Chapter 9

404 16 25
                                    

Chapter 9:
Plan

In just a snap. All things that happened yesterday, I forgot.

No. Let me correct my sentence

I wish I could forget what happened yesterday in just a snap.

Pinili ko na lang mag stay doon ng tatlong oras. Hindi ko alam ang ginawa ko sa tatlong oras.

Nakatulala? Umiyak? Tumawa? Wala akong alam.

Basta ang alam ko umuwi na lang ako ng matapos ang class hour.

Pinili kong maglakad na lang papunta ng subdivision. Gusto ko sanang mapag-isa pero biglang sumulpot si Xzyr.

As usual, kinulit niya lang ako pero hindi ko na lang siya pinansin. Ayaw kong dumagdag pa siya sa iniisip ko.

Nawala rin siya sa paningin ko ng makapasok na ako ng subdivision at laking pasasalamat ko iyon.

Nagkulong lang ako ng kwarto at nagmukmok. Yun lang naman ang magagawa ko.

Hindi ko na mababawi yung pagtanggap ko sa pagiging magkaibigan namin ni Airon.

Sa tingin ko, mas okay na rin 'yun. At least makakasama ko pa rin siya.

Sabado ngayon at walang pasok. Hindi ako kadalasang maaga nagigising tuwing weekends. Dahil dito na lang ako bumabawi ng tulog pero hindi ko alam kung bakit gusto na ng katawan kong bumangon na mula sa pagkakahiga.

Pagkatingin ko sa orasan. 6:05 pa lang ng umaga. Sigurado akong naghahanda pa lang ng breakfast si Aling Pising. Ang nag-iisang katulong namin.

Tutal wala naman ang mga magulang ko dito sa bahay at ayaw kong si kuya ang nagluluto. Pinaubaya na kami ng nanay ko kay Aling Pising na matagal na nagsisilbihan sa amin.

Pagkababa ko, nagulat rin si Aling Pising dahil maaga nga akong nagising. Uminom lang ako ng gatas bago naisipang maglakad lakad sa subdivision.

Suot ang short at over sized na puting tshirt. Tinernuhan na black na rubber shoes lang ang suot ko.

Dinala ko na rin ang earphone at phone ko para mas makapag-isip-isip.

Up all night on my mind got me thinking
Wanna stay, can you give me a reason
I don't think so, I don't think so
I'm in love with someone but I'm not sure
She can love someone back the way they love her
I don't think so, I don't think so

Hindi mawala wala sa isip ko ang nangyari kahapon. Gusto kong magalit sa kaniya dahil ang kapal ng mukha niya

Pero hindi ko magawa.

Sa totoo lang, gusto ko siyang sapakin sa mukha

Don't be mean if you wanna go

You can leave and leave my heart alone

Waking up to nothing when you're super far from home

And I watch you fall asleep at night and lay there on my own

Got me begging for affection

All you do is roll your eyes

Broken down, I've had enough

If this is love I don't want it

"Hey"

Tumigil ako sa pagtakbo ng makita ang dahilan ng pagkainis ko ngayon.

Tinanggal ko ang earphones sa tainga bago siya nilapitan.

Lumunok pa ako ng maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon