ANG TOTOONG BUHAY NG TAO.
Pinahintulutan siya na magimbestiga sa lupa sa loob ng isang Lingo. Si Tagapagtanggol, hindi niya nasubukan magbantay ng tao.. hindi niya nasubukang magkaroon ng kaparehang tao. Hindi niya alam kung papaano ipapaunawa sa tao ang tama sa mali… sa tingal-tagal niyang paninilbihan bilang Tagapagtanggol… wala siyang ibang alam kundi makipaglaban at ipagtanggol ang mga tao sa mga may masasamang loob.
Sa kabilang banda, hindi alam ni Tagapagtanggol na mayroon pala siyang kaaway sa pwesto bilang isang arkangel. Isa lang kasi ang nagiging arkangel sa bawat taon na lumilipas kaya naman ang lahat ng Tagapagtanggol ay nag-aagawan at naguunahan sa pwesto. Nilisan din ng tagapagtanggol na iyon ang langit at katulad niya inimbistigahan ang babaeng kanyang tinutukoy. Sa dalawang dahilan: una, kung siya ang makakaalam ng tungkol dito, at malaman nga niyang may katotohanan ang kanyang hinaing baka sakanya mapunta ang napakalaking papuri mula sa tatlong pinuno. Pangalawa, kung hindi naman at walang katotohanan ang kanyang hinaing… mas lalong bibigat ang kanyang sala at paglabag sa batas. Mas lalaki ang punto niyang maunahan si Tagapagtanggol bilang arkangel.
Nung una, palagi niya itong binabantayan sa katawang anghel niya. Mula pagising hanggang pagtulog sa umaga.
Tagapagtanggol:
Gumigising siya sa umaga na may ngiti sakanyang muka. Gulo-gulo man ang kanyang buhok ay nakakatuwa parin siyang titigan.
Hannah: I love you Lord! Sabay mag-iinat ng katawan
Ganyan niya palaging sinisimulan ang araw niya.
Tss.. pagpapanggap?
Sa totoo lang ay magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman sa taong-lupa na iyon. Hindi rin niya maintindihan kung bakit siya napapangiti ng palihim sa mga maliliit niyang bagay na nagagawa. Pero palagi niyang tinatak sa kanyang isip ang kanyang misyon… dahil yun naman ang mas mahalaga.
Araw-araw iba’t-ibang klase ng muka at anyo ang ginagawa ni Tagapagtanggol para hindi siya makilala at hindi makahalata ang babaeng kanyang iniimbistigahan. Nagkatawang nilalang sa lupa siya para kung totoo ang kanyang hinala na isa siyang itim na anghel ay hindi siya nito mahalata.
Sinundan niya ito hanggang sa pagpasok sakanyang eskwela.
Pangalawang Tagapagtanggol:
Ano ba ang espesyal sa babaeng ito? Tss. Paano naman nasabi ni Tagapagtanggol na isa siyang kampon ng mga itim?
Sa pagmamanman ng ikalawang tagpagtanggol sa Tagapagtanggol ay may nakita siyang kakaiba dito… ngunit hindi sa babaeng taga-lupa ang problema
Ang araw ng palakasan ay nalalapit na sakanilang eskwelahan kaya naman naging abala ang lahat. Pumatong si Hannah sa upuan para maisabit ang bandiritas sa mga puno ng biglang…
Nakita ito ni Tagapagtanggol, kaya naman ang katawang tao niya ay biglang pumwesto sa lugar na dapat niyang babagsakan. Umurong siya patalikod kunwari, para sa likod nito, siya ay bumagsak.
Hannah! Sigaw ng kanyang mga kamag-aral.
“Sa susunod mag-ingat ka!”
Unang lumapit sakanya si Paolo, kamag-aral niya.
Paolo: Ayos ka lang ba?
Hannah: hindi naman ako nasaktan.
“Paano, ako yung binagasakan mo”
Hannah: Pasensya ka na, gusto mo samahan kita sa clinic?
Ngunit bigla na lang tumingin sa iba ang lalaking sumalo kay Hannah at nagpatuloy sa paglalakad palayo sakanila.
BINABASA MO ANG
NOTUS CERTANUS [season1]
RomanceANGEL-HUMAN-ANGEL how long will it takes to fight for your love? if everything seems to be UNCERTAIN, will you still fight for it?