Kiezer's Point Of View
Nagsipag-ayos na kami ng gamit namin dahil uuwi na kami.
Masyadong mabilis ang oras para saamin,tatlong araw kamu dito pero para saakin,isang oras lang. Kasi alam ko,sa pagbabalik namin..maghihintay ako ng marami pang taon bago ko ulit makasama,at makita si Ellie.
Hindi ko alam kung kailan,pero panghahawakan ko ang mga sinabi n'ya,ang mga pinangako n'ya.
Babalik ako,babalikan kita. At sa pagbabalik ko,hindi na ako aalis pa sa tabi mo,Mahal na mahal kita Kiezer.
Naiyak ako ng maalala ko ang sinabi n'ya kagabi. Bago kami matulog,naalala ko na pumasok pa s'ya sa kwarto namin,kahit hindi dapat..para lang sabihin-ipangako saakin 'yun.
"Kiezer! Mahuhuli ka na..kanina pa kami tapos sa pag-aayos. Ano 'to? Tutunganga ka nalang?" Nakapamewang na sabi ni Jayron.
Sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Kahiya noh? Eh sa pagkakaalam ko...isa lang ang bag mong dala! Dahil lahat ng gamit mo,sinaksak mo sa bag ko!" Sigaw ko at binato isa-isa ang mga leche n'yang gamit.
Kahit ano lang madampot ko na kanya,ibabato ko.
"Teka!! K-Kiezer please 'wag 'yan oh! Bigay saakin ni Janna 'yan! Palagi n'yang hinahanap saakin 'yan,kaya please..akin na 'yang frame na 'yan." Nagmamakaawa n'yang sabi.
Wala ako sa mood tumawa,pero guess what?
May pumalit naman saakin para tumawa,
"Pffft-! Hahahahhahahhaha! Ang--hahaha ba-duy! Hahahhaha!--aray!" Sigaw ni Francis.
"Bakit ka tumatawa d'yan?!" Maarteng tanong ni Jayron kay Francis.
Halata na pigil ang tawa ni Francis,
"W-wala! Ang gara kasi n'ung--please 'wag bigay ni Janna 'yan,palagi n'yang hinahanap saakin 'yang frame na 'yan! Wahahaha! Frame?! Seryoso?!palagi mong dala?! Anak ng tukneneng--aray ano ba Jay?!" Sige pa,hindi pa kasi tumigil.
"Mga g*go! Atleast mahal ko binibigay ng girlfriend ko!,eh kayo?!" Pikon na sabi ni Jayron.
At pinagbabato ng unan si Francis.
"Shete! Ang gulooo n'yoo! Lalabas na nga lang ako." Sabi ko at lumabas na. Silang dalawa nalang ang naiwan,bahala sila..gusto nila ibaligtad nila buong kwartong 'yun eh,wala akong pake.
Kanina pa kasi bumaba ang dalawang taong lumalablayp,sina Steven at Charles. Magkasama sila ngayon kaya ako,loner. Ewan ko lang kila Ellie kung tapos na silang mag-empake.
Naupo ako sa buhanginan,marami parin ang mga tao sa resort. Pero 'di tulad ng dati,maaga palang..may nagsuswimming na. Iilan nalang ngayon,
Ang bilis magbago ng lahat.
Napabuntong-hininga ako.
"Are you okay?" Narinig kong tanong ng isang babae saakin,
At kilala ko kung sino s'ya,footsteps palang n'ya kilala ko na,amoy palang n'ya..ang lakas na ng impact saakin.
"Sinusubukan," sabay buntong-hininga ko.
Napayuko s'ya,
Ayan na naman,iiyak na naman s'ya..ayokong makita s'yang gan'yan..kasi the more na umiiyak s'ya,the more na mas gusto kong kayakap ko nalang s'ya.
"E-Ellie--mahal na mahal na mahal na mahal kita," sabi ko habang nakatingin sa dagat.
Nararamdaman ko ang hikbi n'ya,ang pagtitig n'ya saakin at ang paglakas ng hikbi n'ya.
"Mahal na mahal na mahal kita,kahit na anong mangyari,kahit baligtarin man ang mundo..kahit magkaasawa man tayong pareho ng iba,ikaw parin..mahal na mahal na mahal kita..." nararamdaman ko ang paglapat ng mga malalambot n'yang daliri sa ibaba ng mata ko,at du'n ko lang napansin na naiyak na pala ako.
"K-Kiezer....mahal na mahal na mahal kita,at pangako...hindi ako magsasawa na sabihin 'yun sa'yo." Naiiyak na sabi n'ya.
Linapit ko ang mukha n'ya sa mukha ko at pinunasan ang mga luha n'ya,
Naramdaman ko ang pagkilos ng mga labi namin,at ang paglapat ng mga ito sa bawat isa.
Naramdaman ko kung gaano namin,kamahal ang isa't isa. Sa pamamagitan ng halik namin sa isa't isa,mawawala ng kaunti ang sakit na dinadanas namin ngayon.
Ang bata pa namin,sa labing pitong taon kong nabuhay,ang pagmamahal namin sa isa't isa ang 'di ko makakalimutan.
"Ahhhh! O-M-G!! Shet! Kinikiliggg akooo! Oxygeeeen!"
Awtomatikong naglayo ang mga labi namin dahil sa umalingasaw na tili,at sigaw...
"ElZer! Myghaaad! Palitan n'yo na ang AlDub at KathNiel! Pakasal na kayooo!" Sigaw pa nina Janna at Pau.
Nagkatinginan kami ni Ellie at natawa nalang,
Lumapit ang bibig n'ya sa tenga ko,
At kinilig ako! Nakakabakla shet!
Muling nagsigawan ang mga tao sa likod namin,
"That was my first kiss." Bulong n'ya at ngumiti.
Bakit bigla akong namula?
Sheeet! Ang saya kasi ako pala ang first kiss n'ya.
***
A/N: Oxygeeen! Myghad!
Sorry baydiwey,dahil short update lang ako. Hehehe. Sana maintindihan n'yo,fagod na fagod kasi ako sa party ng lola ko!
Yess! Nagrock and roll s'ya,:) pero syempre joke lang! Simple celebration lang pero pramiss! Napagood akooo! May pasok pa bukas! Sheeet! Pero mas pinili kong mag-update dahil I want to finish it!! Yieee <3
Salamat sa pagbabasa sa walang kwentang author's note. Mamaat!! :*
Luvlotss. :*
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Teen FictionWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...