Chapter 2

12 1 0
                                    

XANTHEA'S POV

Nandito na ako sa school ground. Kitang kita mo talaga ang kagandahan ng school dito at makikita mo rin ang nakaukit sa itaas ng campus main building na 'WELTER UNIVERSITY' Ang gara ng school na pinasukan ko noh? Mayaman kasi kami. Jowk! (^_^)v Mayaman kasi ang nagpapa-aral sakin.

_-_-_-FLASHBACK_-_-_-

"Ma! Saan ako mag-aaral?" Tanong ko kay mama.

"kaw bahala kung saan mo gustoSagot naman niya.

"Sigurado po kayong kaya mong bayaran ang expenses ko?"  Tanong ko.

"Wag kang mag-alala hija, sagot ko ang expenses mo sa school." Sabi ng isang pamiliar na boses mula sa likod. Tumingin ako sa nagsasalita at nakita ko si Tita Alexa na nakangiti sa akin.

"Talaga po?" Tanong ko na may kasamang galak.

"Oo naman." Sabi niya. Tumakbo ako sa kanya at hinug ko siya. "Thank you po Tita, pangako ko na pagbubutihin ko ang pag-aaral ko."

_-_-_-End of  Flashback_-_-_-

Si Tita Alexa ang nagpapa-aral sakin. Siya rin ang amo ni mama. May anak daw yun eh. Sabi niya, dito daw niya pag-aaralin. Sabi din niya, kaedad ko lang daw ang anak niya eh. Sana mabait. Galing daw ng states yun eh, pauuwiin daw niya para makapag-aral dito. Sana maging kaibigan ko ang anak niya.

Naglalakad na ako sa corridor ng makita ko ang isang feeling 'magandang' babae sa balat daw ng universe. May balat ba ang universe? Tsk. Siya si Ayesha Lorainne Cric. Well, aaminin ko na, maganda naman siya, pero ang ugali niya ba'y maganda?

"Oh! The nerd is here." Sabi ng isa sa mga alipores niya.

"Oo nga, dun tayo sa ibang daan dumaan." Sabi ng isa sa kanila. Hindi ko nakita kasi nakatungo ako.

"Hey nerd, Stay away from Skieth." Bulong ni Ayesha sakin bago umalis kasama ang kanyang mga alipores.  Sino ba yang Skieth na yan? Wala akong kilalang ganyan ang pangalan eh. Mga baliw talaga. Hayst. Dibale na nga, aalis nalang ako.

Papunta na ako sa science building ng school. Nagbabakasakali ako na doon ko makikita ang room number ko. Sa aking paglalakad patungo dun, may nakita akong napakagwapong nilalang para sakin. Dejà vu. Napakagwapo niya, siya si Kurt. Siya yung sinasabi kong crush ko. Crush ko na siya simula nung grade 7 palang ako. Nagtataka kayo kung bakit kilala ko siya? Well, ito kasi ang nangyari.

The Playboy's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon