ASHASa nagdaang mga araw ay naging masaya ang takbo ng buhay ko kasama si Ace.Ang sarap sa pakiramdam na pinaramdam nya sakin na andyan lang sya sa kahit anong mangyari.
Ramdam ko ang pagmamahal nya para sakin kahit di man nya sabihin sakin.
Alam ko sa sarili ko na nahuhulog narin ako sa kanya.Minsan nga napaisip ako, bakit hindi nalang si Ace ang minahal ko sa halip na si Chadd.
Kay Ace ko naramdaman na mahalaga ako sa kanya pero siguro naguguluhan lang ako.Naguguluhan lang ako kasi si Ace ang kasama ko at hindi si Chadd.
Oo si Chadd ang mahal ko, pilit kung pinapaintindi sa utak ko kahit alam ko minsan kumukontra ang puso ko.Si Chadd lang dapat dahil may anak kami.
Habang nagpapahinga ako sa veranda,nagulat ako nang biglang may yumakap sakin galing sa likuran ko.Akala ko si Ace dahil napapadalas ang pagyayakap nya sakin mula sa likuran dahil sabi nya namimiss daw nya ako kahit araw2 nman kaming magkasama.Siguro umuwi sya ng maaga galing sa skwela.
"Ace..namimiss mo na naman siguro ako no?ikaw talaga.Sige na nga namiss rin kita"
sabi ko pa nang hindi tumitingin sa yumayakap sakin."Iba na pala ang namiss mo ngayon?"
Nagulat ako sa narinig ko.
Hindi ako nakagalaw sa pagkakaupo ko.
Bakit ko nga ba hindi napansin na hindi si Ace iyon. Iba kasi ang bango nya sa bango ni Ace o sadyang okupado na ang isip ko sa kanya.
Kumalas sya ng pagkayakap sakin at hinarap ko sya."C-chadd?"
Nauutal na sabi ko
"Bakit parang nagulat ka ng makita ako?"
"Anong ginagawa mo dito?"
Halatang nadismaya sya sa naging tanong ko sa kanya."Asha,diba sabi ko sayo babalikan kita at sasama ka na sakin.Mukang nakalimutan mo na ata.Pati siguro ako nakalimutan mo na.Mukhang si Ace na ata ang umuukopa dyan sa isip mo."
Kinabahan ako sa sinabi nya.
Totoong nakalimutan ko na itong araw pala iyong sinabi nyang babalik sya.
Bakit iba ang nararamdaman ko?
Bakit hindi ako masaya?"Ah..hah?hindi sa ganon.Syempre hindi ko.nakalimutan iyon."
"Kung ganoon.Kuhanin mo na ang mga gamit mo at nang makarga ko na sa sasakyan."
"A-ano kasi hindi pa ako nakapagligpit ng gamit ko."
"Ngayon na?"
Hindi pa rin ako maka-get over na ito pala yong araw na iyon."Oo..diba Asha napag-usapan na natin ito.Iligpit mo na ang mga gamit mo dahil aalis na tayo at sasama kana sakin"
"Ah oo sandali lang tatawagan ko muna si Ace.Nasa klase pa kasi sya ngayon"
"Bakit tatatawagan mo pa,pwedi namang ihabilin mo nalang sa mga katulong na sinundo na kita at sumama kana sakin. I am sure na nasabi mo na ito sa kanya."
"Pero magagalit yun pag nalaman nyang di ako nagpaaalam at basta-basta nalang umalis dito sa bahay nya.Malaki ang utang na loob ko sa kanya.Andyan sya palagi sakin para tulungan ako,andyan sya ng mga panahong wala ka sa tabi ko. "
"Asha Ngayon paba natin pag-uusapan yan?Akala ko ba okay na tayo?Sige na tawagan mo na si Ace kung iyon ang gusto mo."
Nanginginig akong kinuha habang kinuha ko ang cellphone ko para tawagin si Ace.
Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sa kanya.Parang nablanko anh utak ko at kinakabahan ako.
Nang natawagan ko na sya, halata sa boses nya na nagulat sya at nagpasabi na hihintayin ko daw muna sya at pauwi na sya.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
General FictionLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.