Humugot muna siya ng malalim na hinga bago ito binalingan. "Pasensya na sa inasal ko kanina. Nakalimutan ko tuloy alukin ka ng makakain. Gus-?"
"Hindi na. Aalis na rin naman ako. Salamat sa tulong mo." Awat nito sabay talikod sa kanya upang simulan ang paglakad.
Nawala ang awa niya rito nang mag-attitude ito. Parang kinukonsensya naman siya nito ngayon. Kanina lang ay feeling close ito tapos ngayon aalis na lang bigla. Ayaw ba nito sa alok niya? Hindi niya tuloy alam kung pipigilan o hahayaan na lang itong pinili niya ang una.
"T-teka sandali. Babalik din naman ako sa bayan kung gusto mo sabay na lang tayo." Natawa pa siya ng mahina. "Kung di ka pa sigurado saan ka magtatanong sa bayan. Kung okay lang sayo?"
Huminto ito sa paghakbang at lumingon sa kanya nang nakangiti. "Ayos lang naman. Kaso gusto ko munang maglakad-lakad. Pwede mo ba akong samahan?"
Hindi na siya nag-alinlangan kaya muli siyang kumuha ng gamit sa kusina ng matanda upang takpan ang binili niyang ulam. She wanted to give the same kindness the old man gave to her. Kahit ngayon lang.
"Sige ba. Basta hindi mo ako ililigaw rito." Sagot niya matapos lumakad palapit rito. Muling itong ngumiti at pinanguhan ang paglalakad nilang dalawa sa gubat.
Napahinto siya sa paglalakad nang mapansin niyang hindi pamilyar sa kanya ang daang tinatahak nila. Mahigit isang oras na rin silang naglalakad. Napaatras siya bigla. Umahon ang takot sa kanya. Bigla niyang naalalang estrangero pala ang sinasamahan niya sa estrangerong lugar. Paano kung may balak itong masama sa kanya? Wala ang matanda o kahit sinong taong mahihingian niya ng tulong kung sakaling isa pala ito sa masasamang taong umaaligid sa mundong ito.
Muli siyang napaatras nang may marinig siyang kaluskos sa bandang kaliwa niya. Laking gulat niya nang bigla sumungaw ang isang malaking leon. Sa takot niya bigla siyang natumba. Jichael ran to her. Dahilan upang ito ang unang tumanggap ng sunggab ng hayop.
Sabay silang tumilapon sa magkaibang panig ng leon. Lalo siyang kinabahan nang muling mabaling sa kanya ang atensyon ng hayop. Alanganin siyang napangiti. Ganito ba talaga siya kasarap? Kahit pati hayop sa kanya lagi gustong lumapit.
"Ano pang nginiti mo riyan? Tumakbo ka na palayo!" Pasigaw nitong sita sa kanya. Napangiwi ito nang mapansin nito ang dugong umaagos sa balikat niya.
"A-ayos k-ka lang?" Hindi parin siya tumayo mula sa pagkakabagsak.
"Ano ba namang kalokohang tanong iyan? Malamang hindi! Kung ako saiyo tatayo na ako riyan at tatakbo para mabawasan ang iintindihin ko." Kaagad itong tumakbo sa sumugod sa leon upang mapigilan ito sa paglapit sa kanya.
Sinamantala niya ang pagkakataon. Dalidali siyang tumayo at nagtago sa likod ng puno. Doon niya hinupa ang takot at sakit na nararamdam. Kung tutuusin wala pa iyon sa sugat na tinamo ng binatang nagligtas sa kanya. Mas malala ang pinsala nito dahil nang lingunin niya ito kanina balot na ng dugo ang kaliwang balikat nito.
Muli siyang napangiwi nang maalala niya ang itsura nito nang unang tayo nito. Isang malakas na balya ang narinig niya kay lumabas siya sa tinataguan. Naabutan niyang walang buhay ang leon sa likod ng punong sinasandalan niya.
Kaagad niyang dinaluhan ang binata. "Jichael, pasensya na hindi kita natulungan. Natakot ka-"
"Wag mo na--aray ko!" Bigla itong napasigaw sa sakit. "T-tulungan mo ko..." Huling sinabi nito bago nawalan ng ulirat.
Hindi niya alam kung paano. Pero maayos niya namang nadala sa bahay ng ermitanyo ang binata. Maliban sa kaunti pasa sa kanan pisngi nito at braso wala naman na itong natamong pinsala mula sa kanya nang ilang uli niya itong nabitawan.
BINABASA MO ANG
Ageless Dimension
FantasyMatapos masabugan ng isang armas panghimpapawid, nagising si Allison sa isang kakaibang mundo. Lahat ng bagay na nasa kwento lang ng mga magulang niya at naroroon. She don't wanna believe it. Mas gusto niyang paniwalaang panaginip lang ang lahat. Th...