Chapy 38: Burn

38 1 0
                                    

(((Sky's POV)))

Nagulat ako nang magising ako dahil sa inggay ng phone ko na walang palya sa pagtunog, hindi naman yun ang tunog ng alarm ko, at hindi rin naman ako nag-alarm kasi puyat nga ako dahil sa Keira na yun, alas dos na kami nakauwi!

Kinuha ko ang phone ko na nasa paanan ko at agad na sinagot kung sino mang hinayupak na istorbo ang tumatawag sa akin!

"Anak naman talaga ng puting tupa oh! sino to?!" inis kong bungad sa kanya.

"High Blood ka na naman Sky, tanghale na, kagigising mo lang ba?" sagot ng nasa kabilang linya na boses babae. Hindi ko kilala yung boses kaya tinignan ko yung caller i.d pero hindi ito nakaregister sa contacts ko.

"Sino ka?" tanong ko agad.

"Hay naku! magkasama lang tayo kanina kinalimutan mo na agad ako!" reklamo nya, doon ko lang narecognized ang boses nya.

"Bakit ba?" Walang gana kong tanong.

"Send me your home address!" she said in an authoritative tone.

"Bakit?"

"Could you please just send it? daming tanong!" she said then hang up the phone.

"Bakit ko isesend sa kanya ang address namin? sino ba sya sa tingin nya? utusan pa talaga ako?" reklamo ko habang tinatype ang address namin.

Babalik pa sana ako sa pagtulog nang makita ko ang orasang nakasabit sa wall ng room ko,

"Shit! alas dos na nang tanghale? seriously?" gulat na gulat kong tanong sa sarili ko, kaya bumangon na ako at naligo.

Pagkalabas ko pa lang ng banyo sigaw na agad ni mama ang narinig ko.

"Sky, anak bangon na, may bisita ka!" sabi nito mula sa labas ng pinto.

"Gising na ko, ma!" sagot ko.

"Bumaba ka na lang, ah, she's waiting at the salas, aalis ako, eh, I have something to do, I need to go!" she said kaya napabilis ako ng bihis.

"Okay ma, inggat" I said, hindi na sya nagresponse kaya I assume na bumaba na sya.

Bumaba na rin naman ako as soon as I finished combing my hair at nakita ko na nga si Keira na busy sa phone nya habang nakacross legs pa.

"Bakit ba kailangan mo pa akong puntahan dito?" tanong ko ng maka-upo ako sa tapat nya.

"Kasi may gagawin tayo na hindi natin pwedeng gawin sa bahay" sabi nito while still not taking off her gaze on her phone.

"Ano?" tanong ko, tinignan nya ako bago magsalita,

"Bring down all the stuffs that she gave you!" she said in an authoritarian tone again, kaya tinitigan ko lang sya. "Hey! Hindi mo ba ko narinig?" tanong nya na medyo inis.

"And why do I have to do that?"

"You said you want to move on, pano mo gagawin yun kung puno ng mga bagay na nagpapa-alala sa kanya dyan sa room mo?" sabi niya "Kung ayaw mong ibaba ako ang kukuha!" she said saka tumayo.

Seryoso ba sya? hindi nya naman alam kung saan sa taas ang room ko! napa-iling na lang tuloy akong sumunod sa kanya, at nagulat ako ng pihitin nya ang door knob ng room ko!

Shit pano nya nalaman?

Tinignan nya muna ako bago tuluyang buksan ang room.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon