambili ng gamot. O kung hindi, sana binigay ko nalang yun sa YOLANDA survivors. Yung nalang sana. Sana ang ipinambayad ko doon ay binigay ko nalang sa mga nangangailangan! MGA TUNAY NA NANGANGAILANGAN! Mga gago talaga yun. Hindi ko kayang hindi masuklam sa kanila. Akala mo pa kung sinong mga sosyal, di pala marunong magbayad. Kung nahiya man silang bumalik dahil sa katangahan nila, sana mas nahiya sila na ang pinagbayad nila sa kanilang kinain ay isang pulubi. Oo, pulubi lang ako kumpara sa kanilang mga pasosyal.
Kaya dahil doon, naglaho lahat ng gana ko sa kahit anong bagay. Imbes na nagdadalawang isip pa ako mag resign, pagkatapos ng insidenteng iyon, naisip ko na DAPAT na talaga akong mag resign. AYOKO NA!
Nag new year ako kami sa loob ng ospital. First time ko yun at sobrang nakakapanlumo. Nakakapagod rin pala? Alam mo yung pakiramdam na ayaw mo ng gumalaw at gusto mo pumirmi nalang sa isang sulok?
Andami kong utang na storya, baka nga pag open ko sa FB ko e mag hang na yun. May nagpabasa pa sa akin ng One shot shich I believe na nung 30 pa ang deadline nun pero di ko nagawan ng review =(
Sobrang sakit ng pagtatapos ng taon ko,. Pero pinipilit ko paring maging positibo. Kaya sabay publish ng article na ito, ay itatapon ko na rin ang lahat ng negative vibes na hinampas sa akin ngg 2013. Walang re-reading at re-checking for grammars o typos. Bahala na. Tutal di naman ito storya.
Para to sa mga kaibigan ko sa Protege, Team Kalokohan, FHA, Tropang Wattpaddicts at sa kung saan saan pang lupalop ng internet. Sana mapatawad niyo ako sa mga utang ko sa inyo. Ngayon, feel free to make singil na.
Ayon sa Feng Shui, ang mga taong pinanganak sa year of the SHEEP (where I belong) ay ang pinaka lucky sa 2014. Walang masama kung paniniwalaan ko. Just to guide, and not to mandate what should be done.
BINABASA MO ANG
AKO at ang Papatapos na 2013
Non-FictionKung kaibigan kita sa mundo ng INTERNET, basahin mo ito. PLEEEASE? HIndi ito story. I SWEAR!