"Pinili Ko"
Pinili kong mag-isa, kaysa makasama kayo't may lungkot na madama.
Pinili kong mag-isa, dahil mas masakit na kayo'y makasama.Pinili kong malumbay, kaysa sumaya ng panandalian, ngunit mapapawi rin naman.
Pinili kong malumbay, dahil kung magiging masaya ako, sa saglit na panahon lamang.Pinili kong magbulag-bulagan, kaysa alamin ang katotohanan.
Pinili kong magbulag-bulagan, dahil masasaktan lang akong makita ang katotohanan.Pinili kong magbingi-bingihan, kaysa makarinig ng pagtatalo.
Pinili kong magbingi-bingihan, dahil ayoko malamang May nanalo't natalo.
(Kahit wala naman)Pinili kong tumahimik, kaysa mag-ingay.
Pinili kong tumahimik, dahil wala naman sa inyong makakasaway.Pinili kong magmahal, kaysa magalit.
Pinili kong umunawa, kaysa magmakaawa.
Pinili kong ilihim, kaysa sabihin.
Pinili kong baliwalain, kaysa problemahin.
Pinili kong huwag nang umasa, kaysa maghintay sa katotohanang hindi na mangyayari pa.Pinili ko at pipiliin ko..Kahit masakit na ang dulot nito..
Pero maghihintay pa rin ako..
Kahit na niloloko ko lang ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Poem,SpokenWords,Etc.
PoetryEverything. Everywhere. Anywhere. Whoever. WalangForever! Pwede mong kopyahin yung mga nandito. Basta be SURE na may credits sa Writer 'kuno' na si Ako (MCAnonymous18)