sorry sa mahabang paghihintay!
para sa iyo to dahil naghintay ka.
nainip ka ba?? sorry, ha. at SALAMAT ng BONGGA! ^___^v
sorry kung panget to, ha. minadali ko, sorry. ^_^v
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
05: Jung Yun Ho
“Yun Ho-hyung!” Napalingon si Yun Ho at tumigil sa paglalakad nang marinig niya ang boses ng kaibigang si Hee Chul. Kasalukuyang nasa building siya ng SamSung kung saan may importanteng business meeting siya with the President of the company. Kaya nga nagtataka siya kung bakit nandoon ang kaibigan niya.
“O, Hee? Bakit ka nandito?” Takang tanong niya dito.
Ngumiti naman agad ito. “I came to tell you that your supposed-to-be meeting with SamSung’s President was cancelled due to relocation.”
Napakunot ang noo niya. “What?” Medyo iritadong tanong niya.
Ang ayaw niya kasi sa lahat ay ang naha-hassle o nagugulo na lang bigla ang schedule niya.
Mabait naman siya according to his friends, kaya lang ay madali siyang mainis kapag may mga sabit o interruptions pagdating sa business deals niya.
“Sorry ‘bout that. Actually, si Max ang nagpapunta sa akin dito since siya ang nakakaalam ng whereabouts ng President ng SamSung. May kailangan lang gawin si Max ngayon kaya ako na lang ang nag presenta na sundan ka.” Kwento pa nito.
“Thanks for the effort, then.” Sagot na lang niya.
“O, wag ka nang ma-badtrip, hyung!” Pagpapakalma nito sa kanya. Alam naman kasi ng mga kaibigan niya na ang pinakaayaw niya ay ang nasa-sabotahe ang mga deals niya.
“Umalis na lang tayo dito, Hee.” Lukot na tuloy ang mukha niya nang lumabas sila.
“Pumunta na lang tayo sa Dasma, hyung.” Nakangisi si Hee Chul nang balingan niya ito. Alam naman kasi niya kung anong pakay nito doon.
“Hee, alam ko ang ngiting iyan.” Sabi naman niya dito. Ngumiti na lang ulit ito at nagtuloy sila sa kanya-kanyang sasakyan. Natatawang nawiwindang man siya sa kaibigan niya ay sumunod na lang din siya dito nang sumuot ito sa daan papuntang Dasmariñas, Cavite. Sa isip niya ay gusto rin naman niyang pumunta doon.
“Krysteeeeeeel!!!!!!” Napabalikwas ng bangon si Krystel sa malakas na tawag sa kanya mula sa kusina nang tinitirhan nilang apartment. Agad na tumayo naman siya mula sa sahig na kinabagsakan niya kanina nang magising at naglakad na siya papunta sa kusina.
“Hoy, Jessica!!!” Malakas na sigaw niya nang makarating sa kusina.
“Yes, my dear friend?” Nakangising lumingon sa kanya ang kaibigan.
Nangunot ang noo niya sa inaakto nito.
“Hoy, Krystel! Bakit ka tulala?” Nagulat na lang siya nang bigla syang magising sa pagkatulala dahil sa tapik sa balikat niya. Nang lingunin niya kung sino ay si Hazel iyon.
Nangunot na naman ang noo niya. “Ano bang problema ninyo?” Takang tanong niya sa mood ng mga ito.
Lalung ngumisi si Jessica nang tingnan niya ito.
“May hindi ka ba sinasabi sa akin, Jess?” Curious na tanong niya dito. Umupo siya sa isang silya doon. Umupo naman si Hazel sa tabi niya at si Jessica ay nasa harap na niya. Tiningnan niya ng mabuti ang dalawa niyang kaibigan. “Nagpakasal na ba kayo ng sikreto ni Ryeo?”
Nagkatinginan pa sina Jessica at Hazel saka siya pinagtawanan.
“Anong nakakatawa?” Iritadong tanong na niya. Ayaw niya kasi nang hindi niya nalalaman kung anong nangyayari sa paligid niya at naiirita siya kapag masyado siyang nacu-curious at hindi sinasagot ang tanong niya.