NOFBB UNO

29 1 0
                                    

"Hoy Fortuno! Aba!!! Tanghali na gumising ka na. Napaka kupad mo talaga. Yung mga kapatid mo gising na ikaw hindi pa. Hala bangon. Mahabaging Dyos!!! Nakoooooo---"

Nasa may kabilang kanto pa lang ako papunta sa bahay namin eh rinig na rinig ko na ang tilaok este ang sigaw ng nanay ko. Araw araw, gabi gabi ganyan ang maabutan ko pagkagaling ng trabaho. Automatic alarm namin yan hehehe.

Nagmadali na nga akong tumakbo para makarating samin at pakalmahin ang nanay ko. Jusme! Pag eto inatake sa puso dagdag gastusin na naman. Mababawasan na naman ang kakarampot na kayaman namin ng bakla!!!

"Nay, agang aga ang ingay mo na naman. Daig mo pa yung komponent ng kapitbahay natin eh." Sabi ko sa nanay ko at nag mano nang makita ko siya palabas ng bahay.

"Oh anak anjan ka na pala. Aba Ashana, di ka pa nasanay sakin. Kung di sana kukupad kupad yan si Fortuno edi sana di ako nagbubunganga." paliwanag niya sakin habang nakapamewang pa na halata mo na sobra ang kunsumisyon. Hahaha.

"O siya, tutal maganda ang anak niyo eh ako na ang mag wawalis at magluluto ng agahan. Asan nga pala si itay?" tanong ko ng mapansin na wala si itay. Ibinaba ko na ang mga gamit ko at nagsimulang gumawa ng gawaing bahay.

"Maganda daw? Dugyot ka kaya ate. Hahaha!" sabat ng kapatid kong biniyayaan ng katamaran at pagiging batugan na ngayon pa lang bumagon. Si Fortuno. Uno for short, TAMAD for long hahaha. Siya yung kaninang binubungangaan ng nanay. Pangalawa sakin yan.

Langya to. Tawagin ba naman akong dugyot. Kung di ka nga naman mabuset, agang aga. Pinandilatan ko na lang siya gamit ang tantalizing eyes ko, ganern O.o

Grabihan na buhay itey mga bakla! Kakauwi mo lang galing trabaho, pag uwi trabaho pa din. Ang hirap maging mahirap ha.

Kaya kayong mga readers, wag ubos biyaya hane. Wag mga feeling richkid kung hindi naman. Pakain ko sa inyo tong walis tingting eh kita niyo HAHAHA.

"Tay!"
"Amang!"
"Tatay!"
"Father deeeaaaa- araaayyyy!!! Tay naman eh!!!"

HAHAHAHA. Sorry mga bes, natawa ako eh. Hahaha. Ikaw ba naman makakita ng panget na ulikbang binatukan ng sariling tatay niyo hahaha. Epic much.

Pano ba naman, dumating na ang tatay namin galing bukid kaya sinalubong siya ng tatlo kong nakababatang kapatid na sila Selina, Aniela at Istal, sila ang triplets namin.

-_____- Oo mga bes at baks. Triplets. Triplets lang naman. Oh diba? Daming bibig na papakainin. Pero di naman kami nagsisisi na dumating sila sa buhay namin, dahil napaka babait at masunurin nila, siyempre mana sa akin hahaha!!!

So mabalik tayo, after mabati ng kambal ang itay, bigla ba naman sinalubong ni Uno ang tatay, may pag takbo at pagsigaw pa ng FATHER DEAR!!! Abnoy kasi hahaha! Binatukan tuloy ng tatay. Buti nga sayo.

Lumapit ako kay ama at nagmano. Ngunit bigla naman niyang inagaw sakin ang walis tingting at sinabihan na siya na daw magtutuloy nun dahil kailangan ko na daw magpahinga dahil kakauwi ko lang galing trabaho.

Awwww, so sweetie pie naman may darling itay. Alam niya kasing kakauwi ko lang galing trabaho sa palengke at sa bar kaya alam niyang pagod din ako.

Dalawa kasi trabaho ko eh. Tumatao ako sa palengke, sa pwesto nila Aling Imang tuwing tanghali, at kapag gabi naman ay kumakanta ako sa isang disenteng bar sa bayan. Yung parang sing along bar. Singer ako dun at minsan ay kahera din. Kailangan ko kasing dumoble kayod para sa pamilya ko. Ganun ko sila kamahal. Ayaw ko silang mahirap eh. Di ko kaya :(

"Hindi na itay. Ako na kaya ko to. Ano ka ba? Kayo ho ang magpahinga para may lakas kayo sa anihan. Hahaha." Sabi ko kay itay. Pare parehas lang namang kaming pagod eh kaya kahit lupaypay ang katawan ko eh di ko hinyaang si itay pa ang gumawa neto. Bagkus may naisip akong pagpapasahan ng trabaho hahahaha. Im so smart tologo!!!

Pagkaalis ni itay at nang makapasok siya ng bahay kasama ni inay para magpahinga ay nilapitan ko si Uno at siya ang inutusan kong maglinis. Hahaha! Gantihan lang kapatid. Tamad ka eh.

Wala namang siyang nagawa dahil mauungusan lang siya nila inay. Kaya kaysa mabingi siya sa sigaw at sermon ng mga magulang naman eh nag walis na lang siya. Pero dahil sabi ko nga, may kambal kaming ubod ng bait, eh tinulungan nila ang kuya nila. Nakow nakow! Babait, mana sakin eh.

Pumasok na ako sa bahay at dumeretso sa kwarto. Gusto ko nang matulog, antok na ako. Dumeretso ako sa kama at sumalampak ng higa pero naalala ko yung papel sa bag ko. Yung liham ng tiyahin ko na nagtatrabaho sa maynila bilang katulong ng isang mayamang negosyante.

Kinuha ko ang bag ko kahit pagod na pagod ako. Pakiramdam ko ay naglalaman eto ng kasagutan para mas lalo akong makatulong sa pamilya ko.

Binuksan ko ang liham at ganito ang nabasa ko.

Asha,

Ako ito, ang tiya Selya mo. Kamusta na kayo jan ng mga kapatid mo? Kamusta din ang mga magulang mo? Sana ay nasa mabuti kayo kalagayan. Alam ko naman na may awa ang dyos. Pagpapalain nila kayo dahil mabubuti kayong tao.

Ako nga pala ay sumulat para ipaalam sa inyo na rine sa pinagtatrabahuhan ko ay nangangailangan ng isa pang katulong dahil dumating na ang mg anak ng amo ko at walang mag aaruga sa kanila habang sila ay bakasyon rito sa Pilipinas. Di ko naman mapag sabay sabay ang mga gawain dahil mahina na rin ang mga kasukasuan ko, alam niyo na. Tumatanda na rin. Nagbabakasakali ako na gusto ng iyong inay na sumama sa akin. Alam kong kapos din kayo dahil sa pag aaral ni Fortuno at sa gamit ng kambal. Sanay sulatan niyo ako kapag nakapag desisyon na kayo.

Nagmamahal,
Tiya Selya.

Pagkatapos kong basahin ang sulat ay napakaraming gumulo sa isipan ko. Natuwa ako dahil isa itong pagkakataon upang kumita ng malaki sa maynila para sa pamilya namin. Makikita na rin naman sa wakas ang aming tiyahin na ubod ng bait at noon pa man ay lagi kaming tinutulungan. Ngunit nangamba ako, dahil kung si inay ang aalis pano na lamang ang mg nakababata kong kapatid, lalo na sila Selina, Aniel at Istal. Di pa nila kaya ng walang gabay ng isang ina.

Si ama naman ay laging nasa trabaho at si Uno ay nag aaral pa. Pano na lamang eto :(

Ayaw ko rin naman palagpasin ang pagkakataong ito dahil pera at buhay ng pamilya ko ang nakasalalay. Ibig sabihin ba nito ay...

Ako?!? Etong ganda kong to, papasok ako bilang maid, yes sosyal ako eh maid dapat hahaha. Maid ng mga bata? 5 bata daw? Madami dami din yun pero sabagay, triplets nga, dagdagan mo pa ng ulikabang kapatid eh nakaya ko.

Lahat naman kakayanin kapag pamilya na ang pinag uusapan. Hay nako :(

Kailangan ko nang ipaalam to sa mga magulang ko, sana ay pumayag sila dahil di ako papayag na mapahinto si Uno sa pagaaral. At gusto ko na ding magpahinga ang magulang ko dahil matatanda na din sila. Ayaw ko silang magkasakit dahil sa pagod sa trabaho sa bukid at palengke.

Pero bago yun, matutulog muna ako. Latang lata na ang katawan ko sa pagod.

Pls Diyos ko, bigyan niyo ako ng lakas para magawa ko ito. Para sa pamilya naman po ito eh.

Humiga na ako sa kama at di namalayan ay nabitawan ko sa sahig ang liham at nakatulog.






------
Yan na po ang chapter 1 guys, bes, baks! Nairaos ko din. Dere deretsong pagtatype yan ha. Sabaw ba? Bawi ako next time.

So dahil bago pa lang tong storya ko eh naway maawa kayo at pansinin niyo naman. Helllloooooo!!!! BoyBandPH to oh, ayaw pang pansinin? Tas ang ganda ko pa!!! Hahahaha!!! Namern!

Mag vote kayo ha at magcomment. Pls, sana maappreciate niyo to.

PS. Bawal silent readers, magparamdam ha. Kapag nanahimik, papatahimikin ko kayo permanently hahaha. Chos!

PS. Wag demanding sa UD. Dahil bago lang to, try kong every other day ang UD. Busy din ako sa business ko kaya bear with me guys.

Enjoy reading and Godbless.
Mabuhay ang mga patay na patay sakin!
Mabuhay tayo.

-AqueenB♥

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nanny Of 5 Bad Boys ♥Where stories live. Discover now