Chapter 3

8 0 0
                                    

AYESHA'S POV

I was at the coffee shop to buy some coffee. Nakita ko ang isang nerd na babaeng naglalakad. Psh. Ba't parang ang saya saya niya ngayon?

Aalis na sana ako ng may nadinig akong horn ng kotse. Nakita kong may kotseng tumigil sa harapan niya. Sino kaya yun?

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha at nakita ko si Skieth. Magkakilala ba sila? Parang hindi eh. Nakikita kong parang kinakabahan ang nerd.

"Arrrgh! Nakakainis! Bakit ba sa tuwing may gusto akong lalaki inaagaw ng nerd na yan?" Tanong ko sa sarili ko.

Umalis nalang ako at tinawag ko ang mga girlfriends ko. Nandito kami ngayon sa corridor, sinabi ko sa kanila lahat ng nakita ko kanina.

"Eww. That nerd was flirting Skieth?" Tanong ni Cheska.

I was about to answer when we saw the nerd enter the corridor.

"Oh! The nerd is here." Sabi ni Kriziel.

"Oo nga, doon tayo sa ibang daan dumaan." Sabi naman ni Keianna.

"Hey Nerd, Stay away from Skieth." Bulong ko sa kanya bago umalis kasama ang mga girlfriends ko.

____________________

XANTHEA'S POV

Nandito ako sa tapat ng room 93. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Pagpasok ko, nakarinig ako ng mga bulong-bulungan.

"Siya ba yung Nerd sa section natin?" C1

"Ang panget naman." C2

"She does not belong here." C3

At mayroon pang kahit anong mga negative comments tungkol sakin hanggang sa makaupo ako sa pinakalikuran. Puwesto ako doon sa gitna ng dalawang bakanteng upuan. Sana wala ng uupo diyan. Antagal ng teacher namin. Umidlip muna ako saglit habang naghihintay sa guro namin.

Pagkalipas ng ilang minuto, biglang tumahimik ang klase kaya sinilip ko kung sinong pumasok. Nung sinilip ko, ang nakita ko ay isang lalaking ngiting ngiti na umupo sa tabi ko. Dahil sa wala pa ang teacher, umidlip ulit ako.

Lumipas ang ilang minuto, nakaramdam ako na ng parang may kumalabit sakin. Tinignan ko ito,"Lagot ka sakin mamaya." Sabi niya na parang galit. Mukhang hindi naman galit yung mukha niya eh, pero natatakot parin ako. Marunong din palang magtagalog to eh. Teka! Bakit lagot ako sa kanya mamaya?

"B-Bakit?" Mahinang ngunit nauutal na tanong ko.

"For running away." Sabi niya. Ay, yun palang kanina na tinakbuhan ko siya. Tinignan ko siya ngunit wala na siya sa tabi ko. Umidlip nalang ulit ako.

Lumipas ulit ang ilang minuto, nakaramdam na naman ako ng parang may kumalabit sakin, tiningnan ko kung sino at nakita ko ang isang napakagandang babae.

"Hi! I'm Leyana." Sabi niya nang nakangiti. "Pwede ba akong tumabi?" Tanong niya sakin. Ang kinis ng skin niya, ang haba ng pilik-mata, matangos ang ilong at ang puti pa niya.

The Playboy's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon