XANTHEA'S POV
"Anaaaaaak!" Sigaw ni mama yan. "Bumaba ka na rito, may pasok ka pa." Hayst. Si mama talaga, daig pa ang full volume ng radio namin kung makasigaw. "Bababa na!" Sigaw ko rin pabalik sa kanya habang kinakapa-kapa ang eyeglases at isinuot ko.
Ako nga pala si Xanthea Skyllar Sy. 17 years old. Kasalukuyang nag-aaral sa WELTER ACADEMY.
Niligpit ko muna ang pinaghigaan ko tsaka lumabas. Pagkalabas ko, nakita ko si mama na naghuhugas sa kusina.
"Ano po ulam natin nay?" Tanong ko sa kanya.
"Maligo ka muna bago kumain" sabi niya
"Opo" sagot ko sa kanya.
Ang ganda ng sagot noh? Tsk. Parang zombie na naglakad ako papuntang cr. Bakit ganun? Gutom na ako eh, bakit hindi muna kain tapos ligo? Psh. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Pagpasok ko ng cr, NEVERMIND nalang. Ginawa ko lahat ng ginagawa ng girls sa cr tuwing naliligo. Pagkatapos ko, kukuha sana ako ng tuwalya kaso, PATAY! Naiwan ko sa loob ng kwarto.
"Nay? Nandiyan ba kayo?" Tanong ko habang hinay-hinay na itinulak ang pinto ng cr.
"O! Anong nangyari sayo?" Tanong niya na may halong pagtataka.
"Nay? Wag kang magagalit ha?" Tanong ko na may halong pagka-takot at hiya.
"Depende sa sitwasyon." Sabi niya.
PATAY! Anong sasabihin ko? Isinira ko ang pinto at sumigaw ng "NAY! PWEDE MO BANG KUNIN ANG TUWALYA SA LOOB NG KWARTO KO?" Pero walang sumagot. Naghintay ako ng five minutes kaso mukhang walang sasagot eh. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at tumambad sa akin ang pulang mukha ni mama na namula dahil sa galit at may dala pang tuwalya.
"Bakit ba kasi ang hilig mong mang-iwan ng tuwalya sa tuwing papasok sa cr?" Tanong niya sabay hagis ng tuwalya sa mukha kong basang-basa. Ang hirap intindihin ni nanay noh? Pero kahit gayan yan, mahal na mahal ko yan at sigurado ding akong mahal niya ako. Kung hindi niya ako mahal, bakit nagtsatsaga pa siya sa pagiging careless ko?
"Sorry na po ma, hindi na mauulit" sabi ko.
"Huwag mo nang sabihin yang linyang yan, ilang ulit ko na ba narinig yan?" Sabi niya habang naghuhugas. Grabe talaga to si mama.
Umakyat nalang ako sa kwarto at nagbihis ng uniform. "Ang ganda talaga ng uniform ko." Sabi ko sa sarili ko with matching turn around pa. Ay! Nalaglag glasses ko. Agad ko itong pinulot at sinuot. Hayst. Ilang beses na ba itong nabasag? Buti't ayos pa. Tinignan ko sarili ko sa salamin.
"Ampanget ko." Sabi ko sa sarili. May suot akong uniform na may checkered white at pink necktie na muntik nang lumagpas sa elbow ko, checkered white at pink din na palda. Siguro, sa lahat ng damit ko, ito lang ang bagay sakin.Hindi naman ako masyadong maputi at hindi din kayumanggi, fair lang ang skin ko. May retainer, kasi hindi pantay ang teeth ko. May glasses, kasi hindi masyadong malinaw ang paningin ko eh. Palagi din akong nagbabasa ng science books pag bored.
Bumaba na ako at pumuntang kusina. Nakita kong nakahain na ang pagkain kaya puwesto na ako sa table.
"Hephep!" Si mama. Sabay harang ng kamay. "Pray muna bago kain." Dagdag pa niya. At yun, nagpray na ako saka kumain at umalis.
Paglabas ko ng bahay, naglakad ako papuntang school. Buti't hindi ako late kahit matagal ako sa cr kanina.
Beeeep! Beeeep!
"Nubeyen!" Sabay takip sa tainga ko. Ang ganda na ng moment ko sa paglalakad dito sinira pa ng maingay na kotseng ito.
"Hey! Nerd!" Sino ba yun? Wala akong kilalang may ganoong boses ah. Baka hindi ako yun. Binilis-bilisan ko ang paglalakad.
"Hey! I'm talking to you!" Sigaw niya. Para kasing ako ang tinatawag eh, kaya nilingon ko. Paglingon ko, mygash! Ang gwapo niya pero mukhang manyakis eh. Para hindi naman ako magmukhang bastos, inentertain ko.
"Po? Ano pong kailangan mo?" Malumanay kong tanong.
"Hmm...do you know where is the Welter University?" Tanong niya. Teka, doon din ang school ko ah!
"Ay! Doon din ako nag-aaral." Masiglang sabi ko.
"Is it okay if you'd take me there?" Tanong niya sabay baba ng sunglasses niya at wink pa. Siguro playboy tong isang to. Mukhang manyak kung maka-asta eh.
"Ayoko." Tumakbo na ako papalayo sa kanya, tutal malapit na naman dito ang school eh. Hayst. Kapagod tumakbo. Nagpahinga muna ako saglit sa labas ng gate. Pawis na pawis na ako. Buti at hindi nakasunod sakin yun.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Slave
Teen FictionThis a story of a Nerd named Xanthea Skyllar Sy who was working for a Playboy named Skieth Alexis Tan. Her life was supposed to be a normal one, but it became tragic when this playboy enters her life and made it miserable. Will she survive in a Play...