"Azelie..."
"Humarap ka nga sa akin. Wag kang mahiya!"
"Yah! gusto ko tumingin ka sa mga mata ko ng deretso."
"Umayos ka naman oh."
"May aaminin ako..."
"Mahal kita, matagal na."
"OY AZELIE!!!!!!! GISING NAAAAAAA!!!!!!!"
Bigla akong napabangon ng wala sa oras nang dahil sa gulat ko nung may sumigaw sa loob ng kwarto ko. Ang ganda na ng panaginip ko, umamin na yung guy sakin. Ang problema lang yung taong lalaki na nasa panaginip ko, hindi ko makita yung mukha niya kasi masyadong blur.
Sino kaya yun?
"KINGINA KA JAE! NAGULAT AKO!" sigaw ko sakanya.
"Ay sorry, ang tagal mo kasing gumising kaya sumigaw na ako. Tss, palibhasa tulog mantika ka. Kanina pa kaya tumutunog yang alarm clock mo."
"Seryoso? Pasensya na Jae. Nanaginip kasi ako kanina."
"Kwento mo! Dali makikinig ako." sabi niya na halatang excited at umupo sa kama ko.
"Wag na hindi naman masyadong importante."
"Weh wala na. Kj ka Aze!"
"Pake mo ba Jae huh? Sige ano fight me!!!"
"Joke lang, Nga pala kamusta yung feels mo sa minention ko sayo kagabi?" tanong niya sakin. Nakakainis talaga siya, in-open nanaman niya yung topic na yun. Sa totoo nga, hindi ako makatulog kagabi nang dahil lang dun. Feeling ko kasi kilala niya ako pero syempre hindi ako aasa. Hindi naman ako assumera. I just act normal.
"Wala, okay lang."
"Sure ka ba dyan sa sinabi mo? baka naman nagsisinungaling ka Azelie."
"Mukha ba akong nagsisinungahaling?" Sabi ko sakanya sabay humarap ng naka poker face or walang emosyon sa mukha.
"Sige Azelie, ang galing mong umarte. Kilala kita bes!" Bakit ba ayaw niyang maniwala? Kaurat ha.
"Kung ayaw mong maniwala sige makakaalis kana sa loob ng kwarto ko." sabi ko sakanya kaya nagpanic siya kaagad. Bihira lang kasi ako magsalita ng ganito sakanya yung tipong sasabog na ako sa inis.
"Oo na hindi na kita kukulitin wag mo lang akong paalisin dito sa kwarto mo."
"Good. Jae may balak kabang pumunta sa Melon Music Awards at Mama 2016 sa hongkong?" tanong ko. Mukhang malabo ata akong makakapunta kasi busy ako tsaka marami pa akong gagawin.
"Meron, bakit? Wala kang balak? Walang ganyanan Aze. You're so unfair." sabi niya habang nagdadabog.
"Wag kang magdabog baka marinig ka ni Kuya." Pagsaway ko sakanya, masyado siyang makulit.
"Pero pupunta ka? Sabay tayo ha."
"Oo nga kulit mo Jae!"
"Okay okay, chill lang bes."
"Kailan mo ihahanda yung mga camera na gagamitin mo?" tanong niya. Kailan nga ba? Hays, busy kasi talaga ako. What to do?
"Next week siguro."
💐💐💐
TheFearLessB
BINABASA MO ANG
Fansitenim | Mingyu
Fanfiction❝ I always capture the best of you. ❞ -Svt_Insomnia © Thefearlessb