Chapter 39

75.7K 764 37
                                    

Katsumi's POV

"Kats?"


Natigilan ako.


Boses palang kilalang kilala ko na siya. Lumingon ako.


"Mycko! Pre!" Ako. Sabay manly hug sakanya.


"Pre! Long time no see!" SIya,


Ito si Mycko. Siya ang naging kaibigan ko nung hindi na kami masyadong naguusap ni Leen. Nakakatawa nga nung first meeting namin eh.


FLASHBLACK
 

Nandito ako sa mall. Wala lang pampalipas nang oras. Wala kasi akong gagawin sa bahay.


Habang naglalakad ako, may lalakeng biglang tumakbo papunta sa'kin at tumago isa sa mga stall.


"Pre. Nandiyan pa ba sila?" Siya.

"Ha? Sinong sila?" Ako.

"Yung mga babae. Nandiyan pa ba sila?"

"Bakit? Kaano-ano mo ba ang tatlong babaeng yan?"

"Girlfriend ko yang tatlo, pre. Tulongan mo'kong makatago."

May tatlong babaeng lumapit sa'kin.

"Kuya pogi. May nakita ka bang isang lalakeng nakaputi na polo at skinny jeans na black. Tapos yung buhok naman ay pataas?" Tanong nung isang babae na brunette ang buhok.

Grabe naman tong lalakeng 'to. Napaka chick boy or better yet PLAYBOY 

"Bakit? Anong gagawin niyo sakanya?" Ako.

"Ang dami mo namang tanong kuya. Pero dahil gwapo ka, sasagutin namin ang tanong mo." Yung babaeng chubby.

"Girlfriend niya kami. At manloloko siya! Pinagsabay-sabay pa naman kami. Kamusta naman yun?" Babaeng mukhang mataray.


"Huy! Sinabi ko ba sainyo na sagutin niyo 'ko? Alam niyo naman na lolokohin ko lang kayo. Pero ano ang ginawa niyo? Nagpapaloko din kayo! At sino ba ang naki-usap na maging girlfried ko, diba kayo? Malapit na ang pasko kaya pinagbigyan ko kayo. At alam naman nating lahat dito na ginagamit niyo lang ako for fame." Grabe talaga tong lalakeng 'to.

Nakita ko namang yumuko ang tatlong babae at umalis silang luhaan.

"Hah! Ano sila ngayon, nga-nga?" Napalingon ako sakanya


Bigla siyang nagsalita.

"Ay pre! Salamat pala sa pagtulong sa'kin. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Matagal ko nang gustong layu-an ang mga yun"


"Wala yun. Itigil mo na nga yang kalokohan mo. Maraming babaeng masasaktan. Ang bata bata pa natin pero napaka chick boy mo na
" Ako.


"Bahala na. By the way, I'm Mycko Evangelista. Call me Mycko or Myck." Siya.

Inabot niya ang kamay niya.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon