Mabuti na lang at naisip nung 3 na lumipat na lang ng upuan at iwan kami ni Mika dito.
"A-Anong ginagawa mo dito?" hindi ako makatingin sa mga mata nya. Ang awkward Shit!
"Bawal ba?" pilosopong tanong nito.
Napatingin ako sa kanya pero agad ko ding binawi. "Hindi, hindi naman, eh diba kausap mo yung mga kasama mo kanina"
"Ahh, eh hindi naman ako makarelate sa kanila, nakakaOP" sagot nito saka nagpangalumbaba at pinaglaruan ang mouth ng basong hawak nya.
"A-aahh" naalangang sabi ko. "Kain" yaya ko dito ngumiti ako pero di pa din talga ako makatitig ng matagal sa kanya.
"Sige, busog na ko. Salamat" sabi nito.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Para akong naconcious bigla sa pagkain ko. Ngayon pa talaga ako naconcious noh after nameng kumain ng solid sa lugawan kagabi. Aish. Ewan. Nakakainis kasi yung mga kasama ko eh.
Hinanap ng mata ko yung tatlong unggoy. Ayun. 4 na table ang layo sa akin, buti nga yan para di na sila makapang-asar pa aish, pinagpawisan ako ng malagkit sa mga sinabi nila kanina, buti na lang marunong din silang makaramdam.
Nakatingin silang 3 sa amin ni Mika, nagtatawanan, nang-aasar mga bwisit talaga.
"Shet kayo" mouth ko sa mga ito.
"Ha?"
Nagulantang ako ng mag-salita si Mika.
"H-ha?" tanong ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. Aish ang palpak ko ngayong araw.
"May sinabi ka ba?" tanong nito habang nakatingin sa akin
Aish, please wag mo kong tignan ng ganyan, hindi nakakatulong tsk.
"H-ha? Hindi hindi, wala, ano, wala yun" tumawa ako kunwari at napakagat labi na lang.
"Ahh akala ko minumura mo ko eh" tumawa ito
Fudge! Narinig mo ba?
"H-Ha? Hindi ah!" tanggi ko naman. "Maanghang lang" turo ko sa kinakain ko "Napamura ako" saka ako mahinang tumawa. Sinungaling.
Tumingin ako sa gawi nung tatlo at tinignan sila ng masama. Sila may kasalanan nito eh, nilaglag nila ako kanina aish.
Napansin kong napalingon din si Mika sa mga kasama ko kaya kinabahan na naman ko. Bumalik naman sa pagkain yung tatlo kunwari at kumaway kay Mika. Nagsmile naman sa kanila si Mika. Napatapik ako sa noo ko.
"Anong sinasabi nila?"
Napatingin ako agad dito. "Ha?"