CHP25: Knight

1.7K 52 39
                                    

"As a knight you should not turn your back.” – L.JOE

Dedicated sherylnapuran18

--
/DASURI/

Sabado ng umaga.

Maaga kong gumising dahil meron akong isang lugar na pupuntahan. Nagpaalam ako sa mga magulang ko at agad din naman nila kong pinayagan. Mabuti nga’t hindi na sila nagtanong pa nang kung anu-ano. Marahil ay hinahayaan na lang nila ko sa gusto kong gawin para tuluyan na kong…..makalimot.

“Alis na po ko, bye.” Saad ko sabay labas ng pinto. Dumiretsyo ko sa gate ng bahay namin at binuksan iyon. Isinara ko rin naman iyon nang maayos nang makalabas na ko.

Nagulat lang ako nang pagharap ko sa kalsada ay bumulaga sa’kin ang isang L.joe na mukhang kanina pa inaantay ang paglabas ko. Napapitlag pa ko nang makita ito.

“Ay, anak ka ng tokwa!” bulalas ko. Inirapan naman nya ko’t sumagot.

“I’m the son of my mom.” Gaya nang dati. Puno parin ito ng kasupladuhan sa katawan. Pang gangster ang porma at mukhang laging badtrip ang araw.

Ewan ko nga ba kung bakit napagtiisan kong maging kaibigan ‘to. Charot. Hahaha. “Anong ginagawa mo rito? May usapan ba tayong nakalimutan ko?” pagbabago ko sa usapan. Nakakapagtaka naman kasing makita sya dito. Lalo na’t sa mismong bahay pa ng mga magulang ko.

Sabi na nga ba e. Inistalk lang ako nito kagabi kaya ako sinamahan pauwi. Mga galawang lalaki talaga o. Tss.

“Nothing, but I’m here because I want to make a deal with you.” Kumunot ang noo ko nang marinig.

“Deal? Tungkol saan?” inosente ko pang sagot.

“It’s about your secret. I won’t spill it to anyone but in one condition,” he pauses for a while and looks at my eyes. “Let me….”

“Let me take care of your baby.”

Halos lumuwa ang eyeballs ko nang marinig ‘yon. Kasabay nito ay ang pagbalik sa ala-ala ko ng mga nangyari kagabi.

“Dasuri, I’m confused. Chunji told me last night that you had miscarriage. But whenever I hold your wrist……”

Dali-dali kong pinutol ang sasabihin nya, “L.joe please….. kung ano man ‘yung nalalaman mo. Pwede ba sa atin na lang ‘yon?” I pleaded.

He looks shock and frustrated. Pero hindi naman nagtagal ay sumagot na rin ito, “I don’t know your reason but if that’s what you want, I’ll keep your secret.”

Dali-dali kong tinakpan ang bibig nya habang lumilingon sa paligid. Pwersahan ko rin syang hinila palayo sa tapat ng bahay ng mga magulang ko.

“Nababaliw ka na ba?!” sigaw ko matapos kong tanggalin ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig nya. Gusto ko syang sipain para magising sa katotohanan. Mukhang nakasinghot na naman sya ng isang dosenang katol e.

“Alam mo ba ‘yang pinagsasabi mo?!” naiinis kong pahayag. Akala ko ba napag-usapan na naming ang tungkol dito. So bakit parang pinagkakalat pa nya? Tsk.

Dahil nakatitig lang naman sya sa akin at mukhang walang balak sumagot sa tanong ko. Binalak ko na syang layasan, “Aisst. Nakakaasar ka talaga. Bahala ka na nga dyan!” saad ko sabay hawi sa kanya.

Hinigit naman nya ko agad at ibinalik sa dati kong pwesto, “Wait, listen to me first.” Nagbago awra ni L.joe. Bahagya na itong nakayuko habang nakahawak parin sa braso ko. Para bang nagdadalawang-isip syang sabihin ang nilalaman ng kanyang isipan.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon