"Ang wika ay refleksyon ng isang tao. Bakit nga ba nasabi ito? Sa palagay mo? Hmmmm. Binibining asdfghjklxbdoskal"-Sir Kelvin
Ansarap titigan ng pagmumukha ni Sir, lalo na kapag naka serious-type sya. Hayssss!
"Oy Janeyca!" sigaw sakin ng kalapit ko.
"O bakit?"-ako.
"Tinatanong ka ni Sir. Tumayo ka na!" sabi naman nya.
Haaaa? Ako? Tinatanong ni Sir? Susmaryosep. Kung kelan nagdedaydream eh. Unti-unti akong tumayo, at hinarap si Sir Kelvin.
"Ah, Eh! Ginoong Tabugay, bakit po?" tanong ko.
Shocks! Nakakahiya, nakatitig kase sya sakin eh. Nagandahan ata sakin. Hahaha, :)).
"Binibining Andres, wala sa akin ang atensyon mo kaya't hindi mo nalalaman ang ating tinatalakay, tama ba?" kumento ni sir.
Hahaha kung alam mo lang Sir. Nasayo nga ang atensyon ko kaya hindi ko na napansin ang discussion eh.
"Ah eh, hindi naman po sa ganun Ginoo. Sa katunayan, NASAINYONGAPOANGATENSYONKOKAYAHINDIKONALALAMANANGTINATALAKAY" sabi ko. Ambilis nun, panigurado di nya yun nagets, kinabahan ako eh. Hahaha!.
"Binibining Andres, ano ang iyong sinabi?" banggit niya.
"Ah Ginoo, sabi ko po eh, wika po ang refleksyon ng isang tao sapagkat ito ang sumasalamin sa kanya sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat at pagpapahayag ng kanyang sariling opinyon at mga kaisipan. Sa pamamaraan ng ating pagsasalita gamit ang ating wika, duon natin malalaman ang katauhan ng isang tao. Refleksyon ibig sabihin ng salamin. Iyon po, wika po ang sumasalamin sa isang indibidwal. Maaari na po ba akong umupo Ginoo?" litanya ko.
Ngumiti sa akin si Ginoong Tabugay pagkatapos kong masagutan ang tanong nya sakin. Ngiting bihira lamang namin masilayan. "Talagan hindi mo ako binigo kailanman Binibining Andres. Akala ko pa naman ay hindi ka nakikinig sa aking leksyon. *blahblahblah*" sabi niya.
*KRIIIIIIIING*
"Paalam na sa inyo mga minamahal kong estudyante, magkita nalamang tayo bukas, huwag kalimutan ang takdang aralin, Maliwanag?" sya. "Opo Ginoo. Paalam na rin po" sabay-sabay naming banggit.
Hindi pa pala ako nakakapagpakilala, ako po Janeyca (Jeyn-ika) Andres, 1st year college. BsCE, frustrating engineer kase eh. Yung subject kanina is Filipino at yung nagtuturo naman ay si Ginoo/Sir Kelvin Tabugay. Fresh Graduate sya mula din sa Unibersidad na pinapasukan ko. Wiiiith, 21 lang yan. Batam-bata! Ako kase 17 pa lang eh. Hahaha!
Alam nyo ba guys, masabi ko lang sa inyo ah, sa university kasing ito, may HS dept. at duon ako nag HS. Since then, palagi ko ng nakikita yang si Sir Kelvin dito sa campus pero!, neverheard na may GF daw yan. Halos magkalapit-bahay lang din kami nyan kaya palagi ko pa din syang nakikita.
Aaminin ko, kahit 4 years yung tanda nya sakin, nagkagusto ako sa kanya. Bukod kase sa Charming looks nya at Baby Face itsura nya, assest din nyan ang pagkanta. Maganda boses nyan ee. Pero yan lang ang minor reasons ko. Ang major reason ay dahil sa pagiging Gentleman nya at pagiging Palangiti at marespeto sa babae at mabait. Haysss, tingin ko nga mahal ko na yan. Kase nga kilala ko na sya bata pa lang ako. Gets? ^_____^
*Kinabukasan*
"Girl, wala ka bang klase?" tanong sakin ni Kath. Kasama nya sina MayaBabes at WenaBabes. Mga BFF's ko. Hahaha, "Tara, sit-in ka muna samin, Filipino na namin eh! Si Sir Kelvin. Tara bilis. Hahaha" may magagawa pa ba ko eh kinaladkad na nila ko?
"Magkaklase ba daw si Sir?" tanong ko sa kanila. Di kase nila ko kaklase sa Filipino, ewan ko ba kung bakit. "Sabi hindi daw, question-and-answer portion daw kay sir eh. Hahaha!" sagot ni WenaBabes.