Chapter 8: Game

4.3K 131 2
                                    

Chapter 8

Game

Jenan's POV

Naramdaman kong gumapang ang labi niya mula tenga ko pababa kaya pinigilan ko siya at inilayo ang ulo niya sa akin.

"Subukan mo lang na gapangin ako...putol talaga 'yang," pagbabanta ko sabay tingin sa nakaumbok sa pantalon niya. "Alaga mo,"dagdag ko.

Napataas ang kilay niya sa sinabi ko at kalaunan ay sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi, na tila ba hindi man lang siya natinag sa sinabi ko.

"Jenan, babae ang siyang gumagapang sa akin," pagmamayabang niyang turan.

Wow. Talaga lang ha?

"Tama nga ang PAG-ASA ngayon dadating ang bagyo, malakas na hangin nga lang 'yong nauna kesa sa ulan," sabi ko sa kanya.

Napatawa naman siya habang napapailing-iling na binubuksan ang pintuan ng silid niya.

Pumasok ako't ganon din siya. Umupo ako sa gilid ng kama pagkatapos subalit halos takas an na ako ng ulirat nang bigla niyang hinubad ang suot niyang damit. Nanlaki ang mga mata kong nakamasid sa kanyang matipunong katawan na sinadya atang ukitin ng Panginoon para sa tulad niya lamang.

What on earth is he doing?!

"Tapos mo ng e-check ang katawan ko?"

Kaagad kong binawi ang tingin ko sa katawan niya at napatingin na lamang sa gilid at napanguso-nguso.

Bakit ang init?

Gamit ang gilid ng mata ko ay napansin kong naglalakad siya palapit sa gawi ko kaya't napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at hinarap siya nang nakataas ang kilay.

"Lu-lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko.

"Feel free to touch," mapagbiro niyang sabi sa akin.

Namula ang pisngi ko sa alok niya sa akin.

"P-pwede ba lubayan mo ako! K-kakasuhan talaga kita hindi ako nagbibiro!" pagbabanta ko na siyang tinawanan niya lamang.

"I'll just take shower. Mauna ka na lang matulog."

Sinundan ko siya ng tingin at bago paman siya masara ang pintuan ng banyo ay kinindatan niya akong bigla. Napahawak ako sa dibdib ko bago marahang napaupo sa kama. Napapikit na lamang ako at napailing-iling.

"Gago 'yong pulis na iyon ah. Aatakehin ako sa kaba sa ginagawa niya," sabi ko habang nakahawak sa dibdib kong hindi mapakali.

'Di ko talaga maintindihan ang loko-lokong iyon. Minsan mabait na may pagkasweet na may pagkamasungit. Ay ewan ko sakanya! Basta ang alam ko ay madalas siyang manyak!

Allthough he's pervert I can't deny to myself that he has an effect on me. That fucking police officer can make my heart to pond like crazy. I admit that I really like men that are maginoo pero medyo bastos, and I may sound so biased but officer dela Conde is really qualified.

I tried to close my eyes so that I could sleep but damn it! I couldn't! Naaalala ko 'yong ginawa namin kanina. For the second time around, we tasted the sweet flavor of our lips. He's the only man on earth that gives me different kind of emotion each time we kiss, well malamang, he's the only man who ever kissed me.

My previous boyfriends didn't have the opportunity to kiss my lips, I didn't allow them. Why should I kiss them anyway? I don't even love them and only my family pushes my relationship to those people. For my Abuela, business is business,walang lugar ang pag-ibig.

✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon