"Oh di ka na nagparamdam dyan?" bungad agad ni Thomas pagkasagot ko pa lamang ng tawag nya
"Baka pwedeng magpahinga"
Inaayos ko ang mga gamit ko at nilalagay ito sa closet, tapos na akong maghapunan, naisip kong after nito ay magpapahangin muna ako sa labas saglit saka ako matutulog, mahirap ng malate bukas sa kasal, pero dahil may istorbong kumag na tumawag at hindi makapag antay sa text ko mukhang telebabad na naman ako
"Saka ano ba? SYota ba kita kelangan magreport?" dagdag ko
"Eh bakit hindi ba?"
"Kapal ng mukha mo" saka ako nag act na masuka suka.
"Ang arte mo. Bakit kasi hindi ka tumawag agad pagdating mo may kwento pa naman sana ako sayo" excited ang boses ng kumag
"Pwede pag uwi ko na lang yung kwento mo, may jetlag kaya ako hello"
"Ihhh sige na" paawa ang buset
"Sige na summarized ah?"
"Yey!"
"Dali!"
"Yung kinukwento ko sayo, si Arra"
"Ako?"
"Hindi ikaw! Yung Ara with doble R"
"Ahh yeah naalala ko na, oh anyare? Kayo na?"
"Hindi pa! Teka kasi inuunahan mo ko eh"
"Ang bagal mo kayang magkwento aish"
"Nasa bar sya kahapon"
"Nakita mo?" tanong ko
"Oo, pano mo nalaman?"
"Nagkakilala kayo?"
"Oo! At di lang yun...."
"Sya din ang kadate mo" pagpapatuloy ko sa sinasabi nya
"At bukod dun......" punong puno ng excitement sa tinig nito
"Nakuha mo din ang number" pagpapatuloy ko, nagtungo ako sa CR para isabit yung damit na pampalit ko.
"teka...."
"Close na kayo at katext mo sya ngayon, naputol lang kasi tinawagan mo ako dahil di ako nagpaparamdam" putol kong muli sa kanya
"Ars, paano moa lam?" punong puno ng pagtataka sa himig nito
Natawa na lang ako, paanong hindi ko malalaman? "For the nth time Thom, ganyan lagi nagsisimula ang diskarte mo sa babae, nakita mo, nakilala mo, nakuha moa ng number, naging textmate kayo, naging 'mu' kayo tapos sa bandang huli iiwan ka lang at masasaktan ka, anong bago?" napapailing na lang ako, kawawa naman tong tropa ko, aasa na naman
"Ars naman eh, iba to! Sigurado ako dun"
"Narinig ko na yan tol, siguro uhm? 10x na din" saka ako humagalpak ng tawa.
"Wag ka na kasing kumontra, maniwala ka saken, sya na talga yun, si Arra na talaga"
"Hmmm? Sige sabi mo eh hahahha yun lang ba? Baka pwede na kong magpahinga"
"Ewan ko sayo! Para kang walang paki saken" pagtatampo pa nito
"Thomas Torres wag ako! Kung wala akong paki sayo sana di ko sinagot tong tawag mo para di ka nakapagdrama ng ganyan, suportado pa nga kita sa mga ilusyon mo eh, kay Krissa, kay Alissa kay----'