Hindi muna ako lumabas sa kwartong ito unless dumating ulit si tita Len at sabihing lumabas na ako. Hindi nga ako nabigo dahil pinalabas na ako ni tita Len.
"Bumaba na tayo Sam at naghihintay ang anak ko sa baba," pangiting sabi sa akin ni tita Len.
Agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya palabas ng kwarto. Iika-ika parin akong naglalakad dito dahil sa may kirot pa rin akong nararamdaman sa may binti ko.
Pagkababang-pagkababa ko kaagad ng hagdan ay mayroong magandang babaeng agad lumuhod sa harap ko. Kaya kahit na maawa ay natatawa ako at naguguluhan sa mga sinasabi niya.
"Wah! Sorry na. Hindi ko talaga iyon sinadya. Naiiyak na ako. Tignan mo tutulo na ang luha ko sa mga mata ko. Can you see it?" sabay turo niya sa may mata niya at dahil akmang wala talaga akong nakitang tumulo ay kinuha niya ang isang bottle sa likod niya at nilagyan ng tubig ang kaniyang mga mata.
Hindi ko na kinaya. Ang cute niya kasi. May malaberde din siyang mga mata na halatang namana niya kay tita Len, mahaba ang kaniyang mga pilik-mata may matangos na ilong at maninipis na labi.
Nahihiya na naman ako sa itsura ko, ang layo kasi ng mukha ko sa mukha niya.
"Hey there, sorry na oh," hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya.
Mas matangkad ako sa kanya ng unti.
Tiningnan naman niya ang kabuuan ko at nag-form into O lang ang bibig niya.
"Oh! Gosh, hindi ko alam napuruhan pala talaga kita. My, ang sama ko. Ang dami mong pasa. May dugo pang natuyo kahit saan," hindi ko alam kung matatawa ba ako o yayakapin ko siya, she's just too adorable to resist.
"Ah oka-ay lang po ako ma'am meron na po kasi akong mga pasa bago niyo ako nasagasaan," nakita ko naman ang relief sa kanyang mga mata noong nasabi ko na iyon sa kaniya.
Pamilyar talaga sa akin ang mukha niya, para bang noon palang palagi ko na siyang nakikita kaso baka dahil sa nagmo-model din ito mahilig pa naman ako sa mga magazines.
"My, I like her. She's pretty," para naman akong nabulunan sa sariling laway ko nang marinig ko ang huling sinabi niya.
Is she serious? Can't she see? She looks like a princess while me?! I look like a beggar begging for something na kahit kailan hindi pa nabigyan.
"Hi, ako nga pala ang bungangerang magandang diyosang anak ni mama. I'm Cheris Lynn Bermudez. Anak ako ng nanay ko ikaw? Ahhahahhha char! Joke lang," napapatawa na talaga niya ako.
"Samantha Seroona Gambrez-a," sambit ko sa kaniya at napa-kurap nalang siya at parang natigilan.
"Oh my, ikaw ang heiress ng Gambreza Hotels and Chain Company." Masayang sambit niya sa akin. Kaya nahiya naman ako kaagad sa kanya.
"H-indi ako iyon kapangalan ko lang siguro," mahinang sagot ko sa kaniya iniyuko ko na lamang ang ulo ko dahil ayaw kong makita ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
Ang tanging alam ko lang sa oras na yaon ay ang makitang tumutulo na pala ang likidong nanggagaling sa aking mga mata. Fudge! I'm such a cry baby.
"Ar-e you okay Sam?" nag-aalalang tanong ni tita Len sa akin.
"Hala! Ano na naman ba tong nagawa ko," panay himas nadin si ma'am Cheris sa likod ko.
Ngumiti nalang ako sa kanila upang hindi na sila gaanong mag-alala pa.
"Hush Sam, it's okay," sabay ngiti ni tita Len sa akin.
"Maligo ka na lang muna saka may mga damit ka namang dala so okay lang ba sa iyo na yun lang suotin mo? Maraming sobrang damit si Cheris mapapahiram ka niya," sabi ni Tita Len na ikinabigla ko.
"Naku tita Len, okay lang po iyon malaki na po ang nagawa niyo sa akin, pero okay lang talaga ako na mga lumang damit ko na lang ang gagamitin." Sabi ko sa kanya pero panay ngiti parin ang mag-iina.
"Alam mo ang bait-bait mong bata Sam, kung ako ang nasa katayuan ng asawa mo ay aalagaan talaga kita," sambit ni Tita Len, nakikita ko naman ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"You are married Sammy? " biglang tanong ni ma'am Cheris sa akin.
"O-po ma'am," sagot ko sa kaniya at niyakap naman niya ako.
"Kung sino man yang asshole na yan ay mabubulok siya sa lupa. Wala siyang kwentang asawa Sammy! Okay lang yan," pagmotivate niya sa akin.
Ang sarap pala ng pakiramdam na may nagluluksa rin sayo sa mga nangyayari sa buhay mo, this is just so real, ang saya ko talaga.
Kakapalan ko na ang mukha ko, gusto ko na kasi talagang lumihis ng landas kay Lewis kaya ito na lang ang tanging paraan na kaya kong gawin.
"Tita Len, ma'am Cheris, hihingi sana ako ng pabor sa inyo. Pw-ede po bang dumito muna ako kahit sa-ndali lang? Magbabayad po ako ng upa o di kaya'y pwede niyo rin akong gawing kasambahay," sambit ko sa kanila , the both of them sigh for ewan hindi ko alam.
"Hay naku Sammy, ano ka ba. Pamilya na ang tingin ko sa iyo ngayon kaya pwedeng-pwede kang manatili dito kahit kailan mo gusto at saka you don't have to worry about that upa-upa thingy. Libre na," naiiyak na naman ako. Ang bait ni ma'am Cheris.
Habang si Tita Len naman ay ngingiting-ngiti parin hanggang tenga.
"Sabihin mo lang sa amin kung gusto mong pagtakpan ang katauhan mo Sam handa kaming tumulong," wika ni Tita Len sa akin na ikinabigla ko.
"Hindi na po kailangan iyan Tita Len. Okay lang po na dito lang ako at magtago, wala na pong makakahanap sa akin kapag ganoon," agad kong sagot kay Tita Len.
Napatango-tango nalang siya.
"O siya sige magbihis ka na muna sa kwarto mo Sam at nang makakain na tayo ng sabay," mahinhing sambit ni Tita Len at saka tumungo sa kusina.
Naiwan ako kasama si Cheris. Panay parin ang tingin at haplos niya sa likod ko.
"Kawawa ka naman Sammy. Kaya nga man hater ako dahil ayokong masaktan pero nang nalaman ko ang kalagayan at nararanasan mo sa buhay ay bumilib lang ako sa'yo. Ang martyr mo sa kanya na kahit saktan ka niya ng paulit-ulit ay go ka parin nang go," may tumulong likido sa mga mata ni Cheris. Pero agad din naman niya iyong pinunasan gamit ang kaniyang mga kamay.
"At ano ka ba Sammy. Cheris na lang itawag mo sa akin. Mula ngayon sister na kita, I'll protect you to everything na makakasakit sa iyo. Pwede mo akong maging bestfriend. Kung wala ka pang bestfriend," sabi niya sa akin at napatungo na lang ako na may ngiti pa sa labi.
Nagpaalam naman si Cheris na magbibihis muna siya kaya pumasok narin ako sa kwartong pinaglalagyan ko nang mga gamit at dumiretso sa banyo doon. Agad akong naligo at nagtampisaw sa tubig. Ang sarap ng pakiramdam ko yung tipong nabunutan ka nang tinik dahil may karamay ka na sa mga problema mo. Ganyan ang nararamdaman ko sa ngayon.
Hindi ko naman maiwasang maisip si Lewis. Hinahanap kaya niya ako? Nag-aalala kaya siya kung nasaan ako? Pero alam ko imposibleng mag-alala siya, hindi naman ako importante sa buhay niya. Ginusto nga niyang mamatay nalang ako para mawala na ako sa landas niya. Kaya I just made the right decision na mag-layas tutal yan naman ang gusto niyang mangyari.
Natandaan ko na naman ang panaginip ko kanina. Kinikilabutan talaga ako doon, para kasing totoo taalaga, hindi ko lang talaga kilala ang tao sa likod ng shadow na iyon.
Ang isiping mara-rape ako ay hindi ko maasiwang unawain. Sana naman hindi iyon magkatotoo o di kaya'y walang masamang meaning ang panaginip ko na iyon.
BINABASA MO ANG
A Wife's Torment [On-Going]
RomanceSamantha Seroona Gambreza was once contented to stare Lewis Zyberge De la Reevas from a far during their college days. Not until a shaking news shaken her admiration from a far. She gave up everything just to end up and to be with Lewis Zyberge. Pus...