My Text Mate (short story) by: JhieLovesYou

36 0 0
                                    

SAKAY ng jeep patungong alabang si Jenny, ngayon ang gabi ng pagtatagpo nila ng kanyang Boyfriend sa text lingid sa kaalaman ng mga Magulang, ang pagkakaalam ng mga ito ay Christmas party ang kanyang pupuntahan, kaya ipinag-paalam niyang baka umaga na siya makakauwi.. 

Walang gaanong pasahero ang sinasakyan niyang jeep, pasado alas-nuebe na ng gabi, mula sa mabagal na pagpapatakbo ng mamang driver ay natanaw niya sa labas ng bintana ang iilang tao sa labas ng Food chain.. 

"Nandito na siya!" bulong niya sa sarili. 

"Mama para ho!" Kabado siyang bumaba ng jeep, puno ng excitement ang kanyang dibdib..

Lumikot ang kanyang paningin, may hinahanap siya.. 

"Sino kaya sa kanila?" Tanong niya sa sarili.

Nakita niya ang dalawang lalaking naka white t-shirt, hindi niya alam kung sino sa dalawa ang kanyang textmate. Ang sabi kasi nito magsusuot ito ng kulay puting T-shirt..

Minabuti niyang tumayo nalang sa gilid ng nasabing food chain. Nakasuot siya ng kulay pulang Blouse, matangkad siya, mahaba ang buhok at maputi..

Mula sa kanyang bag ay kinuha ang cellphone... 

"Tatawagan ko na lamang siya". Bulong niya sa sarili..

Mag alas-diyes na ng gabi at wala ng gaanong tao sa nasabing food chain, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone sabay lapit sa kanya ng isang lalaki..

"Ikaw ba si Jenny?" Tanong nito.

Nataranta siya bigla, tinitigang mabuti ang lalaki, malaki ang pagkakahawig nito sa isang sikat na Actor ngayon na si Sam Milby.... 

"Ay ang gwapo!" Sigaw ng isipan niya..

"O-oo ako nga! at ikaw, ikaw ba si".....

"Andrew". Agaw nito..

"Napakaganda mo pala at"... Tinitigan siya nito ng maigi dahilan para manlamig ang buo niyang katawan.. 

"At ang sexy mo pala"... Hindi parin siya makapagsalita kinakabahan siyang nagagalak dahil sa kanilang pagkikita.

"Akala ko ba yayakapin mo ako at hahalikan kapag nagkita na tayo? Anu????" Nakangiti ito sa kanya, labas ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin, nakabukas ang dalawang mga kamay at nag-aantay ng mga yakap niya..

"Oh my gosh!"  Halos himatayin na talaga siya sa kinatatayuan niya ng mga sandaling iyon, hindi siya halos makapaniwala na ganoon kagwapo ang kanyang textmate... Ito na ang lumapit sa kanya ng hindi siya tuminag sa kanyang kinatatayuan. 

Niyakap siya nito ng mahigpit, napapapikit siya.

"Ang sarap mong yumakap Andrew, pakiramdam ko safe na safe ako sa mga bisig mo". Sa isip-isip niya. 

Napakabango nito dasal niya sa sariling sanay hindi na matapos ang gabing ito..

"I love you so much Jen, noon at ngayon walang nagbago, bulong nito sa kanya." Sabay halik sa kanyang mga labi.. Tiningnan niya ito sa mga mata, bakas ang sinseridad dito sa mga tinuran niya... 

"I love you too, Andrew, hindi pa man kita nakita mahal na kita, at ngayong nagkita na tayo mas lalo pa kitang minahal.." Halos mapaiyak niyang sambit... 

Nagkayakapan ulit sila mas mahigpit, nagtagpo ang kanilang mga labi, mas matagal.... Wala siyang pakialam sa paligid, basta ang alam niya masayang-masaya siya ng mga sandaling iyon..

Lumipas ang ilang sandali, nag-init ang kanyang buong katawan dahilan upang matauhan siya.. 

"Oh my God!" Nasa public place sila! anu ka ba naman Jenny hindi ka na nahiya". Sermon niya sa sarili. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Text Mate (short story) by: JhieLovesYouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon