Kapwa humihingal ang dalawa na napasandal pa sa malaking puno matapos ang mainit na tagpo. Nakapikit si Jethro ng mga oras na iyon at naramdaman niya ang pamamanhid ng kanyang puson.Ngunit bigla siyang natauhan sa mga nangyayari sa kanyang paligid kayat unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakita niya ang estrangherong binata sa tabi niya. Nakapikit din ito at humihingal pa ng mga oras na iyon.
Bigla siyang tumayo kahit hingal pa din siya na siya namang ikinamulat ng mata ng estrangherong binata. Humakbang siya palayo dito. Nakakailang hakbang na siya ng marining niya ang pagtawag sa kanya ng estranghero.
"Pare teka lang, wag ka munang umalis" Wika nito.
Napahinto si Jethro sa kanyang paglakad. Lumingon siya dito,ngunit nagulat siya dahil nasa mismong tabi na niya ito.
"Ako pala si Marky, ikaw anong pangalan mo?" wika nito at sinabayan pa ng masuyong ngiti sa mga labi.Seryuso siyang tumingin dito.
"Wala akong panahon magpakilala pa sayo at pwedi ba lubayan mona ako" Sarkatiskong sagot niya dito.
Humagalpak ng tawa ang estrangherong binata.
"Pre ano kaba, nagpapakilala na nga sayo ng maayos yong tao tapos ganyan kapa sumagot sa akin. Pagkatapos ng nanagyari sa atin ganyan kapa?" Deretchong sagot nito.
Napatiim bagang si Jethro. Para siyang nakaramdam bigla ng hiya sa sarili niya ng mga oras na iyon. Pero may punto naman ang estranghero. Magpapaka brosko paba siya pagkatapos ng namagitan sa kanila.Kahit ano man ang gawin niyang pagtaboy dito hindi na mababawi ang mga nangyari sa kanilang dalawa.
Napayuko si Jethro. Nahihiya siya na subrang naguguluhan sa sarili niya. Ano ba itong mga nanagyayari sa kanya? Bakit napakabilis naman yata ng mga bagay na natutuklasan niya sa kanyang pagkatao na halos wala siyang maisip na rason para dito? Una, may mga hinahanap siyang bagay na hindi niya maintindihan kung kailan nasa ganong edad na siya. Pangalawa, may mga kababalaghang nangyayari sa kanyang paligid na hindi niya mahanapan ng sagot. Tapos ito pa, nakipagtalik siya sa isang estrangherong lalake ng ganoon kadali..ng ganoon kabilis at ng ganoon ka desperado sa unang pagkakataon.
Napaigtad si Jethro ng maramdaman niya ang pagdampi ng palad ng estranghero sa kanyang balikat. Nag angat siya ng mukha at deretchong tumingin dito. Nakita niya sa mga mata ng binata ang sinserong pakikipag kilala nito.
"Pre alam ko naguguluhan ka at gusto kong humingi ng pasencia sa mga nangyari kanina. Ang gusto ko lang naman maging magkakilala tayo, wala namang masama siguro don? Masuyo nitong sabi.
Bumuntong hininga si Jethro at tumango ng bahagya. May kung anong gaan ng loob ang naramdaman niya ng mga oras na iyon.
"Jethro pre..." Maiksi niyang sagot.
Naglahad ng kamay ang binata "I'm Marky" sagot nito sa kanya.
Tinanggap ni Jethro ang kamay nito at nguniti siya ng bahagya. Kasunod non ay ang sunod-sunod na hagalpak ng tawa ang namayani sa paligid. Sabay silang humakbang ni Marky patungo sa may pampang ng lawa at naupo sa may buhanginan.
Doon nagsimula ang kanilang pagkaka kilanlan sa isat-isa. Napag alaman ni Jethro ang ilang mahahalagang detalye sa buhay ni Marky at kung bakit ito naroon sa lawa ng mga oras na iyon. Bakasyunista pala siya sa bayan nila at nais lang din nito malasap ang magandang lawa na ipinagmamalaki sa kanilang lugar. Nagkataon lamang na nadoon din siya ng mga panahong yon.
Masarap palang kausap at kakwentuhan itong si Marky. Pakiramdam ni Jethro matagal na niya itong kakilala. Hindi niya namalayan ang pag daan ng oras habang nag-uusap sila. Nakwento naman niya kay Marky na taga dito talaga siya sa Bayan ng Sta. Ines ngunit sa Maynila na siya nakatira dahil sa trabaho niya at naparoon siya para magbakasyon pansamantala.
BINABASA MO ANG
HIWAGA NG LAWA (IKALAWANG AKLAT)
FantasyHalina at ating buksan ang pag-ibig na nababalot ng hiwaga at kababalaghan. Ano nga ba ang mananaig sa huli? Ang tunay ba na pag-mamahal o ang misteryo?