Our story starts here..but wait. Kilalanin muna natin ang ating bida. Marydale Entrata ang real name nya pero sa office nila she is know as Maymay. The sticky note girl.
Mabait, funny at maawain ang ating bida kaya naman nate-take advantage ng lahat. Halos lahat ng employee sa floor na yun inaasist nya, maski pagbili ng coffee ng mga ito sa ground floor ng building nila. Kung tutuusin kung kakayanin lang ng schedule nya siguro buong building inassist na nya.Pero kahit ganun ang kapalaran nya masaya sya. Ang sarap kaya sa pakiramdam ng nakakatulong ka, hindi ba? Pero December 15 na ngayon..malapit ng mag December 20. Teka anu bang meron sa December 20? Aba eh ayun lang naman ang anniversary nila ng kanyang longtime bf na si Carlo. Kaya naman makikita natin ang ating bida sa office, nakangiti habang nakaupo at nakagingin sa kawalan na para bang nagde-day dream.
"Hay, this is it na. After 3 years ibibigay ko na kay Carlo ang gusto nya." Kinikilig na bulong nya sa sarili.
Matagal na kasing gustong makipag..ahem..make love ng bf nya sa kanya. Pero since dalagang pilipina ang peg ni Maymay tinatanggihan nya ito palagi. Pero lately napapansin ni Maymay na parang nananamlay na ang relationship nila. Kaya naman nagdecide na sya na gastusin ang naipon nya para makapagbakasyon sila ng mahal nya on their anniversary.
Namumula ang pisngi ng dalaga habang iniimagine ang mga nangyayari, kung may makakakita lang sa kanya sa mga moment na yun sigurado hahagulgol sa kakatawa dahil sa mga wacky expression sa muka nya.
"Maymay! Hoy!"
Biglang natigil sa pag de-daydream ang dalaga ng makita ang bf nya. Sa 14th floor ito ng BB Tower nag oofice at sya naman sa 7th floor.
"Uy, mahal. Teka bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong nya.
"Ipapaalam ko lang sayo na hindi ulit kita maihahatid bukas. Hindi rin tayo sabay umuwi ngayon. May lakad kasi kami ng mga officemates ko. Saka pwede ba paki on naman yung phone mo para di na ko naabalang bumaba pa dito." Masungit na sambit nito.
"Ay sorry..nakalimutan ko kasing icharge to kanina." Maymay apologized na hindi naman pinansin ng binata. Sa halip eh pinagpatuloy ang sermon sa gf.
"Hay nako Maymay. Wake up. Stop day dreaming na kasi. Iniisip mo pang icharge mga cp ng mga ka office mates mo kesa sa cp mo. Unahin mo nga sarili mo for once, tignan mo pati porma mo hindi mo na napag tutuunan ng pansin. Anu yan naka bun sa likod buhok mo, old style na salamin, pale na lipstic at wala man lang make up. Yang palda mo ang haba dinaig mo pa mga madre. Naka cardigan ka pa. Balut na balut ka eh ang init init dito sa pinas."
Hindi na lang pinansin ni Maymay ang mga sinabi nito. Ang nasa isip nya ginagawa yon ng binata dahil concern sa kanya.
"Ok Carlo..sige na baka pagalitan ka pa. Gagawin ko lahat ng pinayo mo. Ingats mahal." Naka ngiting kumaway sya. Tinitigan lang sya ng binata sabay iling. Umalis din ito ng hindi man lang nag kiss.
Agad chinarge ni Maymay ang cp. Hinanda lahat ng reports na tatapusin at ng mag uwian na inasikaso nya ang mga kailangan para sa anniversary/vacation nila ni Carlo. Paniwalang paniwala sya na after her plan babalik na ulit sa dati ang relasyon nila, ang pakitungo sa kanya ng masungit nyang bf.
"Here's the ticket po Mam. Settled na po ang reservation nyo sa Pavilion Hotel. Thanks for transacting with us. We hope you'll have a good time" masayang banggit ng travel officer.
"Salamat din. Sana nga, I'm hoping for a good time." Kinuha nya ang tickets and went home. Hoping for better days ahead.
Meanwhile at the top floor of BB TOWER.
"No worries Mr. Barber, na book ko na ang magiging room nyo sa Pavilion Hotel. Ready na rin ang tickets nyo papunta dun. But if I may ask sir, bakit nyo pa kailangan sumakay ng public airplane kung mayron naman po kayong private plane?" Tanong ni Yong sa boss nya na tinatapos na lang pirmahan ang mga forms sa desk nya.
"Coz I want to try something different for a change." Tinignan nya ang personal assistant nya.
"Nakontak mo na ba si Heaven?"
"Nope, she's still offline sir. Pero nag message sya kanina na she's still on ballet practice kaya baka mamaya pang gabi maka contact si Ms. Heaven sa inyo." Agad namang chineck ni Yong ang phone nya.
"That's ok..mag mi-meet na lang kami sa Hotel. I want everything to be perfect, na-contact mo na ba ang Winston Jewels? Ready na ba ang pinagawa kong engagement ring?" Tumayo na si Edward at inayos ang necktie. Agad lumapit si Yong para dalin ang suitcase nito.
"Yes sir. Ready na po for pick up."
"Lets go and get it then."
Nakangiting naglakad ang binata. Habang naglalakad sya sa isle ng office eh hindi nya napapansin ang mga admiring gazes from the females at inggit na titig naman mula sa mga kalalakihan. Sino nga ba naman ang hindi maiingit sa binatang tagapagmana ng buong building at business ng mayaman nyang lola.Ng makababa sila ng building agad agad silang nagtungo sa Winston Jewel.
"Eto na po ang pinagawa nyong ring Mr. Barber. I applaud you sir sa napaka gandang design na nagawa nyo. Such nice detail, yet simple and sophisticated." Compliment ng manager sa kanilang client.
"Thanks Anna. Sa susunod naman wedding rings na ang ipapagawa ko sa inyo." Good mood si Ed dahil na achieve ng Winston Jewel ang naiisip nyang actual feature ng design nya.
"May letter nga po palang kasama yan galing sa artist na nagfabricate ng ring. Eto po sir." Binigay nya ang maliit na papel. Nakatupi pala iyon, at ng binasa ni Edward ang naka sulat mas lalong lumaki ang ngiti ng binata.
I wish for a star while doing this, and I hope this ring finds the one who will be your soulmate, your better half, your friend..your destiny.
"Pakisabi sa maker ng ring..salamat" after he paid the amount for the ring agad din silang umalis ni Yong pauwi sa Mansion.
After makapag shower ni Edward he immediately opened his laptop to check kung online ang girlfriend nya. Napangiti sya ng makitang kinocontact na sya nito for a video call.
"Hey sweetheart, how's your day?" Bati nya sa maganda nyang gf na isang talented na ballerina. Nasa Russia ito ngayon para sa intense training, malapit na kasi ang audition para sa isang sikat na play.
"Im so sorry Edward, I know kanina pa ko kinocontact ni Yong but Im just so super busy right now." Explain ng dalaga.
"I understand, pero wag mo kalimutan ang usapan natin ah. Your gonna be here on the 20th. Walang injanan ah." Excited na pangungulit nya sa dalaga.
"Ok sweetie..I promise."
Meanwhile,
Nasa bahay na si Maymay at kausap nya sa phone ang bf nya. Kinukulit nya ito para pumayag sa plano nyang out of town anniversary nila."Sige na naman ga..minsan lang naman to. Saka wala ka namang gagastusin dito wag kang mag alala. Pls." Nagmamakaawang suyo nya sa bf.
"May..meron din kasi akong ka meeting sa Pavilion Hotel sa eksaktong araw din na yon..naka focus ako sa meeting na yon. Paano yun?"
"Ok lang. Basta at the end of the day magkasama tayo. Ayos na sakin yun." Masayang banggit ng dalaga.
"Sige na nga..basta iwan mo na lang sa desk ko yung plane ticket pa punta dun. At yung details ng reservation mo. Sige na magpapahinga na ko. Busy day tom. Eh. Goodnight Maymay." Paalam nito sabay baba ng telepono.
Naka freeze ang ngiti ni Maymay habang nasa tenga pa rin nya ang nagbe beep ng telepono. Ni wala man lang goodnight Mahal ko..dati naman sweet sa kanya ang mokong na yun.
She shakes her head..
"Wag ka mag over think Maymay.. Pagsubok lang to."Humiga sya ng malamim lumabas sa terrace nila para magpahangin saglit. Nakatingin sya sa kalangitan ng may dumaang wishing star.
"Uy! Oh my gad..wish wish..ahm..sana magkatuluyan na kami ng taong nakatakda para sakin." Bulong nya habang magkadikit at mga palad at nakapikit..
Ang hindi alam ni sticky note girl..may isang tao ring nakakita sa wishing star na yon..
"I wish I'll be with her soon." Hiling ni Edward sa kalangitan.
TBC.
Author's Note : This story is based sa Taiwanese (at may Korean version na rin) series na Fated To Love You. Sana mag enjoy kayo. ^^
BINABASA MO ANG
Baby on the way (Mayward)
FanfictionWala namang ibang gusto si Maymay kundi ispend ang gabing iyon kasama ang bf nya. Pero dahil sa kalasingan..maling room ng napasukan nya. Wala din namang ibang gusto si Edward kundi maging perfect ang proposal night nya para sa gf nya..pero dahil s...