Limang taon na kaming nagsasama ni Andy sa isang maliit na bahay malapit sa Brgy. Pag-asa. Simple lang ang naging buhay namin, tahimik, masaya at puno ng pagmamahalan. Kahit na minsan umpukan pa rin kami ng tukso sa tuwing kami ay makikita ng aming mga kapitbahay na lalabas na magkahawak-kamay. Minsan pa nga natanong ko ang sarili ko, "Ano bang masama sa ginagawa namin ni Andy?,Ano bang masama kung magmahal ako ng kapwa ko lalake?, ang lipunan nga naman masyadong mapanghusga." Kaya nga sinusuklian ko na lang ito ng isang sagot na "inggit lang kayo sa beauty ko, mukha kasi kayong chaka kaya walang nagmamahal sa inyo." Sasabayan ko ng tawa. Ganoon na lang ang sinasabi ko sa aking sarili.
Sa araw-araw na buhay namin ni Andy bilang lang sa mga daliri ko kung kailan kami nag-away at kung kalian kami nagtampuhan. Si Andy naman kasi yung tipo ng lalake na tahimik at hindi palakibo, kaya lang nakakatakot kapag nagagalit siya sa akin. Mahal na mahal ko siya at ganoon din siya sa akin. Ginagawa ko ang lahat ng tungkulin ng isang babae para sa kanyang asawa, at laking tuwa ko nang minsan ay nagsalita si Andy sa akin, "Mahal ko, maraming salamat... hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo sa akin?" "naku, ang mahal ko naglambing na naman. Siyempre napapagod din pero kung iyon namang sakripisyo ko ay para sa taong mahal ko, malabong maramdaman ko ang pagod. Tama ba ako, mahal ko?" ang tugon k okay Andy. Isang matamis na ngiti ang isinagot sa akin ni Andy, bago kami pumasok sa aming kwarto.
Pagpasok namin ni Andy sa kwarto ay isang halik ang ibinigay niya sa akin. Halik na maraming kahulugan. Halik na nagpapahiwatig ng marubdob na damdamin ng dalawang taong nagmamahalan. Ang halik na ito ang dumampi sa aking pisngi at ako ay biglang nagulat. "Bakit mahal ko? May masama bas a ginawa ko?", "Wala naman, nagulat lang ako, ngayon ko lang ulit naramdaman ang halik mo." Tumawa ng malakas si Andy at napatawa na rin ako. "Maligo lang ako. Magpahinga ka na d'yan hah?"
Habang kami ay nakahiga sa kama, may gusto sana akong itanong sa kanya ngunit hindi ko alam kung paano ko ito sisimulang itanong. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko ito, nang biglang nagsalita siya, "Mahal ko, masaya ka ba sa relasyon natin? Kasi ako naman ay masayang masaya sa relasyon natin. Sana ganoon din ang nararamdaman mo ngayon." Bakit mo naitanong sa akin 'yon?, "Wala lang, kahit tayo ay masaya, mukhang may kulang pa din sa ating pagsasama." Nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Sa oras na iyon ay nagkahulihan kami ng paningin. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pananabik na magkaroon ng anak. Sa mga oras ding iyon, marami nang mga tanong ang nabuo sa aking isipan. Paano ko bibigyan ng anak si Andy gayong wala akong matris? Paano ako magkakaroon ng anak gayong isa akong lalake? Ibinaling ni Andy ang kanyang mga mata sa kisame at nagsabing "Mahal ko, gusto mo bang magkaanak tayo? Alam mo ba gusto kong magkaanak tayo? Gusto ko maging tatay. Andy, paano ang gagawin natin?Pareho tayong lalake.Wala akong matris na paglalagyan ng isang buhay."Tumigil ang oras sa pagitan naming ni Andy, kapwa kaming nag-iisip na para bang naglalakbay ang aming diwa. "Mahal ko, gusto ko sa sarili kong dugo manggagaling ang bata, ayokong mag-ampon tayo.Mahirap na baka kapag lumaki ang bata, hindi tayo matanggap dahil pareho tayong lalake, pareho tayong bading."Hindi na ako kumibo at tumalikod na ako sa kanya sabay pikit ng aking mga mata.
Kinabukasan, maagang umalis si Andy sa bahay. Hindi ko namanlayan ang pag-alis niya, naiwan akong nakahilata pa rin sa kama. Tulog na tulog na animo'y parang musmos na bata ang aking itsura. Alas siete na nang ako ay magising. "Hay naku! Tanghali na pala, hindi ko namalayan. Andy? Mahal ko? Andy? Hinanap ko si Andy sa buong bahay at napansin ko ang isang sulat na nakalagay sa ibabaw ng ref. "Mahal ko, hindi na kita ginising, umalis ako ng maaga baka kasi ma-late ako sa trabaho. Mag-ingat ka diyan, mahal na mahal kita. Love, Andy." Pagkabasa ko ng kanyang sulat ay nagmadali na rin ako sa aking pagkilos. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagmamadali, hindi ko alam kung bakit ang mga paa ko'y hinihila ako papalabas ng aming bahay. Basta ang alam ko, mamamalengke ako ngayong araw na ito.
YOU ARE READING
Luha
Mystery / Thrillermula sa malaya ngunit maimahinasyong pag-iisip patungo sa pagmamahal ng isang pag-ibig na nakatago sa dilim. Pag-ibig na nababalot ng mga mapanghusgang lipunan.